BREIGH’s POV Halos tatlong araw na ang nakalipas simula ng mamatay si Tita. Tatlong araw na rin siyang naka burol, at tatlong araw ko na ring ginugugol ang araw ko para tulungan si Lee at Sir Edward dito sa Pangasinan para nga sa burol. Pinayagan naman ako ni Dad at Kuya na mag-stay dito kasi sinabi kong kaibigan ko si Lee. Ang hindi lang nila alam lalo na si Kuya na kapatid ni Lee si Castiel, alam ko kasi na hindi niya ako papayagan kapag kasama ko siya. Ayaw niya kasing ma- involve pa ako kay Castiel ngayon pa na wala na nga kaming kaugnayan dahil nga nag resign na ako. Sinabi ko din sa kaniya na lalayuan ko na siya pero hindi ko naman yun nagawa dahil nga dito sa nangyari. And speaking of Castiel, huling kita ko sa kaniya ay noong nasa ospital pa kami. Pagkatapos noon ay hindi ko n

