(Clarisse's POV) Mabilis lumipas ang mga araw. Mag-iisang buwan na kami ni William bilang magkasintahan at so far ay wala naman kaming naging problema. Tinatarayan ko pa rin siya paminsan-minsan, pero paglalambing lang ang iginaganti niya. Almost a month had passed pero hindi ko pa rin nasasabi sa kanya na magkakaanak na kaming dalawa. Akala niya talaga ay nagkakabilbil lang ako dahil bahagya na raw akong nananaba. Siguro raw ay dahil nakakapagpahinga na ako ng maayos at nakakakain sa tamang oras ng mga masusustansiyang pagkain. Pero ang hindi niya alam at hindi niya naiisip man lang ay magkakaanak na kaming dalawa. I tried to tell him many times, but my tongue always backs out. Napapansin ko rin na minsan ay napapatitig sa akin si William, nagiging seryoso ang mukha at tila may malal

