CHAPTER 2

1667 Words
CHAPTER 2 Sumilip muna siya sa peephole bago lumabas. Pagkatapos ng nakakahiyang ginawa niya kagabi, hindi niya kakayanin na magkita uli sila ng bago niyang kapitbahay. Mabuti na nga lang at hindi pa nito isinasaoli ang hiniram na charger sa kanya dahil sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano niya haharapin ito. Baka kung ano nang iniisip nito sa kanya. Hindi niya kaya ang kahihiyan. Nakaayos na siya at nakasuot siya ng sexy tube black dress. Wala siyang suot na bra pero naglagay naman siya ng n****e tape. Nagsuot siya ng t-back sa ilalim ng dress dahil ayaw niyang magkaroon ng visible panty line lalo na’t masikip ang suot niya. Nakasuot din siya ng mataas na heels at naglagay siya ng make-up na mas makapal kumpara sa araw-araw niyang make-up na konti lang para natural looking lang. Ngayon dark and smoky ang eyeshadow niya sa mata at dark red lipstick naman para sa labi niya. Sa ayos niya at sa hubog ng katawan niya, walang mag-iisip na 30 years old na siya. Nang masigurado niyang wala ang kapitbahay niyang si Greyson ay lumabas na siya ng unit niya at mabilis na naglakad papuntang elevator. Pinindot niya ang down button at hinintay niya ang paghinto ng elevator sa floor niya. Pagbukas ng pintuan ng elevator parang gusto niyang maglakad pabalik ng unit niya dahil sakay nito si Greyson na napatingin agad sa kanya kaya mabilis siyang umiwas ng tingin at nagkunwaring wala siyang nakita. Pataas pa ‘yung elevator kaya hindi siya sumakay. Wala naman siyang balak na mag-round trip at makarating hanggang penthouse kaya hihintayin na lang niya ang kabilang elevator na pababa na. Sa peripheral vision niya kita niya na naglakad na palabas ng elevator si Greyson. Nagulat siya nang hawakan siya nito sa braso. “Miss?” Dahan-dahan niyang nilingon ito. Parang ang ganit ng leeg niya sa sobrang bagal ng ginawa niyang pagharap dito. “Yes?” “Ikaw ‘yung sa katapat na unit ko ‘di ba?” “Yes.” “Yung charger.” “Okay lang. Sa ‘yo na lang. Huwag mo na ibalik. And I’m sorry?” Tarantang sabi niya. “Huh?” Dumating na ‘yung elevator na hinihintay niya at nang magbukas ito ay nagmamadali siyang pumasok sa loob. Naiwan naman si Greyson sa labas ng elevator na mukhang nagtataka pero nakangisi naman. “Alam niya. s**t, alam niya. First time mo na nga lang gagawin may nakaalam pa,” bulong niya sa sarili. Wala naman siyang kasama sa elevator kaya walang nakakarinig. Si Greyson ang laman ng isip niya at ang kahihiyang nagawa niya nang mag-vibrate ang cellphone sa loob ng maliit na shoulder bag na dala niya. Si Karen, tinatawagan siya. “Girl, nandito na ‘ko sa basement. Baba ka na. Ayoko nang pumanik d’yan.” “Karen!” “Ano?! Nakakagulat ka naman!” “Ikaw, kasi eh.” “O, ano’ng ginawa ko?” “Mamaya ko na lang ikwekwento sa ‘yo. Kapag kaharap na kita. Pababa na ‘ko.” “Okay. See yah!”   “Seryoso?! Oh my God Tanya!” Natatawang sabi ni Karen sa kanya nang ikwento niya ang nangyari kagabi. Nasa loob sila ng kotse at si Karen ang nagda-drive. “Ikaw kasi eh. Sinunod ko ‘yung payo mo. Ayan tuloy. Lumipat na kaya ako ng condo?” “Gaga! Bakit? Sa tingin mo ba ‘yung kapitbahay mo, hindi ‘yon ginagawa? Lalaki siya ‘no. Baka nga everyday pa ‘yon.” “Pero hindi naman siguro siya nagpapahiram ng charger na may kasamang…” Napahinto siya sa sasabihin. “Oh my God! Ayoko nang isipin!” “Super wet ba?” “Karen!” Tawa nang tawa si Karen sa kanya. “Kalimutan mo na ‘yon. Makakalimutan na rin niya ‘yon.” “I wish, sana makalimutan nga niya.”   Pagdating nila sa bar, bawat hakbang ata nila may nakakasalubong na kakilala itong si Karen. Kulang na lang magasgas ang pisngi nito kakabeso sa lahat ng kakilala. Akala mo kumakandidato sa dami ng kinakausap. May Pilipino at may mga foreigner pa itong kakilala sa loob at maski sa labas ng bar na pinuntahan nila. “Gabi-gabi ka ba nandito? Ultimo ‘yung bouncer at bartender kilala ka.” Malakas ang pagkakasabi niya at medyo inilapit niya ang mukha niya kay Karen dahil malakas ang tugtog sa loob ng bar. “Nakakainip kasi mag-stay sa condo mag-isa. Nang umalis si Grant papuntang London, medyo napadalas ang punta ko rito. Hindi naman kasi kita mayaya kasi palagi kang busy kaya mag-isa akong puma-party dito.” “Buti hindi nagagalit si Grant?” tanong niya kasunod nang pag-inom ng hawak niyang Margarita. “Alam naman niya ‘tsaka behave naman ako. Inom at kwentuhan lang talaga ang habol ko. Kahit maraming tuksong lumalapit hindi ko pinapansin. Party girl lang ako pero loyal ako.” “I know. College pa lang naman tayo, ganyan ka na. Naalala ko pa, pumasok ka ng noong final exam natin na galing sa inuman.” “Naalala ko ‘yun. Pinaliguan mo ‘ko nang pabango kasi amoy alak ako. Salamat sa pagpapakopya mo, kung hindi, hindi ako naka-graduate,” sabi ni Karen sabay tawa. “Sinalba ka ng pangongopya at kodigo mo. ‘Langhiya ka talaga noong college. Buti na lang nakahanap ka nang matinong trabaho pagka-graduate.” “Iba talaga ‘pag maabilidad at maganda.” “Bakit inakit mo ba ‘yung HR?” “Gaga! Matandang dalaga kaya ‘yung HR sa una kong trabaho.” “Ouch! Tinamaan naman ako do’n. Konting preno.” “Hoy! Hindi ka tatandang dalaga. Sa kasal ko ikaw ang sasapo ng boquet ko.” “Naka-reserve na sa ‘kin?” “Ikaw lang patatayuin ko kapag hinagis ko na.” “Sira ka talaga.” Nagtawanan silang dalawa. Na-miss niya ang mga ganitong kwentuhan nila nang matalik na kaibigan. Sobrang dalang kasi nilang magkita dahil busy siya sa trabaho at nagka-boyfriend naman si Karen. Hindi na niya malaman kung ilang baso ng alak ang nainom niya. Halo-halo na sa tiyan niya ang iba’t ibang inumin na in-order nila na mas malakas ang tama lalo pa’t wala silang masyadong kinain at panay pa ang sayaw nila. “I love you bestfriend. Na-miss talaga kita. Ulitin natin ‘to ha!” sabi ni Karen sa kanya pagkababa niya ng kotse nito. “Sure ka kaya mong mag-drive?” “Ako pa? Sanay na sanay na ‘ko. Ikaw? Kaya mo pa bang pumanik sa unit mo? Umeekis na ‘yung lakad mo.” “Kaya pa.” “Okay! Bye na! Panik na! Love you!” “Love you too. Ingat!” “Okay. Bye!” Sinarado na niya ang pintuan ng kotse at saka siya naglakad papasok ng condominium. Hilong-hilo siya pero pinilit niyang makarating sa elevator. ‘Yung kasabay niyang babae ang pumindot sa up button dahil wala na talaga siya sa sarili niya sa labis na kalasingan. “Miss, anong floor ka?” “A-ako ba kausap mo?” Itinuro pa niya ang sarili niya. “Oo, ikaw. Anong floor ka? Hindi ka pa kasi pumipindot. Baka lumagpas ka.” “Ahhh… 20th. 20th floor.” Nginitian niya ‘yung babae. “Thanks.” Nakasandal na siya sa dingding ng elevator at parang gusto na niyang umupo sa sahig. “Miss, 20th floor na,” sabi ng babae sa kanya, kasabay ng isang kalabit sa balikat. “Thank you! Thank you!” sabi niya sa babae at lumabas na siya ng elevator at naglakad sa pasilyo papunta sa condo unit niya. “Nakarating din,” sabi niya habang nakatayo sa harapan ng pintuan. Ilang beses niyang kinusot ang mata niya bago pinindot ang keypad na nasa pinto para ilagay ang passcode. Nanlalabo na kasi ang paningin niya dahil hilong-hilo pa rin talaga siya. Tumunog ang keypad. Maling passcode ang nailagay niya. Napakamot siya sa ulo niya. “Tama naman ‘yung nilagay ko ah. Seven, two, two, nine, six, zero,” sabi niya habang pinipindot ang bawat numero sa keypad. Tumunog na naman ito. “Mali na naman?” Inulit niya uli ang pagpindot. Tumunog uli ito pero bumukas na ang pintuan. “Finally!” Madilim sa loob ng unit pero hindi na siya nag-abala pa na magbukas ng ilaw dahil may liwanag naman na pumapasok sa malaking salamin na bintana. Nagtanggal na siya ng sapatos at pagkatapos ay hinawakan niya ang zipper sa gilid ng suot niyang dress at saka ito ibinaba. Hinubad niya ang suot niyang dress at hinayaan na lamang ito sa sahig. Naglakad siya papunta sa kama at patihaya siyang humiga. Init na init ang pakiramdam ng katawan niya. Naalala niya si Matthew. Nang huling beses kasi siyang malasing na tulad nito ay ito ang kasama niya. ‘Yon din ang gabing unang beses niyang isinuko ang p********e niya sa dating nobyo. Tinanggal niya ang n****e tape sa dibdib niya at minasahe niya ang mga ito. Pinaikot niya ang mga hintuturo niya sa naninigas nitong mga dulo. Hinubad na rin niya ang suot niyang t-back at hinagis niya ito  sa gilid ng kama. Ibinuka niya ang mga hita niya at hinaplos niya ang p********e niya nang pataas at pababa. Impit ang tunog ng mga ungol niya na para siyang nahihirapan pero sa totoo lang ay nasasarapan siya. Ipinasok niya ang isang daliri niya sa butas ng kaselanan niya, pero kulang pa kaya isinunod pa niya ang isa. Nilabas-pasok niya ang mga daliri niya. Mabagal lang sa una hanggang sa pabilis nang pabilis ang paggalaw ng kamay niya. Nag-curl na ang mga daliri niya sa paa at napaliyad siya nang maramdaman niya ang orgasmo niya. Habol hininga siya nang matapos. Ipinahid niya sa kumot ang basa niyang mga daliri at saka niya kinumutan ang sarili. Dahil sa kalasingan at pagod nakatulog agad siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD