Chapter 6 - Get Away

1610 Words
(Clarisse's POV) "Ah... I think I need to see a doctor." sagot ko kay William. After what happened to us and with the way he treats me right now, mukhang hindi niya ako agad papakawalan kahit makaalis na kami sa lugar na iyon. I have this feeling that he will stick with me and keep on pestering me just because he might feel guilty about taking my virginity. Pero wala na iyon sa akin! I mean... I am willing to forget everything coz remembering it always will just remind me again and again how stupid I was to suggest that he f**k me! It's such a shame that I lost my virginity in that way... And it's even shameful that I lost it for nothing! Pero mas mabuti na iyon kaysa naman natuloy pa ang pangri-rape sa amin ng mga demonyong iyon. But still... I can't face William again. I have to get away from him as soon as I have the chance! "Alright. Don't worry, babe, we'll bring you to the nearest hospital." Inalalayan niya akong maglakad at hinigpitan pa ulit niya ang yakap sa baywang ko. Shit. This man is some kind of possessive. Lalo ko tuloy gustong makalayo mula sa kanya! Ayaw kong dumagdag pa siya sa makukulit na lalaking umaaligid sa akin. God, please spare me to possessive and irritating, and feeling entitled men like him! Hinayaan ko na lang siya kahit nakamasid ang mga lalaking nagligtas sa amin. At least, mas tiwala pa rin ako kay William dahil alam kong hindi niya ako pababayaan at hindi niya ako ipapahamak. "Sir William, is it ok kung pasamahan ko na lang kayo sa iba? Madam Debbie asked me to personally make sure that everything here is cleared before I leave." anang lalaki na nagpakilalang si Viper. Weird ang pangalan niya, ha. Kakaiba. Hindi common pero mukhang matapang, bagay sa kanya. "Sure. Just show us the way out and give us a ride." ani William "Of course, Sir." "Stop staring at him, babe. You might make him uncomfortable." bulong sa akin ni William bago niya ako hinila pasunod kay Viper. What the... Napatingin lang ako kay Viper, staring na agad? Ito na nga ba ang sinasabi ko... Mukhang may pagka-possessive talaga itong William na ito. Porket naangkin na niya itong kiffy ko, akala ba niya ay may right na siyang pakialaman ako at sitahin ako kapag napapatingin ako sa ibang lalaki? Kapal ng mukha... Makulit din talaga siya kaya dapat lang na makalayo ako kaagad sa kanya! Iginiya na kami ni Viper palabas sa abandonadong building na iyon at sa labas ay naghihintay sa amin ang maraming sasakyan. May kinausap saglit na isang lalaki si Viper at di nagtagal ay sumakay na kami ni William sa isang itim na kotse at ipinagdrive kami ng lalaking kausap kanina ni Viper. May isa pang sasakyan na nakasunod din sa amin na tila mga bodyguard namin. Mabuti na lang at hindi itim na van ang sinakyan namin dahil parang hindi ko pa keri na sumakay sa itim na van! Naaalala ko pa kasi ang pangingidnap sa akin ng mga goons kanina. At mamaya, pagkauwi ko ay magbababad ako sa bath tub ko para mahugasan at malinisan ng husto itong katawan ko na hinawakan ng mga pangit na goons na iyon! Nanlalagkit din itong kiffy ko dahil sa ginawa namin ni William kanina. s**t. Naka-dalawang putok pa talaga siya. Masyado siyang nasarapan sa akin. Ako rin naman pero kailangan ko na talagang kalimutan iyon dahil naaalala ko lang ang katangahan ko! Ilang minuto lang ang naging biyahe namin at nakarating na kami sa isang hospital. Nagdadalawang-isip pa akong lumapit sa information desk dahil wala naman talaga akong balak magpa-check-up kahit masakit pa ang kiffy ko. Ang gusto ko lang ay makaalis doon at makatakas kay William at tuluyan nang kalimutan ang nangyari sa amin dahil isa iyong kahihiyan para sa akin! Every time I would see William, lagi ko lang maaalala ang katangahan ko! Kaya kailangan ko na talagang i-let go ang alaalang iyon kasama na ang lahat ng tungkol sa pangingidnap sa akin. I will just take extra care of myself next time para hindi na ako makidnap ulit. "Come one, babe..." Wala na akong nagawa nang akayin ako ni William palapit sa information desk. Babe pa siya nang babe sa akin. Haist. Ano siya, self-entitled boyfriend ko? Tsk. "Good evening." nakangiting bati ni William sa nasa information desk. May lumabas pang dimples sa magkabila niyang pisngi at lihim akong nagwapuhan lalo sa kanya. "Good evening, Sir, Ma'am... Ano po ang kailangan ninyo?" tanong naman ng babae habang may matamis na ngiti kay William at hindi man lang ako sinulyapan. Halatang nagpapa-cute. Tsk. Mga babae nga naman. May kasama na ngang babae si William, nagpapacute pa rin siya? Nagkalat na talaga ang malalandi sa paligid. Tsk. "Ahm, we're here to get her checked. Masakit ang..." Napatigil sa pagsasalita si William at lumingon siya sa akin, tila nanghihingi ng permiso o tulong para sabihin ang pakay namin doon. Lihim naman akong natataranta dahil kailangan kong makahanap ng tiyempo para matakasan si William! Pati na rin iyong mga nagbabantay sa amin na nasa labas ng hospital. "Ang ano po, Sir?" tanong ng babae. "I think we need an—" "William!" Sabay kaming napalingon ni William sa narinig naming tumawag sa pangalan niya. Nakita namin sa entrance ng hospital ang isang gwapong lalaki at magandang babae. Nahalata ko agad na may relasyon sila at nang mapansin kong parehas ang singsing nila ay in-assume ko na agad na mag-asawa sila. Napangiti si William sa kanila sabay kaway. Unti-unti naman silang lumapit sa amin pero sinamantala ko ang pagkakataong iyon para magpaalam kay William na magsi-CR muna ako. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na akong tumalikod. Ramdam ko pa ang titig niya sa likod ko pero narinig ko ring nakalapit na sa kanya ang dalawang taong tumawag sa pansin niya. "Are you okay, dude? What really happened?" Narinig ko pang tanong ng lalaking guwapo hanggang sa lumiko na ako sa nakita kong daan papuntang banyo at nawala na ang mga boses nila sa pandinig ko. Shit! I have to think of a way to escape from that hospital! Hindi na dapat kami magkita ulit ni William! Hindi na dapat niya ako masundan at lalong hindi na dapat niya ako makilala ng lubusan! Pumasok ako sa banyo at may nadatnan akong babae roon na inaayos ang bag niya. Nakita kong may mga damit sa bag niya like blouse and short, mayroon ding bestida! Probably bantay siya sa hospital na iyon at pamalit niya ang mga damit na iyon o baka pamalit ng binabantayan niya. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at kinuha ko ang atensiyon niya. "Miss... Puwede bang akin na lang yang mga damit na 'yan kahit 'yang bestida lang?" Kunot-noo siyang napatingin sa akin. Hindi sa panghahamak o pangmamaliit but based on her physical appearance and her clothing ay mukhang hindi maalwan ang kanyang buhay. Nakasuot lang siya ng tsinelas na goma, short na maong at tshirt na kupas na at may butas pa. Buhaghag din ang buhok niyang nakatali lang din sa goma. Iyong goma talaga na gaya ng ginagamit ko noon sa paglalaro noong bata pa. "You see, ahm... my clothes are so dirty. Kaso wala akong pamalit. I will give this watch to you in exchange. Original yan! It costs hundreds of thousands in the market when I bought it. Puwede mo 'yang ibenta. Kailangan ko lang talaga ng damit, please..." pakiusap ko sa kanya at ilang beses pa akong umikot para ipakita ang maruming damit ko. "Pero..." "Sige na, please! Mag-aalala sa akin ang parents ko kapag nakita nila akong ganito." Pinalungkot ko pa ang hitsura ko para maawa siya sa akin. Mukhang effective naman dahil napabuntong-hininga siya at tumango. "Sige. Pero wag mo nang bayaran niyang relo mo—" "No! I insist. Sa'yo na yan bilang pasasalamat ko sa'yo." Hinubad ko agad ang relo ko at iniabot sa kanya. Halatang nag-aalanganin pa siya base sa ekspresyon ng mukha niya kaya hinawakan ko na ang kamay niya at ibinuka ko ang palad niya sabay lagay doon ng mamahaling relo. Napakiling ang ulo niya pero saglit pa ay kinuha na rin niya ang bestida na nasa bag niya at ibinigay iyon sa akin. "Pagpasensiyahan mo na lang 'yang damit. Medyo luma na pero maganda pa naman 'yan." mapagpaumanhin at tila nahihiya niyang wika. "Okay lang. Ang importante ay may pamalit na ako. Thank you so much! Ahm, may handkerchief ka ba o sombrero?" Alanganin ko pang tanong sa kanya. Nawala sa isip ko na dapat ko rin palang magtakip ng mukha! "Ah, panyo? Meron... Ito oh, malinis naman yan pero may polbo nga lang." aniya. "It's okay. This will be a great help. Thank you so much!" Saglit lang ay nagmamadali na akong pumasok sa isang cubicle at mabilis kong hinubad ang suot ko. Itinapon ko na lang iyon sa trash can at mabilis ko nang isinuot ang bestida. Pinagpagan at ibinalot ko naman ang panyo sa ulo ko at pagkatapos ay nagmamadali na akong lumabas sa banyong iyon. Nandoon pa nga ang babae kaya nagpaalam pa ako at nagpasalamat ulit sa kanya. Hindi na ako bumalik sa dinaanan ko kanina bagkus ay diniretso ko ang kabilang daan papunta naman sa emergency room. Mabilis akong naglakad palabas sa hospital mula roon at mabuti na lang ay may nakita akong taxi na naghatid yata ng pasyente. Hindi pa masyadong nakakalayo ang taxi kaya hinabol ko iyon. Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay makasakay na ako sa taxi at nagsimulang umandar iyon palayo sa hospital na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD