Nagawi ang tingin ni Maro sa bahay kung saan nakaparada ang truck sa harapan nito. Mas lalo pang nangunot ang kanyang noo dahil sa harapan ng truck, nakita niyang kumakaway ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng sandong itim. Magulo ang ayos ng buhok nito pero hindi maikakaila ni Maro na gwapo pa rin ito kahit na ganun ang itsura. Medium built ang pangangatawan. Sa tantya ni Maro ay lagpas anim ang tangkad nito. Mestiso at makinis ang pawisan nitong balat dahil sa maalinsangang panahon. Pero hindi kilala ni Maro ang lalaki kaya siya nagtataka kung bakit alam nito ang pangalan niya. Ngumiti ang lalaki na lalong nagpasingkit sa mga mata nitong chinito. Maamo ang mukha at lalong lumabas ang malalim nitong dimples sa magkabilang pisngi. Mas lalong nangunot ang noo ni Maro. Hindi main

