Nakatayo sa harapan ng sink si Neo. Nakahawak ang dalawang kamay niya rito habang nakatingin sa salamin. Seryoso ang kanyang mukha na binasa niya ng tubig. “Ano bang nangyayari sa akin?” tanong ni Neo sa kanyang sarili. Hindi na rin maintindihan ni Neo ang sarili. Hindi naman niya intensyon na pagsabihan si Maro. Ewan ba niya pero pakiramdam niya ay bigla na lamang siyang sumabog sa harapan nito. Marahas na napabuntong-hininga si Neo. “Okay ka naman Neo di ba?” tanong pa niya sa kanyang sarili. Gusto niyang ipilit sa sarili na okay lang siya pero sa totoo lang, hindi iyon ang nararamdaman niya. Pakiramdam ni Neo, sa bawat araw na lumilipas ay may kakaibang mga nangyayari sa kanya. Palagi na lamang si Maro ang nasa isipan niya. Naaapektuhan siya sa mga ikinikilos nito na dapat ay wal

