THIRD PERSON's POV Hindi alam ni Breigh kung bakit nasisilaw siya sa liwanag kahit na nakapikit naman ang mga mata niya. Una niyang ginalaw ay ang mga daliri niya para masiguro na kaya niya nang ikilos ang katawan niya dahil pakiramdam niya ay napapagod pa rin siya. Pagkatapos nang mahabang segundo ay doon niya pa lang napag desisyunan na dahan-dahan nang imulat ang mga mata niya. At sa pagmulat ng mata niya ay mas lalo pa siyang nasilaw sa liwanag ng ilaw na nagmumula sa kisame kaya hindi niya maiwasan na ipikit ulit yun. "Breigh? Gising ka na ba? "Boses ng isang pamilyar na lalaki sa may gilid niya at pagkatapos noon ay naramdaman naman niya ang mainit na kamay nito na pumatong sa kamay niya. Dahil kilala niya ang boses na yun kaya naman sinubukan niya ulit na buksan ang mga m

