CHAPTER 3

1140 Words
CHAPTER 3 “s**t! Ang sakit ng ulo ko,” sabi niya sa sarili habang nakapikit at nakahiga sa kama. “Parang ayoko na atang ulitin ‘yon,” dugtong pa niya kasabay nang pagmulat ng mga mata. Napabangon siya at napaupo sa kama nang makita niyang nasa isang kwarto siya na hindi pamilyar sa kanya. Studio type din ito tulad ng unit niya pero kulay grey ang wallpaper sa pader, may gitara na nakasandal sa pader sa kaliwa at isang clothes rack na puno ng mga nakasabit na t-shirt, at may lamesita na may dalawang upuan sa kanan na may mga nakapatong na mga libro at laptop. Sa paanan niya kita niya ang kusina na may ref., at microwave oven. Napatingin siya sa ibaba at nakita niya ang naka-expose niyang malulusog na dibdib kaya mabilis niyang hinatak ang kumot para takpan ang sarili niya. Sinilip niya ang sarili sa ilalim ng kumot at nakita niyang wala siyang suot kahit isang saplot. Hinawakan niya ang p********e niya at basa ito. “s**t! Nakipag-one night stand ba ako nang hindi ko alam? Kanino?” Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at niluwa nito si Greyson na nakasuot lang ng boxer shorts. Bagong ligo ito dahil basa pa ang buhok nito na pinapatuyo nito gamit ang hawak na tuwalya. Napatingin ito sa kanya at nagtama ang mga mata. “Oh, you’re awake.” Nakangiting sabi nito at naglakad ito palapit sa kanya. “Huwag kang lalapit!” banta niya rito. “Why? This is my place at pwede akong pumunta kahit saang sulok nito,” sagot nito sa kanya at tuloy lang ito sa paglalakad. “How’s your sleep?” tanong nito sa kanya, pagkaupo nito sa kama. Umurong naman siya palayo rito. “Hey, wala akong masamang ginawa sa ‘yo, if ‘yon ang iniisip mo.” “I’m naked on your bed and gusto mong isipin ko na walang nangyari sa ‘tin?” “Wala naman talaga. You took all your clothes off at saka ka humiga d’yan sa kama ko.” “Paano ako napunta rito?” “Kusa kang pumunta. Pagbukas ko ng pintuan ng unit ko, bigla ka na lang pumasok. You’re so drunk kaya hinayaan na lang kita matulog.” Kung totoo ang sinasabi nito, paano ipapaliwanag ang basang p********e niya. “Hindi ako naniniwala sa ‘yo.” “Why?” “I’m… I’m…” Hindi niya alam kung paano niya itutuloy ang sasabihin. “You’re what?” “I’m wet down there. Oh God ano ba ‘tong ginawa ko? Ano’ng ginawa mo? Lasing ako and you took advantage of me!” “What?! I did not! You m*********d on my bed. And by the way thanks for the show.” “Ano?!” Hindi siya makapaniwala sa narinig. “That’s the truth. Hindi ko na sana sasabihin pero pinaparatangan mo ako na ni-rape kita.” “Kung totoo ‘yan, you mean you watched me habang ginagawa ko ‘yon?” Umiwas ito ng tingin sa kanya. “So, pinanood mo nga ako!” Naitakip niya ang mga kamay niya sa mukha niya sa labis na kahihiyan. “Hindi ako masamang babae ha? Kung ano man ‘yung nakita mo, hindi ako ‘yon. Hindi ako palaging gano’n. Oh my God. Bakit ko ba kailangan ipaliwanag ‘yung sarili ko? Tanya, ano ba ‘tong ginawa mo? Noong una ‘yung charger, tapos ngayon heto naman.” “Hey, it’s ok. I won’t tell anyone.” Tiningnan niya ang binata. “Malamang! Bakit, ipinagkakalat mo ba kapag nanonood ka ng porn?” “Hindi naman porn ‘yung nakita ko. Sa porn, umaarte ‘yung mga artista at hindi ko nga alam kung gusto ba nila ‘yung ginagawa nila, pero what I saw last night is a very beautiful lady who’s confident on herself and knows what she wants.” “Wala tayo sa Q and A ng Miss U, at kung sinasabi mo ‘yan para pagaanin ang loob ko, well to tell you honestly, it’s not working.” Tinakpan niyang muli ang mukha niya gamit ang mga kamay niya. “Sinasabi ko lang ‘yung totoo and para mas pagaanin pa ‘yang loob mo, sinabayan kita kagabi.” Napatingin na naman siya rito. “God! Naririnig ko ba talaga ‘yang sinasabi mo? Dapat ba ‘kong matuwa na nag-duet tayo kagabi? Feeling mo quits na tayo no’n? Nakita mo ‘ko, pero ako walang kamalay-malay sa ginawa mo.” “Do you wanna see mine?” tanong nito at biglang itong tumayo at hinawakan ang gilid ng garter ng suot na boxers. “Hoy! Tigilan mo ‘yan!” Nangiti naman ito sa reaction niya. “Aalis na ‘ko.” Tumayo siya habang nakapulupot sa katawan niya ang kumot. “Kalimutan na lang natin lahat ng nangyari,” sabi pa niya habang hinahanap ang mga damit niya na hindi na niya maalala kung saan niya hinubad. “If you’re looking for your clothes, sinama ko na sa mga pina-laundry ko kanina. You can use my clothes naman.” “Pati underwear ko?” “Yeah,” sagot nito sa kanya at saka naghanap ng maisusuot niya mula sa mga naka-hanger na damit sa clothes rack. s**t! Hinawakan niya? Nakita niya siguro kung gaano kabasa ‘yon! Oh my God naman talaga Tanya! Sabi niya sa isip niya habang nakatingin sa nakatalikod na si Greyson. “Here,” may inabot itong t-shirt at at shorts na may tali. Kinuha niya ito at saka siya pumasok sa loob ng banyo at nagbihis. “Aalis na ‘ko and hopefully hindi na tayo magkita,” sabi niya rito paglabas niya ng banyo. Nakatayo kasi ito sa tapat ng banyo at mukhang hinahantay ang paglabas niya. “Plano ko pa namang mag-lunch kasama mo. Pwede ba ‘kong pumunta sa unit mo? I’m a good cook.” Nakangiti nitong sabi. “No thanks. Marunong din akong magluto at mas gusto kong kumain mag-isa.” “Okay. Magkikita pa rin naman tayo. Ibabalik ko pa sa ‘yo ‘yung damit at t-back mo, unless ayaw mo nang kunin sa ‘kin at gusto mo akong bigyan ng souvenir.” “Iwan mo na lang sa labas ng unit ko. Kailangan ba talaga na ipakita mo pa sa ‘kin ‘yung mukha mo?” sabi niya sabay irap dito. “Baka lang naman ma-miss mo ‘ko.” Napailing na lang siya at tinalikuran niya ang nakangising binata. “Goodbye!” “See you soon. Balik ka.” Hindi na siya sumagot at hindi na rin niya nilingon ang binata at nag-f**k you sign na lang siya gamit ang daliri niya bago siya lumabas ng unit nito na suot ang mga damit nito na ubod nang laki sa kanya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD