LEE’s POV Pagkahatid ko kay Breigh sa opisina niya ay dumiretso na agad ako sa condo unit ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti kapag naiisip ko yung mga ngiti niya sa akin kanina. Alam kong parang medyo matamlay pa siya kanina pero siguro dahil yun sa hindi pa masyadong maganda ang kanyang pakiramdam. Kung ako naman kasi kay Kuya ay pinag leave ko muna siya sa trabaho. Tsk. -_- Nilabas ko na yung susi nang condo ko mula sa bulsa ko at nang aktong bubuksan ko na yung pinto ay hindi ko maiwasang mapatigil nang mapansin ko na hindi yun naka-lock. Napakunot ang noo ko. Hindi ko ba toh nasarado ng maayos kanina bago umalis? Pero ang alam ko ay nakandado ko toh eh. Dahan-dahan ko nang binuksan yung pinto at hindi ako gumawa nang ingay habang pumapasok ako. Nang makarating na ako sa may sa

