BREIGH’s POV Pinagbuksan na ako ni Gaylord ng pinto at ngumiti naman ako sa kanya habang bumababa. 8:30 niya na ako naihatid dito sa condo ko dahil pagkagaling namin doon sa designer ay naglaro pa kami sa arcade at kumain na rin kami ng dinner. “Salamat sa pagsama sa akin huh.”nakangiting sabi ko sa kanya. “Wala yun, so I have to go. Magkita na lang tayo sa susunod, maybe sa birthday mo.”nakangiting sabi niya sa akin at mabilis ko naman siyang pinalo nang mahina sa braso niya tsaka tumawa. “Isang buwan pa eh, ang tagal pa non.”natatawang sabi ko sa kanya. “Hahaha. Kung sabagay, sige na. Good night.”sabi niya at hinalikan niya pa ako sa pisngi ko. Wala namang malisya yun kasi magkaibigan naman kaming dalawa. “Good night din.”sagot ko sa kanya. Mabilis naman siyang umikot papunta dun

