LEE’s POV Malakas kong isinara ang pinto nang kotse ko matapos kong kausapin si Kuya. Pagka sugod ko kasi kay Breigh sa ospital at habang wala pa siyang malay ay kinuha ko na ang pagkakataon na yun para naman puntahan si Kuya Castiel. Ang lakas talaga ng loob ng lalaki na yun para sabihin na kaya naman ni Breigh ang ulan kagabi. Tsk. Kung hindi lang talaga ako nakapag pigil ay baka mas lalo pa siyang napuruhan, Nag madali na akong nagmaneho pabalik sa ospital dahil hindi pa ako nagawang ma-interview ng mga Doctor dahil umalis nga ako agad kanina. Nang makarating na ako sa opsital ay agad na akong dumiretso sa kwarto kung nasaan siya at tamang tama lang ang dating ko dahil nandoon pa yung isang Doctor. “Doc, kamusta po siya?”nag aalalang tanong ko nang makalapit na ako sa may higaan ni

