Panandalian muna silang iniwan ni Gwen dahil magpapalit pa ng damit ang babae. Pagkatalikod ni Gwen, hinalughog naman ni Corrie ang mga pinapakitang bills ni Gwen sa kanila. "Walang kapatawaran ito. Sinira na ni Kenny ang buhay ng kaibigan ko."
Sinimsim naman ni Russ ang kanyang kape. "Hindi maaring si Gwen ang magbayad sa credit card na ginamit ni Kenny."
"Hindi naman kailangang bayaran pa iyon ni Gwen."
Tinitigan muli ni Russel ang larawan sa pahayagan. Nakukuryoso siya kung bakit Janus Ventura ang nakalagay sa pangalan at kung si Kenny nga ito, bakit hindi ito nakakulong ngayon?
Naisip naman niya ang kaibigang P.I. Siguro makakakuha siya ng karagdagang impormasyon sa pamamagitan ni Ranie.
"In any case, kailangang makahanap na ng trabaho si Gwen para at the same time malibang rin siya."
"Trabaho? Pero may trabaho na siya. Business administrator nga siya sa pinagtatrabahoan kong foundation mga ilang taon na. She's invaluable. I can't lose her." pahayag pa ni Corrie. "She's brilliant, organized, efficient, coolheaded in a crisis, and I can't function without her."
"Sana nakinig nalang ako sa kanya nang sinabi niyang may doubt siya kay Kenny." dagdag na sabi ni Corrie.
"The more I see, the more I realized Ken is one smooth operator." dugtong pa ni Russ. "Alam talaga ng lalaki na yon kung ano ang gagawin."
"Hmm..pansin ko lang. Parang sobra naman yata ang concern mo sa kaibigan ko."
Russ warily turned his head to face her.
"Nong araw ng kasal ni Gwen, bakit pinuntahan mo siya sa kwarto niya? Anong sinabi mo non sa kanya?"
"Na ayaw ko siyang magpakasal kay Kenny."
"Bakit?"
"Dahil nagsisinungaling siya, at pumapatol pa siya ng ibang babae kahit ikakasal na sila ni Gwen. Gusto ko sanang sabihin iyon kay Gwen, pero hindi ko alam kung papano."
"And?"
Alam ni Russ na hindi siya titigilan ni Corrie hangga't hindi siya nito mapaamin. "I was jealous."
"Sinabi ko na nga eh." ani Corrie. "Russ, alam mo bang napaka inosente niyang si Gwen. Siguro dahil napaka overprotective ng parents nito sa kanya, kaya nga kung wala ang mga magulang niya, wala siyang kalaban-laban."
Hindi naman sang-ayon si Russ sa sinabi ni Corrie. Kasi nandito siya at handa siyang ipagtanggol si Gwen. "She's a grown-up now. She has a lot to learn, but--" napahinto bigla sa pagsasalita si Russ nang papalapit na sa kanila si Gwen.
Gwen had exchanged her bright T-shirt and denim jeans for a cream-colored cotton blouse with a prim collar and a slim skirt falling an inch past her knees.
Naglabas naman ng pera si Corrie mula sa kanyang pitaka at inabot kay Gwen. Napakunot-noo ang huli.
"Tanggapin mo," sabi ni Corrie. "Magagamit mo to habang hindi mo pa nakikita ang walang-hiya."
Mas lalong kumunot ang noo ni Gwen. At alam ni Russ na ang pinaka ayaw ni Gwen ay ang kaawaan siya at lalo na ang bigyan siya ng pera.
"Hindi ko matatanggap yan, Cor. I appreciate it, but I can't take your money."
"Don't be absurd, mydear. Alam kong walang-wala ka na sa ngayon. At hindi ko maatim na makita kang magkaganyan ng dahil lang sa pride mo."
Yumuko si Gwen at tinanggap na lamang ang perang inabot sa kanya ng kaibigan.
Swallowing his disappointment. Inubos na lamang ni Russ ang kanyang kape. Naisip kasi niya na pareho sila ng ginawa ni Corrie. He'd done the same thing when he paid her resort bill and hired a private investigator. He and Corrie were treating Gwen like a child while pretending not to see her wounded pride or shattered self-esteem.
Pagkaalis ni Corrie sa bahay ni Gwen. Agad naman na nagsalita si Russ. "Gwen, ahm..about last night. Yong damit pala, gift ko na yon sayo. I bought it because you're pretty and it looks good on you." aniya at nag-abot ang mga titig nila ni Gwen.
Binilang naman ni Gwen ang perang binigay sa kanya ni Corrie. "I think I understand very well." mahinang saad nito.
"Ayokong isipin mo na tinuring kita na parang bata. I'm not. Dahil alam kong matapang ka at makakatayo ka na sa sarili mo." sabi ni Russ at hinawakan nito ang mga kamay ni Gwen. "Wag mo ring isipin na binili ko yong damit dahil naisip kong walang-wala ka na."
Bumitiw naman si Gwen sa pagkakahawak sa kanya ni Russ. "Nagugulohan na talaga ako. Every decision, large or small, seems difficult." napabuntong-hininga siya. "Hindi ko talaga matatanggap itong pera ni Corrie. Ibabalik ko nalang ba ito sa kanya?"
"It's up to you."
"I don't want to be a charity case, Russ. Not yours, not Corrie, not anybody's. Pero hindi ko alam kung pano ako mabubuhay nito. Ayaw ko naman na malaman ito ng mga magulang ko dahil mas higit silang masasaktan."
Ayaw na sana ni Russ na hawakan si Gwen, but his heart shouted louder. Kaya naman hinapit niya ang balingkinitan na katawan nito at niyakap niya. Nanigas lang ito, subalit hinagod pa rin niya ang likuran nito at hinalikan ang mahalimuyak nitong buhok.
"Nandito pa ako sweetie," bulong niya. "May tiwala ako sayo. Kaya mo yan."
Itinulak siya nito. "Hindi ko kayang ibigay ang gusto mo. That much I know is right."
Pero sa halip na sagotin niya ito ay binigyan niya ito ng isang mabilis na halik sa kanyang mga labi. "The married thing, huh?"
Nagpupumiglas itong makawala sa mga yakap niya kaya binitawan na lamang niya ito.
"Nothing worth having is easy." Naalala niya ang nakangising mukha ni Kenny at gustong-gusto niya ito basagin.
"I'm not playing hard to get, Russ."
"I'm not playing."
Inangat ni Gwen ang kanyang mukha at nag-abot ang mga titig nila. "Alam kung marami ng indicator na guilty nga si Kenny, but as long as he's my husband, I have to give him the benefit of doubt. I may be foolish in thinking this way, but it's what I must do."
Napakamot si Russ sa kanyang ulo at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "Naiintindihan ko."
Nag-iwas na sa kanya ng tingin si Gwen at ipinasok naman niya ang mga kamay sa kanyang magkabilang bulsa.
"Oo, kailangan ko ang tulong mo, but I cannot bear your charity."
"Okay lang."ani Russ.
"Ayokong saktan ang damdamin mo, Russ. Nabahala lang kasi ako na sa patuloy mong pagtulong sa--" Namula ito at dali-daling tinakpan ang kanyang bibig. "I mean, I have nothing to offer you until malaman ko ang totoo kung sino talaga si Kenny."
Naiintindihan naman niya ang gustong ipahiwatig sa kanya ni Gwen. Common sense said that he losses and walk away. Kaya iyon nga ang ginawa niya. Lumabas siya sa bahay ni Gwen at napalingon siya sa may pinto sabay sabing, "Hey, don't worry about me. I can handle my feelings. I'm a macho kind of guy, you know."
Gwen lowered her eyelids. "Napakabuting tao mo, Russ."
Mabuti, Mabait..Alam niyang palubag-loob lang sa kanya iyon ni Gwen. Ang totoo mabangis talaga siya, lalo na sa taong sanhi ng kalungkutan ngayon ng babae. In time, sana matanggap rin nito ang totoo tungkol sa pagkatao ng asawa niya.
Umaasa siyang matatanggap rin nito.
*****