(William's POV)
"William!"
Napalingon ako sa entrance ng hospital nang marinig kong tinawag ang pangalan ko ng isang pamilyar na boses. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko roon si Gerard at kasama niya ang asawa niyang si Debbie. Kumaway siya sa akin at binilisan nila ang mga hakbang nila papalapit sa akin.
"Magsi-CR lang ako saglit." biglang paalam ni Clarisse at mabilis na siyang tumalikod sa akin. Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil nakalapit na sa akin sina Gerard at Debbie.
"Are you okay, dude? What really happened?" nag-aalalang tanong sa akin ni Gerard.
I just blabbed and told Gerard quickly how I ended up being kidnapped pero ang isip ko at ang paningin ko ay nasa papalayong bulto pa rin ni Clarisse.
I don't know why but something in my mind tells me to follow her, but I couldn't coz Gerard is there and I can't get in the women's restroom anyway. Mukhang malapit lang naman ang restroom dahil may natanaw akong signage sa nilikuan ni Clarisse na nasa malapit lang.
"Dude! Are you okay? Hey!" untag sa akin ni Gerard sabay tapik ng malakas sa isa kong balikat. Napilitan tuloy akong mapalingon ulit sa kanya.
"Yeah, I'm okay. No problem with me. Thank you nga pala Debbie sa pagliligtas sa amin." Baling ko naman sa asawa niya at nang tumango lang ito sa akin ay nilingon ko ulit ang nilikuan ni Clarisse.
Hindi naman siguro mapapahamak si Clarisse dahil nasa loob naman kami ng hospital, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-isip at mag-alala para sa kaligtasan niya.
"You have some scratches in your arms and a little on your face, Pare. May iba ka pa bang sugat? May masakit ba sa'yo?" usisa pa ni Gerard sa akin sabay check ng maayos sa mga braso ko.
"No, nothing hurts with me." Maikli kong sagot sabay sulyap ulit sa nilikuan ni Clarisse.
I couldn't stop worrying about her! Damn! Epekto na marahil ito ng nangyaring pangingidnap sa amin. But I am more worried about her and not with myself. Siya naman kasi talaga ang pakay ng mga demonyong iyon at nadamay lang ako.
"Are you sure?"
"Yeah."
Napatingin ako sa relo ko dahil lampas dalawang minuto na yata ang lumipas mula noong nagpunta sa CR si Clarisse.
"Because of that watch bro kaya ka namin nahanap. It has a GPS. If not for that ay baka hinahanap ka pa rin namin ngayon. Buti naisip ni Debbie na palagyan 'yan ng GPS dahil na rin sa pagtatago ni Brian. But we'll only use the GPS for emergency purposes like this. Oh di ba, napakauseful! My wife is really a genius!" sabi pa Gerard sa akin.
"Really? You're right, dude."
Nakakahawa sana ang energy niya pero naaagaw ang isip at atensiyon ko tungkol kay Clarisse. Napatingin din ako ulit sa suot kong relo. 3 minutes na mula noong umalis si Clarisse at pumunta sa banyo.
"Yeah. You should really be thankful to Debbie, dude. Lahat kayo ay may ganyan para kung sakaling mawala kayo o may emergency ay alam namin kung nasaan kayo. Now you know. Kaya wag mo na iyang huhubarin kahit kailan dahil proteksiyon mo iyan. Same with all our friends." paliwanag pa ni Gerard sa akin pero hindi na iyon masyadong nagsink-in sa utak ko dahil si Clarisse pa rin ang iniisip ko.
It's already four to five minutes since she left!
"Dude, bakit parang may iba sa iyo? You seem strange. Did something terrible happen?" tanong na naman ni Gerard sa akin. Si Debbie naman ay may kausap na pala sa cellphone niya at bahagya na munang lumayo sa amin.
"What? Of course not!" Wika ko naman sa kanya sabay lingon sa pinuntahan ni Clarisse.
"Alright, if you say so. Tatawagan ko muna ang mga kaibigan natin dahil nag-aalala rin sila sa iyo. They've been waiting for an update about you."
Kinuna ni Gerard ang cellphone niya mula sa bulsa ng pantalon niya at saglit pa ay may kausap na siya roon.
"Yeah, may kaunti siyang mga tama sa mukha at braso. But something's weird with him... Bigla siyang naging tahimik at parang ang daming iniisip." sabi Gerard sa kausap niya sa kabilang linya. It could either be Luke, Clinton or Bruce Axell. Si Brian kasi ay nagmumukmok pa rin hanggang sa ngayon at ayaw munang magpaistorbo sa amin kaya hindi rin namin alam kung nasaan siya ngayon.
Napakunot-noo naman ako kay Gerard bigla dahil sa mga sinabi niya. Nagiging madaldal na naman siya. Is he back to being nosy?
"Hmm. I will tell Debbie to run some tests to him para malaman natin kung may droga sa sistema niya." Sabi pa ni Gerard.
What the hell? They thought that I could have possibly been drugged? I was just worried about Clarisse, that's all!
"Damn you! I am okay! Hindi ako drinoga! I'm in my sane mind, you assholes!" malakas kong sabi para masiguradong naririnig sa kabilang linya ang boses ko.
Mga gago! Naging tahimik lang ako dahil may iniisip ako, akala nila na-droga na ako?! Damn! Ganoon ba ako kaingay at kakulit sa kanila para maisip nila iyon? I am just a cheerful person, that's all!
"You heard him, Pare. Sige na muna at kakausapin ko pa siya."
Pinutol na ni Gerard ang tawag at muli naman akong napatingin sa relo ko.
Damn! Lampas 10 minutes na mula noong umalis si Clarisse para mag-CR!
"f**k! Wait here dude, may pupuntahan lang ako saglit!" paalam ko kay Gerard.
"What? Where?!" pasigaw na tanong naman niya sa akin dahil patakbo na akong nagtungo sa pinuntahan ni Clarisse kanina.
I have to find her soon! I have to see her now and make sure she's okay!
Di kalayuan matapos lumiko ay nakita ko naman kaagad ang CR. Bahagya akong nakahinga ng maluwag bago lumapit sa pinto ng CR na pambabae. Kinatok ko ang pinto at tinawag si Clarisse.
"Babe? Are you done? This is William. You've been there for more than 10 minutes now." malakas kong sabi pero hindi ko sinubukang buksan ang pinto para sumilip sa CR ng mga babae. Baka may mga tao sa loob at mapagkamalan pa akong manyak kung sakali.
Naghintay ako ng sagot pero wala. Nakaramdam na naman tuloy ako ng kakaibang kaba.
"Clarisse? Are you there, babe?" mas malakas ko nang tawag sa loob pero muli ay walang sumagot sa akin.
Damn!
Kinatok ko ulit ang pinto at hindi ko na napigilan ang sarili kong buksan iyon.
"Babe? Where are you?" sigaw ko saktong pagbukas ko ng pinto.
Nagulat ako nang may makita akong babae sa loob pero hindi iyon si Clarisse.
"I-I'm sorry... May hinahanap lang akong babae..." saad ko pero napansin ko bigla ang suot niyang relo. Kapareho ng suot na relo ni Clarisse! I couldn't be wrong!
"Miss... Sa iyo ba ang relo na 'yan? Sorry, may kaparehas ka kasi ng relo—"
"Ibinigay lang po ito sa akin ng babae kanina. Hiningi niya kasi ang bestida ko at panyo tapos ipinalit niya ang relo niya. Ayaw ko nga po sana kaso mapilit siya." Akmang aalisin niya ang relo pero pinigilan ko siya.
"No... Hindi mo 'yan kailangang ibigay sa akin. 'Yong babaeng nagbigay sa'yo niyan... Maganda ba siya? Matangkad? Kulot at brown ang buhok? Naka blouse at naka-skirt?" sunud-sunod kong tanong sa babae.
Tumango naman siya agad sa akin kaya pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko. Why did Clarisse do that?!
"Opo, siya nga po. Nakiusap po siya sa akin dahil marumi raw po ang damit niya. Iniwan nga lang niya ang pinaghubaran niya. Nandito po oh."
Itinuro niya sa akin ang isang cubicle at nagdalawang-isip pa ako kung tuluyan akong papasok sa banyo. Sa huli ay pumasok din ako at tiningnan ko ang itinuro ng babae.
Damn! Damit nga iyon ni Clarisse! Does it mean that she intentionally ran away from me? But why? Damn it!
Dali-dali na akong lumabas sa banyo at nadatnan ko naman sa labas niyon si Gerard. Nakangisi siya sa akin at umiiling-iling.
"Ano na naman yan, Pre? Babae na naman? Nakidnap ka na, babae pa rin ang una mong inaatupag. Tsk." Dismayado niyang turan sa akin.
"f**k! She's not just any woman. She's... She's..."
"She's what?" tanong muli ni Gerard.
Fuck! Ano ko nga ba si Clarisse? Wala! Naka-s*x ko lang siya dahil kusa niyang ibinigay sa akin ang sarili niya. But she's different... I feel different with her...
"f**k! I have to find her. Babe! Babe!"
Mabibilis ang mga hakbang kong nagtungo sa ibang exit. Nagpalinga-linga ako sa pagbabakasakaling mahabol o makita ko pa si Clarisse pero wala! Kahit anino niya ay wala.
"Sinong 'babe?'" tanong bigla ni Gerard na sumunod pa rin pala sa akin.
"'Yong kasama kong na-kidnap!" mabilis kong sagot kay Gerard habang nagpapalinga-linga pa rin ako sa paligid. Nakalabas na ako sa hospital pero wala talaga doon si Clarisse. f**k!
"You fucker! Don't tell me, kahit nakidnap ka na ay nambabae ka pa? What the hell? Wala ka na bang pinipiling oras sa pambababae mo. Pare naman!" tila dismayado niyang saad sa akin. Pero wala akong pakialam sa opinyon niya. Ang mahalaga sa akin ay mahanap ko si Clarisse!
"It's not like that... " Sabi ko lang kay Gerard. Nagpaikot-ikot ako sa labas ng hospital. Bumalik din ako sa loob at naghanap ako doon pero hindi ko na talaga nakita doon si Clarisse. Hanggang sa mag-usisa na sa amin si Debbie at tumulong na rin ang mga tauhan niya na hanapin si Clarisse pero bigo talaga kami.
Most possibly, she already went away. Damn it! I need to see her again. I have to find her again!
Nagpaalam na sa akin sina Gerard at Debbie na uuwi na sila tutal ay ligtas naman na daw ako. Nagpahatid naman ako sa tauhan nila hanggang sa bar ni Clinton dahil nandoon pa raw sina Luke at hinihintay ako.
Pagdating ko sa bar ay in-interview ako nina Luke tungkol sa nangyari sa akin at sumagot naman ako.
"How is that woman now? And where is she now? Umuwi na ba siya?"
Natigilan na naman ako sa tanong na iyon ni Luke.
Damn, I don't know where is Clarisse now! Tinakasan niya ako at hindi ko alam kung bakit! I just want to protect her and make sure that she is safe! Aside from that, I want to get close to her and know her deeper...
But how can I see her again? Where is she now?