Chapter 5

1169 Words
Sinabihan ako ni Kare na magpahinga na ako pagkatapos ng nangyari dahil magsisimula na raw nila ako turuan ng mga kailangan kong malaman patungkol sa gagawin ko. Sa totoo lang ay hindi ko nakuhang magpahinga dahil hanggang ngayon ay pinagdududahan ko pa rin ang sarili ko. Ayoko rin naman bigyan ng problema sina Kare at 'yung iba pang mga kasama niya dahil wala naman silang ginawa at ipinakita sa akin kundi kabutihan. Tinulungan nila ako sa nararanasan ko ngayon at binigyan nila ako ng pangalawang pagkakataon para magawa ko ang dapat kong gawin. Paglabas ng mga alitaptap sa kalangitan ay doon na pumasok sa akin na panibagong buwan na naman ang kailangan kong harapin. Ilang oras na ba ako nag-iisip at hindi ko namalayan na magsisimula na pa ulit maghari ang buwan sa kalangitan? Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at isinuot na ang binigay sa akin na bagong mga damit ni Kare. Bago niya ako iwan kanina ay itinuro niya sa akin ang mga damit ni Adelad na ngayon ako na ang magsusuot. Wala naman akong dapat ipangamba dahil katawan pa rin naman ito ni Adelad, sa malamang ay kasya at bagay pa rin naman ang mga damit niya sa kaniya. Hindi lang siguro ako magiging komportable sa mga tela nito dahil pakiramdam ko ay nakahiga ako sa langit dahil sa lambot at gara ng mga kalidad nito. Hindi ako sanay. Saktong pagkatapos ng pag-aayos ko ay doon tumunog ang pagkatok ni Kare sa pinto. Pinapasok ko siya sa loob at pinakita sa kaniya ang itsura ko. Hanggang ngayon ay hind ko pa ulit tinitignan ang itsura ko sa salamin, hindi ko naman kasi mukha at katawan ang makikita ko roon. Maninibago lang ako sa malamang kapag ginawa ko iyon kaya sa ngayon ay iiwasan ko muna tumingin sa mga salamin. "I don't know what to say because you seem---" Natigilan siya sa pagsasalita nang mapagtanto niyang nagsalita na naman siya sa lenggwahe nila. "Pasensya na Mayari, hindi pa rin talaga ako sanay na kailangan kong magsalita sa lenggwahe na naiintindihan mo lang," pagdadahilan niya. Ngumiti ako at tumango sa kaniya, "Ayos lang sa akin, Kare. Salamat." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mukha ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya na ang tingin niya pa rin sa akin ay pinsan niya. Hindi ko naman siya masisisi, itsura pa rin naman ni Adelad ang nakikita niya sa akin kaya sa malamang ay ganoon pa rin ang magiging turing niya sa akin kahit hindi naman talaga ako ang pinsan niya. "Huwag ka mag-alala, tuturuan ka namin ng lenggwahe na 'to. Hindi lang dahil para magkaintindihan na tayo kundi kailangan mo rin ito upang magampanan mo nang maayos ang pagpapanggap bilang si Adelad. Mataas ang katungkulan ni Adelad sa Lucem Realm kaya kailangan niya na magpakita agad sa mga nakakataas ngayong oras ng kaguluhan pero pinagpaalam na kita. Sinabi kong nasugatan ka nang malala sa ginawang pag-atake ng mg Umbra noong nakaraang gabi kaya mga isa o ilang linggo kang mawawala, sa loob ng mga linggo na iyon ay doon ka namin tuturuan kung paano gumalaw bilang isang Lucem Ranger," pagpapaliwanag niya sa akin. Habang nagsasalita pa siya patungkol sa mga kailangan kong gawin ay bigla siyang natigilan at tumitig sa akin na para bang may bigla siyang naalala o naisip na kakaiba. "Paano mo pala nagawang magpalabas ng kapangyarihan sa kamay mo? Bakit parang ang bilis mo naman ata natuto gawin iyon. Naalala ko noong bata pa kami ay halos ilang linggo pa bago namin nagawa 'yon. May kapangyarihan ka ba dati bago ang lahat ng 'to?" pag-uusisa niya. Agad akong umiling sa kaniya bilang pag di sang-ayon. Galing ako sa pinakababang parteng Timog ng Lucem Realm. Sa lugar na iyon ay bilang lang sa kamay ay may mga kapangyarihan kaya nga hindi pa ako nakakakita ng ibang mga Lucem na gumagamit nito, maliban nalang sa nasaksihan ko na ginawa ni Kare at iyong nangyari sa akin kanina. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya dahil sa sinabi ko. Para bang nahirapan siyang paniwalaan ang ito. Naniniwala naman siguro siya sa akin no? Baka dahil siguro sa takot at halo-halong emosyon kaya ko nagawa 'yung bagay na 'yon? Kasi sa totoo lang ay wala akong ideya kung paano lumabas ang itim na 'yon sa kamay ko. Basta ang alam ko lang ay gusto ko siyang makita at subukan, hindi ko naman alam na hahantong sa ganoong bagay ang sitwasyon na 'yon. "That's weird." sambit nito sa sarili niya na hindi ko naman na binigyan ng pansin dahil hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin nito. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa higaan ko at bumuga ng hangin. "Halika ka na, Mayari. Pupuntahan na natin ang iba para masimulan na nila ang pagtuturo sa'yo. Hindi tayo puwedeng magsayang ng oras," pag-papaalala niya. Tumango naman ako at sinundan na siyang lumabas ng kwarto. Bago lumabas ng bahay ay pinasuot muna niya ako ng talukbong. Kailangan ko raw muna itong isuot dahil ang alam ng iba ay nagpapagaling nga raw ako sa mga sugat na natamo ko galing sa pagsakalakay kagabi. Wala naman akong nagawa kundi sundin iyon. Sila lang naman ay may alam ng sitwasyon namin ngayon, lalong-lalo na sa sitwasyon ko. Kailangan kong makinig at matuto sa mga sasabihin nila kung gusto kong mangyari ang hinahangad ko. Alam kong hindi magiging madali ang lahat dahil bagong buhay at mundo ang papasukin ko, malayong-malayo sa kinagisnan at kinalakihan ko pero gagawin ko ang lahat para kay mama, kay tiya at Ciello. Lahat ng sakripisyong gagawin ko ay para sa kanilang lahat. Tumigil kami sa paglalakad nang makarating kami sa harap ng isang gusali na medyo hindi naman kalakihan. Binati kami ng isang malaking lalaki doon, nang makita niya ako ay tumango siya na para bang ibig siyang sabihin sa akin pero hindi ko naman alam kung ano 'yun. Sinalubong ko na rin ng isang tango ang ginawa niya para ipakita na naiintindihan ko siya kahit hindi naman talaga. Pagpasok namin sa loob ay doon sumalubong sa akin ang isang taberna. Unti lamang ang laman nito dahil nga siguro sa nangyayaring kaguluhan sa mundo ng mga Lucem at Umbra. Sa paglibot ko ng tingin sa buong paligid ay hindi ko na namalayan na malayo na pala ako at hindi na nakasunod kay Kare. Nakita ko siya sa isang sulok na nakatingin sa akin at nag-aabang na lumapit ako sa kaniya. Agad akong naglakad patungo sa direksyon niya. "Pasensya na," sambit ko kay Kare. Pagkatapos ay may pinagalaw niya ang kamay niya sa kakaibang paraan at doon muling lumabas sa mga kamay niya ang itim na kapangyarihan at kasabay no'n ay ang pagbukas o pagkahati ng isang lagusan. Pumasok kami sa loob at doon bumungad sa akin ang ilang mga tao na nageensayo pero sa pagkakataong ito, hindi lamang itim ang lumalabas sa mga kamay nila kundi pati na rin ang puting kapangyarihan na nakita kong ginamit ng mga Umbra noong sinalakay nila ang lugar namin. "Magsisimula ka na, Mayari." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD