Hindi maalis ang tingin ko sa babaeng humila sa akin palayo sa lugar na 'yon dahil nag-aalala ako sa kalagayan niya. Alam kong nagdadalang-tao siiya dahil sa umbok ng tyan niya pero heto kami ngayon at tumatakbo patungo sa kung saan man. Hindi ko alam kung saan kami papunta, basta ang sinabi niya lang sa akin ay malayo sa gulo.
"Gusto mo bang magpahinga muna? Mukhang malayo na naman na tayo roon. Baka kung anong mangyari sayo kapag pinagpatuloy pa nating tumakbo," sambit ko sa kaniya habang hindi pa rin kami tumitigil sa paggalaw.
Tinignan niya ako ng may kunot sa noo. Agad naman siyang umiling sa akin at sinabi, "Huwag ka mag-alala. Malapit na rin tayo sa bahay namin. Doon muna tayo magtatago habang inaasikaso nila ang mga Umbras na iyon."
Tumango na lamang ako sa kaniya at sinundan siya. Ilang saglit ay dumating kami sa isang bahay at gaad na pumasok doon. Sa buong buhay ko ay ngayon pa lamang ako nakapasok sa ganitong bahay. Masasabi ko ngang malayo ako kung saan kami nakatira noon. Nasa pinakamataas na siyudad kami ng Lucem Realm.
Pagkapasok namin sa loob ay agad na isinarado ng babae ang pinto at tinakpan ang mga bintana. Sumilip siya sa huling pagkakataon bago umupo sa isang upuan at nagpahinga upang habulin ang hininga niya. Akala ko ay kaming ga taga baba lang ang nakakaranas ng ganitong senaryo sa buhay nang dahil sa mga Umbra na sumasakalay sa amin, pati rin pala ang mga tao sa lugar na 'to. Anong susunod na mangyayari sa amin?
"You can rest here now, Mayari-- oh damn it. Uh, puwede ka na mgpahinga ngayon dito, Mayari. Ligtas na tayo rito. Ako nga pala si Kare, ang pinsan ni Adelad na may-ari ng katawan na 'yan." pagpapakilala sa akin ni Kare.
Napatingin muli ako sa katawan na sinasabi ni Kare. Oo nga pala, hindi ko nga pala katawan ko. Sa sorang dami nang nangyayari ngayon ay hindi ko na alam kung anong dapat ang unahin kong paniwalaan at problemahin. Hindi ko alam kung anong nangyari na kay mama. Nakatakas ba siya? Nahuli ba siya? Napatay ba isya gawa ng nangyari kina Tiya at Ciello? Paano ako napunta sa ganitong sitwasyon? Paano ako napunta sa katawan ng taong 'to? Anong ginagawa ko sa lugar na 'to?
Habang nakapikit si Kare ay hindi ko na napigilang magtanong sa kaniya. "Kare, anong mangyayari sa akin? Anong gagawin ko? Wala akong ideya sa susunod na mangyayari sa buhay ko. Akala ko patay na ako. Akala ko tapos na ang lahat. Hindi ko inaasahan na mapupunta pa ako sa ganitong sitwasyon." pag-amin ko sa kniya sa nararamdaman ko.
Nakita ko kung paano niya ako tignan nang may awa sa mga mata. Lumapit siya sa akin at niyakap ako at pagkatapos ay hinawakan niya nang mahigpit ang dalawa kong kamay "Hindi ako magsisinungaling sayo, Mayari. Sasabhin ko sayo una palang na hindi magiging madali ang tatahakin mo sa katawan ni Adelad. Hinid ko alam kung ilang buwan, o baka nga taon pa ang itagal ni Adelad sa Neutrum pero ang tanging sigurado lang ako sa ngayon ay tutulungan kita sa haharapin mo. Tutulungan kita na makuha ang hustisya na hinahanap mo para sa ginawa ng mga Umbras sa pamilya mo. Andito ako para sayo, Mayari."
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay pinakita na sa akin ni Kare ang magiging kwarto ko. Sa bahay na ito muna raw ako titira hanggang sa matapos ang misyon ni Adelad. Katulad ng sinabi niya ay walang kasiguraduhan kung kailan matatapos iyon kaya hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako mabubuhay. Gusto ong magtanong kay Kare kung anong mangyayari s akin sa oras na bumalik na si Adelad at hindi ko pa rin nahahanap ang nanay ko at ang mga taong pumatay kina Tiya at Ciello? Panano ko nalang magagawa iyon kung patay na nga ako at wala ng katawan? Gusto kong itanong sa kaniya nag lahat ng iyon pero hindi ko nagawa dahil ayoko rin malaman ang sagot, atsaka mukhang pagod siya sa nangyari kaya hinayaan ko na lamang siya magpahinga ngayon at hindi na istorbuhin pa.
Habang nakahiga ako sa kama ay hindi mapigilan ng utak ko isipin kung anong sinabi noong matandang lalaki sa akin bago kamiumalis ni Kare sa lugar na iyon. Sinabi niya na isang Naturalist si Adelad, ibig sabihin ay may kapangyarihan daw siya ng isang Lucem at Umbra. Sa totoo lang, sa sobrang layo ng buhay namin sa buhay nila ay hindi ko pa talaga nakikita o nasasaksihan man lang ang kapangyarihan ng isang Lucem. Ang alam ko lang ay nanggagaling ang kapangyarihan ng mga Lucem sa anino na nakapalibot sa amin. Isa akong Lucem pero hindi katulad nila sapagkat wala akong kapangyarihan. Ang kapangyarihan na tanging nasasaksihan ko pa lamang ay ang kapangyarihan ng mga Umbra. Ang kapangyarihan na pumatay sa pamilya ko.
Napatingin ako sa dalawang kamay ko dahil hindi ako makapaniwala na kaya ko nang gawin ang ginagawa nilang lahat. Hindi pumasok sa isip ko kahit kailan na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. Sa unang pagkakataon ay sinubukan kong inangat ang kamay ko upang gumawa ng isang anino, hindi ko talaga alam kung may mangyayari ba sa ginagawa ko pero gusto kong subukan at makita kung ano 'yung sinasabi nila sa akin na kailangan kong gawin habang nasa katawan ako ni Adelad.
Ilang saglit lamang ay may lumabas na kulay itim sa kamay na itinaas ko. patuloy ang paglabas ng itim na kaangyarihan doon hanggang sabumalot ito sa buong kwarto. Halos kainin ako ng kaba dahil sa nangyari, hindi ko alam kung paano kontrolin ang kapangyarihan na 'to. Ano bang pumaosk sa isip ko at ginagawa ko ang bagay na 'to ngayon?!
Dahil hindi pa rin natigil ang paglabas ng itim sa kamay ko ay wala na akong nagawa kundi sumigaw at humingi ng tulong kay Kare na nasa kabilang kwarto. Hindi na rin ako makahinga dahil napupuno na ang buong kwarto. Niyakap ko ang sarili ko at sinubukang sirado ang palad upang matigil ito pero walang nangyayari.
Nabuhayan na lamang ako nang loob nang biglang bumukas ang pint ko at doon pumaosk si Kare sa loob g kwarto. Hindi ko alam ang ginawa niya pero ipinaikot niya ang dalawang kamay niya upang kunin lahat ng itim na nakapalibot sa buong kwarto hanggang sa mawala ang lahat ng iyon. Nakita ko naman ang unti-unting pagtigil ng itimna lumabas sa palad ko. Agad akong umalis sa higaan ko at lumapit sa kaniya dahil grabe ang naramdaman kong takot at kaba para sa sarili ko.
Akala ko ay mamatay na ulit ako. Akala ko iyon na ulit iyon.
"Anong nangyari rito, Mayari?" Agad niyang tanong sa akin habang sinusubukan niya akong pakalmahin.
Umling ako sa kaniya at yumuko ang tingin, "Hindi ko alam. Akala ko kaya kong kontrolin. Pasensya na, Kare. Hindi ko na uulitin."
Ramdam ko pa rin ang takot at nginig na nararanasan ng katawan ko kaya niyakap ako ni Kare dahil nag-aasam siya na baka makatulong ito sa sitwasyon ko ngayon. "Huwag ka na mag-alala, okay na ang lahat."
Dahil sa sinabi at ginawa niya ay tila humupa ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam ang gagawin ko nang wala siya.
"Salamat, Kare. Salamat."