CHAPTER 152 Hindi ko maiwasan na titigan si Castiel matapos niyang mapatahimik sa sinabi ko. Para bang may inaalala siya kaya wala siyang imik sa akin. Makalipas ang ilang segundo ay nag tanong na ako sa kanya. "May problema ba?"tanong ko habang diretso pa rin akong nakatingin sa kaniya habang siya naman ay medyo nakayuko lang. "Ah wa-- wala."tipid na sagot niya sa akin tsaka siya tumingin na lang ulit sa may likod. Pasimple na lang akong nag kibit balikat dahil hindi ko naman siya mapipilit na sabihin sa akin yung ni iniisip niya. Nanatali ang katahimikan sa pagitan namin at wala na akong balak pang sirain yun. Wala naman akong itatanong sa kaniya at masyado na akong nadadala sa ganda at katahimikan nang paligid. Akala ko ay wala nang magsasalita sa pagitan namin pero maya ma

