BREIGH’s POV Nakaupo lang ako ngayon dito sa may passenger seat habang nagmamaneho naman si Lee sa tabi ko. Katatapos lang namin na kumain sa isang restaurant at syempre--- libre niya yun. Wala pa ngang 30 minutes nung natapos kaming kumain dahil konti lang yung kinain ko. Actually, pinilit ko lang talaga na kumain kanina at wag ipahalata sa kanya na wala ako sa mood kasi ayokong magtanong pa siya. Hindi ko naman masabi sa kanya na may gusto ako sa kapatid niya dahil ayokong makaramdam siya ng awkwardness sa pagitan namin and I really dont know kung dapat pa ba niya yung malaman lalo na kung hindi naman maganda ang relasyon nilang dalawa. Tsaka nag madali na rin akong bumalik sa opisina kasi ayoko namang dumating si Castiel doon ng wala ako. Makalipas ang ilang minutong katahimikan sa

