Chapter 53 - Blamed

1500 Words

(Clarisse's POV) Hindi talaga ako mapakali kaya pinilit ko si William na puntahan namin si Neena. Mabuti na lang ay pumayag din si William sa wakas, kapalit ng pangakong hindi ako gaanong iiyak or else ay iuuwi na niya ako sa ayaw ko o sa gusto. Pagdating namin sa morgue ay nandoon ang parents ni Neena. Agad akong lumapit sa kanila at nagbigay-galang habang tumutulo na naman ang aking mga luha. Pinigilan ko na lang ang humikbi. "Tita Neeka, Tito Nato... Nakikiramay po ako sa pagkawala ni Neena..." Nakayuko kong saad sa kanila. Nakaalalay naman sa akin si William at nananatiling nakatayo lang sa likod ko habang nakalapat ang isang kamay niya sa baywang ko. Tumingin sa akin ang mag-asawa. Malungkot na tumango sa akin si Tito Nato habang walang emosyon namang tumitig sa akin si Tita Neeka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD