“Mabuti at nakapunta ka,” sabi ni Brent na nakabalik na mula sa kusina. Napangiti si Maro. “Siyempre, bagong kapitbahay ka kaya dapat i-welcome.” Napangiti si Brent. “Tara at maupo ka muna,” alok nito. “Mabuti na lang at isang araw lang ay natapos nang ayusin itong bahay,” sabi pa nito. Napatango-tango na lamang si Maro. Naupo sila sa mahabang sofa. “Okay ba ang ayos sa bahay ko?” tanong ni Brent. “Oo. Ang ganda nga eh,” sabi ni Maro. Napangiti si Brent. “Dapat lang na maganda ang bahay ko kasi nakakahiya naman kung magaling akong magpaganda ng bahay ng iba habang ‘yung tirahan ko hindi,” nangingiting sabi nito. Nangunot ang noo ni Maro. “Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong ni Maro. Mahinang natawa si Brent. “Architect kasi ako kaya siyempre dapat maganda rin ang baha

