Nakaligo at nakapagbihis na ng damit si Maro. Bumababa siya ng hagdan nang saktong pumasok naman sa bahay si Neo. Galing ang huli sa trabaho. Napangiti nang tipid si Maro at nagmadaling bumaba ng hagdanan para salubungin si Neo. Napatingin naman si Neo kay Maro nang magkaharap na sila. “Nakapaghanda na ako ng hapunan. Tara na at kumain na tayo,” pag-aaya ni Maro. Seryoso lamang ang mukha ni Neo, bagay na ipinagtaka ni Maro. “Neo-” “Kumain na ako sa labas kaya ikaw na lang kumain,” malamig ang tono ng boses ni Neo. “Ah ganun ba?” halata ang pagkadismaya sa tono ni Maro. Napatango-tango si Neo. “Akyat na ako para makapagpahinga,” pagpapaalam ni Neo. Napatango-tango na lamang si Maro bilang sagot. Muling naglakad si Neo at nilagpasan na niya si Maro. Huminto siya sa unang baitang n

