Nagsimulang kumain si Maro. Hindi niya mapigilan na mapangiti muli dahil nasarapan siya sa inilutong lugaw ni Neo. Masasabi niyang nagbunga ang pagtuturo niya dito kung paano magluto ng ilan niyang alam na lutuing pagkain. Nagpatuloy sa pagkain si Maro. Kumuha siya ng itlog, tokwa at laman ng baboy saka niya inihalo sa lugaw. Hindi na kailangan ng kalamansi dahil nalalasahan na niya sa lugaw ang asim. Malamang ay inihalo na ni Neo ang katas ng kalamansi doon. “Si Neo kaya, kumain kaya siya bago umalis?” tanong ni Maro sa sarili. Hindi na kasi niya ito naabutan dito sa kusina ng bumaba siya mula sa kanyang kwarto. Napabuntong-hininga na lamang si Maro. Hindi niya mapigilang mag-alala para dito. -------------------------------------- Nakatingin sa kawalan si Neo habang nakaupo. Nasa har

