“ADIK SA ‘YO…”
Literal na adik kung sino man ang kumakanta sa harap ng bahay na sapat magambala ang tulog ko. Napatitig ako sa kisame habang pinakikinggan ang kantang maganda lang ang pag g-guitara.
“Sino ba ‘tong mga kambing na nangangaroling!” malakas na bumukas ang pinto.
Namamayani ang katahimikan sa paligid kasunod ang pagpiyok sa manok. “Kayo lang pala Nikolas! Malayo pa ang December ah!”
“Tigra, sa porma namin ngayon, mukha ba kaming nangangaroling?”
“Eh mukha naman kayong tuko sa porma niyo! Panay punta niyo rito ah! Mga-akyat bahay kayo noh?!”
“Tigra, ano kaba, nanghaharana ako kay future misis…kay April.”
Nang marinig ko ang pangalan ko ay mabilis pa sa pagong akong napabangon. Ito na naman siya!
“Aba, anong harana ka d’yan! Nagagambala ka ng tulog!”
Hinawi ko naman ang kurtina at napa-silip sa sliding window sa ibaba, nasa second floor kasi ako.
May saltik talaga ‘to si Nikolas na isang certified tambay at palamunin. Sabi ko sa ‘kaniya na tantanan niya ako kasi magmamadre ako at ito pa rin siya.
May mukha naman s’yang ipagmamalaki, moreno at may muscle sa katawan kaso bad boy look at rugby user kaya pass.
“Can I have your daughter for the rest of my life?
Say yes, Tigra.” Naglabas naman si Nikolas na malapit na malantang bulaklak.
“Kanta ‘yan ha!” inis na inalis ni Tigra ang bulaklak sa harapan ng mukha niya, “at may pa bulaklak ka pang nalalaman! Ninakaw mo ‘to noh?!”
“Tigra, pati ba namang bulaklak, nanakawin ko? Fresh from the cementery ‘to. Don’t be shy, get it.”
“Umalis ka sa harapan ko Nikolas, ipapa-barangay talaga kita!”
May bumisina naman na sasakyan at tumigil sa tapat ng bahay. Lumabas ang isang binatang lalaki, sout ang asol na polo habang ang pang-ibaba nitong suot ay naka-short. Sa kamay nito ay may hawak na pungpong ng rosas.
“Aba Mayor, pumila ka sa likod! Walang mayor-mayor dito!” iritang sabi ni Nikolas ng dumaan ito sa tabi niya.
“Hindi ko na kailangan pumila pa, ‘di hamak na guwapo pa ako sa ‘yo, kaya sigurado akong ako ang pipiliin ni April.”
Napasapo ako sa noo. Humanda talaga ako nito kay Tigra. Simula no’ng gumaling ang sugat ko sa mukha ay naglitawan ang mga lalaking nagkakagusto sa ‘kin dito sa isla.
“Oh Mayor, magandang umaga,” peke namang ngiti iginawad ni Tigra kahit sa kalooban niya ay gusto n’yang pag sipain ito papa-alis sa harap ng bahay niya.
“Magandang umaga rin, Tigra. Si April?”
“Tingnan niyo pa ang kalangitan mayor, edi natutulog pa ang aking dalaga,” may sarkastikong tinig ‘yon ni Tigra.
“Gano’n ba. Pakibigay ‘to sa kan’ya at paki-sabing napakaganda niya kagaya ng rosas ng makita ko siya kahapon,” inabot naman nito ang bulaklak.
Tinanggap naman iyon ni Tigra bilang respeto na lang baka hindi siya masali sa listahan ng mga relief goods.
“Napakabango naman nito, Mayor. Sana hindi na kayo nag-abala pa dahil nalalanta lang naman.”
“Malalanta man ang bulaklak, ang pagka-gusto kong maging akin si April ay hindi.”
Harap-harapan naman napangiwi si Tigra, kahit ako kinalibutan sa sinabi nitong Mayor Ibarra.
Nagpa-alam naman si Mayor na umalis kaya sumugod naman si Nikolas kay Tigra. “I can’t believe this! Tinanggap mo ang bulaklak galing sa corrupt at sa ‘kin galing cemetery, hindi?!”
“Pareho naman kayong magnanakaw ah, ano bang pagakakaiba?! Magsilayas nga kayo dito!”
Nang makita kong papasok na si Tigra sa bahay ay mabilis akong nag dive papunta ulit sa higaan upang mag tulog-tulogan.
Paniguradong masesermonan na naman ako nito kung sakaling madatnan niya akong gising.
Dinig ko naman ang pag-alboroto ni Tigra at ang kan’yang matunog na yapak na parang gigibain na ang tiles palapit sa kwarto ko.
“Panay bigay ng bulaklak, makakain ba namin ‘to?!”
Napatingin naman ako sa mga nalantang bulaklak na nakatambak lang dahil d’yan hinahagis parati ni Tigra.
“April!” binuksan naman nito ang pinto kaya mabilis akong napapikit. “Sinasabi ko sa ‘yo na huwag kang maggagala, ayan tuloy sinusundan ka sa mga adik!”
Napatahimik naman ito ng makita niya akong tulog. Malalim itong bumuntong hininga at mahinang pagsara sa pinto ang narinig ko hudyat umalis na siya.
“Wahhh!” napasigaw ako at napahawak sa puso kung sino nakakatitig sa ‘kin pagmulat ko. Hindi pa pala siya umalis!
Nagkasalubong ang manipis na kilay ni Tigra. Naka puting daster naman ito hanggang binti at may hair roller sa kan’yang buhok.
“Nag tulog-tulogan kapa ah! Bumangon kana diyan dahil nagsilabasan na ang mga adik at ikaw tulog pa!” hinagis niya muna ang dalang rosas bago naglakad palabas sa kwarto.
“Oho, babangon na.” Umalis naman ako sa higaan at lumapit sa bintana upang buksan ‘yon.
Sumalubong naman sa ‘kin ang preskong hangin sa umaga. Sumikat na rin ang araw. Nag standby muna ako sandali upang pagmasyadan ang malakas na hampas ng alon sa karagatan na makikita lang dito.
Napakaganda talaga ng isla ng Leonis. Mabuti na lang dito ako napadpad.
Panira naman sa moment ang mga tsismosa sa ibaba habang nag-uusap nakatingin sa ‘kin kaya umalis naman ako sa bintana at bumaba upang tulongan si Tigra.
“Umupo ka na upang makakain at magde-deliver kapa.”
Napasimangot naman ako dahil akala ko magluluto pa ako. “Tigra, ‘di ba sabi ko? Ako na magluluto sa umaga.”
Ayaw ko talaga ang paging palamunin lang. Para akong nagbakasyon lang sa bahay niya at parang senyorita dahil halos hindi niya ako pina-gawa sa gawaing bahay, nakakahiya rin lalo na’t hindi kami magkadugo.
“Alam mo naman na kapag ikaw ang magluluto, ay parang uling ang kinakain natin.” Napatingin naman siya sa ‘kin bago nginguya ang pritong manok.
Isa talaga sa pinagtataka ko kung bakit hindi ko alam ang gawaing bahay. Tamad ba akong tao noon? Isang palamunin lang? Isa talaga ang gusto kong maalala kung anong buhay mayro’n ako bago ako nawalan ng alaala.
Oo, kinupkop ako ni Tigra ng matagpuan niya ako sa baybayin. Nagising akong tanging pangalan lang ang naalala ko. Akala ko no’ng una, isa akong mermaid na naging tao pero kakabasa ko ‘to ng mga nobela.
“Tigra, kaninong manok ‘tong kinatay mo?” mahinang tanong ko. Nakita ko kasing may maraming balahibo.
“Eh, magpasalamat ka na lang na may makain tayo.”
Napa face plam na lang ako. “Tigra!”
“Pumasok ‘yong manok sa kawali, eh parang gusto n’yang lutuin ko siya, may magagawa ba ako?”
Napailing naman ako at tumahimik na lang. Hindi naman mahirap si Tigra, siya nga lang ang may third floor na bahay sa isla, sadyang kinaiinisan niya lang talaga ang mga trespassing na hayop lalo na sa kapit-bahay namin na kaaway niya.
Itinaas ko naman ang binti ng pritong manok. Mapapasabak na naman sa away si Tigra, kung sakaling malalaman ng kapit-bahay namin ang tungkol manok nila.
“RIP sa ‘yo,” bulalas ko bago kinain. Nanlaki naman ang mata ko napatakip sa bibig napatingin sa pritong manok.
“Huwag mong ipahalata na masarap ang niluto ko April.”
“Nilublub mo ba ito sa dagat Tigra? Ang alat,” napatawa ako.
Napangiwi siya. “Wala ka pa rin bang naalala? Mag dadalawang buwan na ah. Tingnan mo nga, baka expired nainom mong gamot.”
Napatigil ako. May naalala na ba ako? Wala pa rin. Sinubukan ko naman pero blanko pa rin kung sino ako at kung saan ako galing.
“Alam mo Tigra, napapa-isip na lang ako baka isa talaga akong prinsesa sa ibang mundo at napadpad sa mundo niyo.”
“Kakabasa mo ‘yan!”
Napatawa lang ako at nakangiting ipinagpatuloy ang pagkain. Namamayani ngayon ang katahimikan sa paligid bukod sa kapitbahay na parang machine gun ang bunganga.
“Manuel, ‘yong manok natin, bakit hindi na bumalik!”
Nagkatinginan kami ni Tigra. Wala silang kaalam-alam na inulam na pala namin.
Napatayo naman si Tigra habang may ngiti sa labi. “Mukhang marami tayong ulam na manok, kailangan natin e share ‘yong blessings.”
Napauwang ang bibig ko napatingin kay Tigra dala ang mangkok, tiyak mapapa-away na naman siya.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako upang maligo at magbihis dahil ede-deliver ko pa ang mga paninda ni Tigra, ito lang ang tanging maitutulong ko sa kan’ya.
“Mine, mine lang! 300 lang ‘to. Aba huwag ka nang magtanong Cecile, wala ka namang pambili!”
Napailing naman ako kay Tigra na ngayon nag li-live selling, sa kabila sa paging masungit niya ay himala pa rin na may bumibili sa mga paninda niya.
“Tigra, san na ‘yong ede-deliver ko?” tanong ko pagkatapos kong mag-ayos sa sarili. Simpleng T-shirt lang ang sout ko at itim na pants.
Inabot niya naman sa ‘kin ang listahan kung saan may address at isang malaking plastick na naglalaman ng mga damit na paninda ni Tigra.
“Paalala ko lang na huwag mo masyadong ‘e rampa ‘yong beauty mo, pagkatapos mong e deliver lahat ay umuwi ka agad. Dadami ang populasyon magkakagusto sa ‘yo.”
“Oho madam…” nakangiting sabi ko. “Alis na ako!”
Pagkabukas ko agad sa pinto ay nakita ko ang nag memeting na mga tsismosa sa tabi ng daan. Wala kasi kaming gate, makikita lang ginagawa nila.
Agad naman silang nagsi-alisan. Siempre pinag pyestahan naman nila ‘yong mga lalaking nagsi-punta dito kanina.
Binuhay ko agad ang scouter ko at nakangiting magmaneho. Napakaganda talaga ng isla Leonis. Simple lang ang pamumuhay dito kahit nagkalat ang mga adik.
“Kyle! Lumabas ka d’yan! Panagutan mo ako!” sigaw ko sa tapat ng isang bahay. Sa lakas ba naman ng boses ko ay naglabasan talaga ang mga ulo ng mga mosang.
“Bruha ka! Sinira mo dignidad ko!” naglakad naman palapit si Kyle na kakalabas lang sa bahay, mahina niya pa akong hinampas ng pamaypay pagkarating niya. Nagkakakilala kami nito dahil mahilig siya mag order ng damit kay Tigra.
“Ito, libro mo, ang panget ng ending!” hinagis ko naman sa kan’ya ang makapal na romance book na hiniram ko upang libangan.
“Wow! Alam mo pa pala kung paano magsa-uli noh?”
Hinaplos ko naman ang pisngi niya. “Syempre naman.”
Kinakalibutan itong lumayo sa ‘kin at akmang ihahampas sa ‘kin ang libro. “Bruha talaga! Sisirain mo talaga dignidad ko sa mga tsismosa!”
Natawa naman ako at binuhay ang scouter. “Maka-alis na nga, magdedeliver pa ako. Kiss muna.”
“Gora na, baka masakal kita d’yan!” inirapan niya pa akong tumalikod.
Mabuti na lang at malapit lang dito ‘yong unang ededeliver ko. Itinigil ko naman ang scouter sa isang baklang payat na naninigarilyo sa tabi ng daan habang nakatingin sa kan’yang cellphone.
“Pasensiya na!” hingi ng tawad ko dahil malapit ko ng masagasaan ang paa niya dahil humarang ito pagtigil ko sa scouter.
Inilabas ko naman ang listahan. Saan ba dito bahay ni Miss Hart? Marami pa naman s’yang inorder, baka scammer ‘to.
“Pwede magtanong? Alam niyo po kung saan bahay ni Miss Hart?” tanong ko nito.
Bumuga ng asok sa harapan ko. “Ako nga si Miss Hart.”
Pinaypayan ko naman papa-alis ang mga usok. “Ahh…Ito nga pala ‘yong order niyo.” Inabot ko naman ang limang klaseng damit.
Isinipit niya naman ito sa kili-kili. “Gusto mo ba ng trabaho?” biglang tanong niya, maiging tiningnan ako at sinusuri. “Ibig kong sabihin mas malaki pa kikitain mo ngayon?”
“Bayad niyo ho…” pag-iiba ko.
Naglabas naman siya ng dalawang libo sa pitaka at inabot sa ‘kin. “Isa akong recruiter ng mga katulong. Ako ang nagdadala sa mga taong gustong guminhawa ang buhay.”
“Sukli niyo,” inilahad ko naman at tiningnan siya. “Hindi ako interesado.” Tsaka hindi ko rin alam ang mga gawaing bahay. Maging katulong pa kaya!
“Ayaw mo no’n? Malaki ang sweldo at magbabantay ka lang ng aso.”
Napakunot ang noo ko. Magbabantay lang ng aso? Totoo ba ‘yan? Parang wala namang ganiyang trabaho ah!
“Nagbibiro ka ba?”
“Hindi ako nagbibiro, gaya ng sabi ko, marami na akong natulungan at ngayon maginhawa na ang kanilang buhay dahil sa ‘kin. Mas malaki pa ang kikitain mo kaysa dito.”
May inilahad naman siya.
“Ito ang calling card ko. Pag-isipan mo ng mabuti. Bukas na ang alis ko.”
Napatingin naman ako sa calling card.