CHAPTER 151 Naalimpungatan ako sa pagtulog ko ng gabing yun, hindi ko alam kung bakit ako nagising-- siguro ay dahil medyo maaga akong humiga matapos naming kumain ng dinner. Dito kasi sa Rancho de Evangelista ay maaga talagang natutulog ang mga tao-- maliban lang siguro kay Tito Edward dahil kapag gabi ay mas gusto niyang tumulong sa burol ni Tita Caroline. Dahil parang hindi na ako inaantok kaya naman mas pinili ko na lang na umupo sa kama ko tsaka ko binatuhan nang tingin ang wall clock para makita kung anong oras na ba. Mag a-alas onse pa lang pala ng gabi. Kung hindi ako nagkakamali ay 8:00 PM ako nahiga kanina. Ang aga pa pala. Kinuha ko ang phone ko bago ko naisipang tumayo para lumabas ng terrace, medyo mabanas din kasi ang gabi. Umupo ako sa isang kahoy na upuan at bi

