(Clarisse's POV) Napakakulit talaga ni William! Siya na yata ang pinakamakulit na lalaking nakilala ko sa buong mundo! Sa lahat ng nagkagusto sa akin at sumubok manligaw ay siya na ang worst sa kakulitan na na-encounter ko! Todo effort at sobrang papansin! Ayaw sumuko kahit palagi ko siyang dini-deadma at binabara! Argghh! Araw-araw na lang ay pinupuntahan niya ako sa condo ko, sinusundo at inihahatid sa trabaho ko. Minsan kahit breaktime ay nandoon siya at nagpapapansin sa akin habang panay naman ang papansin sa kanya ng ilan sa mga katrabaho kong malalandi. Hindi ko tuloy alam kung saan ako mas maiinis. Sa pagpapapansin ba niya sa akin o sa pagpapapansin sa kanya ng mga makakating babae kahit kita naman nilang sa akin lang nakatutok ang pansin ni William? Napapaisip tuloy ako kung wa

