(Clarisse's POV) Napasimangot ako ng husto sabay tulak ng malakas kay William nang tangkain niyang lalong ilapit sa mukha ko ang mukha niya. Balak ba niya akong halikan? Neknek niya! Panay ngiti pa siya sa akin ng todo na tila sinasadya niyang ipakita sa akin ang dimples niya. Hmpff! "Bakit ba ang kulit mo? Tsaka paano mo nalaman ang address ko?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil nagpupumilit talaga siyang dumikit sa akin. Arghh! Patuloy ko na lang siyang tinutulak ng malakas sa dibdib niya at panay naman ang ngisi niya sa akin. Kung ibang lalaki siguro siya ay baka maisip kong minamanyak na niya ako. Pero dahil siya si William––ang lalaking nakakuha—hindi pala––ang lalaking pinagbigyan ko ng virginity ko ay wala akong nararamdamang takot o pagkaalarma sa kanya. Para bang komportable

