Tahimik na lang na bumalik sa trabaho si Breigh kahit na tuluyan na siyang nawalan ng gana. Hindi niya lang maiwasan na mapatigil sa ginagawa niya kapag naaalala niya ang nakitang pag ngiti ni Castiel nang makita niya si Ellaine. ‘Ibang iba yung mga ngiti niya. Hindi lang yun nakikita sa labi niya kundi pati na rin sa mga mata niya.’ Nasabi na lang ni Breigh sa isip niya at talaga namang nasasaktan siya nang dahil dun. Hindi kasi ngumingiti ng ganon si Castiel pag siya ang kasama nito kaya naman hindi niya mapigilan na makaramdam ng inggit kay Ellaine. ‘Paano niya ba nagawang iwan ang lalaking mahal na mahal ko at matagal ko nang pinapangarap? Hindi ko maintindihan kung bakit niya iniwan pa si Castiel kung halata naman na mas mahal siya nito kesa sa mas mahal niya ito? Naiinggit ako!

