(Clarisse's POV) Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako nang makabalik na kami sa condo ko. Imbes na kumain sa labas ay nag-take out na lang kami ng pagkain mula sa isang restaurant. Parang nawalan kasi ako ng ganang kumain matapos ang sagutan namin ni Tita Neeka kanina. Ewan ko ba kasi kung bakit ganoon na lang ang galit niya sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Minsan tuloy ay nagtataka ako kung bakit ibang-iba ang ugali ni Daddy kay Tita Neeka. Sobrang bait at maunawain ni Daddy, samantalang si Tita Neeka ay close minded at medyo maldita. It's also because of Tita Neeka and Neena kaya natuto akong maging matapang at 'wag basta paaapi sa iba. Napabuntong-hininga ako at napaupo sa sofa. Hindi ko alam kung napansin nina Tita Neeka ang maliit na umbok sa tiyan ko at kung i

