Chapter 6

1234 Words
Sa pagpasok ko sa loob ng lugar na iyon ay halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Hindi na ako nagkaroon ng oras para asikasuhin ang nararamdaman ko dahil nadagdagan pa ito nang biglang tumigil ang lahat ng tao sa ginagawa nila at tumingin lamang sa akin. "Is that her? The soul that occupied Adelad's body?" Sambit nung isang medyo may katandaan na babae kay Kare sabay lapit nito sa akin at hawak sa dalawang kamay ko na para bang manghang-manghan siya na nakita niya niya. "Wow, it's amazing. What's your name?" Bungad nito sa akin na hindi ko naman maintindihan ang gusto niyang sabihin. Tumingin naman ako kay Kare para humingi ng tulong dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa babaeng lumapit sa akin. Agad naman pumagitna si Kare pagkatapos no'n at sinabi sa babae na hindi nga ako nakakaintindi ng lenggwaheng sinasalita nila rito sa norteng parte ng Lucem realm. Sa tingin ko nga ay mahihirapan akong makipagsalamuha sa ibang tao at gawin ang plinaplano ko kapag hindi ako natuto agad ng lenggwahe nila. Ang hirap makipagsabayan sa kanila lalo na kapag gusto mo talagang intindihin ang gusto nilang sabihin sa iyo. "Halika ka muna, Mayari. Pumarito muna tayo sa silid dahil aantayin muna natin si Maester Eprio bago ka tuluyang magsimula mag ensayo," ani Kare sabay turo sa akin sa kwartong papasukan naming dalawa. Agad naman akong sumunod sa kaniya at pumasok na rin sa sinabi niyang kwarto. Dito ay sumalubong sa amin ang isang malaking lamesa na may upuan sa likod nito habang mahahaba namang mga upuan din sa gilid kung saan ako pinaupo ni Kare. Habang nag-aantay kay Maester Eprio gaya ng sabi ni Kare ay hindi ko na napigilan ang sarili na huwag tanungin si Kare kung kailan nila ako sisimulang turuan ng salita nila. Gusto kong mainitindihan ang sinasabi nila sa akin. "Balak ka naming turuan kasabay ng pagsisimula sa pageensayo. Gusto mo na ba agad matutuo?" Sagot at tanong nito sa akin. Ngumiti ako nang pilit at tumango sa kaniya bilang pagsang-ayon. Sa tingin siguro ni Kare ay nagmamadali akong matutunan at makuha ang mga ipinangako nila sa akin. Sa totoo lang, ganoon naman talaga ang nangyayari. Ganoon talaga ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay kailangan kong madaliin ang mga bagay-bagay dahil nababahala ako sa sinabi ni Kare sa oras na dumating at bumalik na si Adelad. Natatakot ako na baka kapag bumalik na siya at kuhanin niya na ang katawan niya ay hindi ko na magagawang ipaghiganti ang nangyari kina Tiya at Ciello, baka hindi ko na rin malaman kung nasaan o kung anong nangyari na sa magulang ko. Natatakot ako kasi nga patay na ako at hindi ko na iyon magagawa sa oras na matapos ni Adelad ang misyon niya kung saan man 'yon. Bago tuluyang lumapit sa akin si Kare ay kumuha muna siya ng isang kuwaderno sa malaking lamesa at isang pluma. Umupo siya at tumabi sa akin. "Alam mo ba kung paano magsulat?" "Hindi gaano," pagsasabi ko ng totoo. Hindi naman talaga kasi naging sentro ng buhay namin ang pag-aaral noon. Hindi ko nagawang pumasok sa paaralan dahil kaunti lamang ang may ganoong serbisyo na ibinibigay sa mga mamamayan sa lugar kung saan ako nakatira. Mas prinaprayoridad ng mga tao roon kung paano sila makakakain ng tatlong beses sa isang araw. Kung paano nila magagawang maging mainit ang tyan at mga katawan nila sa oras na matutulog at magpapahinga na sila. Ang mga bagay na itinuro lamang nila sa amin bago nila kami isabak sa matitinding buhay gawain ay kung paano namin babanggitin at isusulat ang mga pangalan namin tapos ayon na, wala na. Nagpapasalamat nga ako dahil pinahalagahan pa rin nila kung kailangan kami pinanganak kaya alam ko kung ilang taon na ako. May parte kasi sa Timog Silangan kung saan wala talaga silang pake sa ganitong bagay. "Anong buong pangalan mo?" Tanong muli sa akin ni Kare. "Mayari Henera," sagot ko. Isusulat na sana ni Kare ang pangalan ko sa papel pero pinigilan ko siya at sinabing kaya kong isulat ito. Ibinigay niya naman sa akin ang pluma at hinayaan niya akong isulat ang pangalan ko. Nang tumama na ang pluma sa balat ko ay doon ko naramdaman ang lamig nito. Hindi pa talaga ako nakakahawak ng pluma sa buong buhay ko, nakikita ko lamang ang mga ganitong bagay sa bayan kapag bumibisita kami roon upang ibenta ang mga nakuha naming kalakal o di kaya pananim. Hindi ko aakalain na makakahawak ako ng ganitong napakamahal na bagay. Ramdam ko pa ang panginginig ng mga kamay ko habang sinusubukan kong intindihin kung paano gamitin ang pluma. Sa unang pagkakataon ay nahirapan pa pero nang ilang beses ko itong sinubukan baliktarin ang gilid at isulat ay sa wakas nakuha ko na kung paano ito gamitin. Tanging kahoy at lupa lang talaga kasi ang ginagamit namin noon. Sa paraang iyon ay nakuha nilang ituro sa amin kung paano isulat ang pangalan namin. Hindi naman kasi namin kayang ibili ang natitirang pera namin para sa papel at panulat, mas pipiliin pa namin iyon na ipambili ng pagkain na makakabusog pa sa amin ng ilang araw. Dahan-dahan kong isinulat ang buong pangalan ko sa papel at nang magawa ko ito nang maayos ay halos hindi ko na maisirado ang bibig ko sa tuwa at kakangiti. Nakita ko naman ang kagalakan sa mga mata ni Kare pagkatapos kong magawa iyon. Habang tinuturuan niya pa ako ng ibang mga salita sa papel ay may katanungan na biglang pumasok sa isip ko at agad ko naman itong itinanong kay Kare. "Kare, hindi mo ba tatanungin kung ilang taon na ako?" Simula kasi nang magkakita-kita kaming lahat at tanging pangalan ko lang ang itinanong nila. Base sa mga naintindihan ko sa mga sinasabi at ikinikilos nila ay mukhang hindi sila sigurado kung sino ang makakakuha ng katawan ni Adelad. "Labing walong gulang na si Adelad at isa sa mga patakaran ng Ascending, 'yung ginawa niya ay ang makakakuha lamang ng katawan ng taong gagawa nito ay ang kaluluwa na may kaparehong edad ng may-ari ng katawan. Hindi namin kinailangan tanungin kung ilang taon ka na dahil alam naman namin na magiging parehas ang edad niyo ni Adelad. Nagpapasalamat lang ako sayo nang sobra dahil pinakinggan mo kami," pagpapaliwanag niya sa akin. Kinuha ko ang kamay niya at hinaplos iyon, "Sa inyo dapat ako magpasalamat ni Maester Eprio. Dahil sa inyo ay nagkaroon ako ng pangalawang pagkatataon na gawin ang hindi ko nagawa noong buhay pa ako. At sa pagkakataon na ito ay may magagawa na talaga ako, hindi na ako isang Lucem na walang kapanyarihan. Mapapatay--" Hindi ko na naituloy ang dapat kong sasabihin dahil biglang bumukas na ang pinto ng kwarto at doon pumasok na rin si Maester Eprio. Agad na tumayo si Kare upang batiin si Master Eprio. Wala na rin akong nagawa kundi gayahin ang ginawa niyang pagyuko at pagbati. Pagkatapos ay nagtama naman ang mga mata namin ni Master Eprio, sa mga oras na iyon ay nakaramdam ako ng ibang pakiramdam na parang pamilyar sa akin pero agad ko naman itong inalis sa utak ko dahil baka dala lang ito ng halo-halong emosyon na mayroon ako ngayon. "Mayari, thank you for complying. You will not regret it." Sambit sa akin ni Master Eprio pagkatapos namin siyang batiin ni Kare. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa malaking lamesa at doon kaming lahat nagsimula mag usap-usap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD