Chapter 18

2144 Words
Ang tunog ng kanyang cellphone ay ang nagpagising kay Gwen sa umaga. Gugustohin na nga sana niyang ilibing nalang sa bakuran ang kanyang cellphone, ngunit ayaw rin niyang mawalan siya ng contact kay Russ. Kaya naman sinagot niya ang tawag. "Hello mydear!" sabi ng kaibigan niyang si Corrie. "Sa wakas na contact rin kita. Tumawag kasi ako sa hotel at sinabi nilang nag checked out ka na raw." Napabangon naman si Gwen. "Corrie, I'm so glad to hear from you." Natahimik bigla ang kabilang linya. "Tama nga ang instinct ko. All is not well." "Anong instinct ba ang pinagsasabi mo?" "Madali lang kasing natapos ang honeymoon niyo..tas..ahm.." Hearing her friend stammer in search of words frightened Gwen. Outspoken kasi ang kaibigan niya kaya minsan lang itong nauutal. "Mydear, isang tanong lang ang gusto kong masagot mo." May hint na siya sa itatanong ni Corrie. Sigurado siyang alam na nito ang balita. "Anong tanong?" "Is everything all right with you and Kenny?" Bukod sa hiya, wala ng iba pang maisip si Gwen na rason. Last night, she'd cried enough to last a lifetime. Which was good thing, dahil naubos na yata ang mga luha niya kaya wala na siyang luha na maiiyak pa. Subalit sa mga oras na yon parang gusto na naman niyang maiyak. "Everything is not right and I don't know what to do." "Anong nangyari?" Una, sinabi niya kay Corrie ang biglang pagkawala ni Kenny. Pangalawa, ang pagising niya sa umaga na si Russ ang katabi niya. Pangatlo, ang posibleng pagpainom sa kanila ng druga para sila mawalan ng malay. Pang-apat, hindi nangingialam ang mga pulis. Panglima, ang pagnakaw sa mga kagamitan niya sa bahay. Pang-anim, ang pagkabankaruta niya at wala na siyang ni isang kusing na natira pa. Matapos niyang sabihin ang lahat ng iyon kay Corrie, she felt drained, weak and dry-mouthed. Hinihingal rin siya na para siyang tumakbo ng sampung milya. "Tama nga ang kaibigan kong reporter na si Desirie." mahinang saad ni Corrie. "Ano naman ang kinalaman ng kaibigan mong reporter dito?" "May hinala kasi siya na kriminal si Kenny. Pero Gwen, diyan ka lang ha. I'll be there in twenty minutes." Pinutol ni Corrie ang tawag, at iniwan si Gwen na nakatunganga habang maraming tanong ang naglalaro sa kanyang isip. Pagkababa niya sa cellphone, tunog ng doorbell naman ang kanyang naririnig. For a moment, para bang na blacked out siya ng ilang minuto, at hindi nalang niya namalayan na baka nakarating na nga si Corrie. Pagkabukas niya sa pinto, bumungad naman sa kanya ang tatlong grocery bags. Russ stood there, smiling at her. "Good morning. Baka kako kailangan mo ng groceries, dahil naisipan kong dito kasi ako mangangape." Akala talaga niya na nagalit sa kanya si Russ kagabi. Pero napaka cheerful ngayon ng aura ng lalaki. He looked so handsome and relaxed, at ang mga titig nito ay parang nakakatunaw. Di bale na ngang wala na siyang kumpletong kagamitan sa bahay, at least nakumpleto naman ang umaga niya sa pagdating ni Russ. "Come in." Dumiritso naman ang lalaki sa kusina. "I brought you some fruit and salad fixings," anito. "Naghintay talaga akong mag open ang mga mall." Hands together in front of her, she c****d her head, watching him pull a styro packs of strawberries and melons. He brought the fruit to his nose and inhaled, smiling dreamily at her. Nang maalala naman niya ang kanyang bagong gising na ayos, kaya lihim nalang siyang napapasuklay sa kanyang buhok gamit ang mga daliri. Natuon naman ang kanyang atensyon sa natural na mapupulang labi ng lalaki. When she made stop looking at his mouth, she focused on his hands - to his graceful, gentle and clever hands. "Akala ko galit ka sakin, Russ." "Yeah, well, I got over it. Eh Ikaw?" "Masaya akong nandito ka." aniya tas itinabi niya ang mga groceries na pinamili ni Russ. He slid onto a stool and folded his hands atop the breakfast counter. Itinimpla naman niya ng kape ang lalaki. "I hired a private investigator." She frozed in the middle of putting creamer to his black coffee. "You did what?" "May kaibigan akong PI na tutulong satin mag imbestiga. Gusto nga siyang makipag-usap sayo eh." "I can't take your charity, Russ. Besides wala akong pambayad sa PI." "Who says I'm doing it for you?" "Asawa ko pa rin siya, Russ." "Biktima rin ako Gwen, at hindi ko palalampasin ang ginawa niyang pagdruga sakin." saad pa ni Russ. "May ni refer na sakin si Ranie na isang police na makakatulong sakin mag imbestiga." She slapped both hands on the counter. "Don't you understand? Ba't kailangan mo pang mag imbestiga? Si Kenny na nga di ba, ang kumuha sa lahat ng pagmamay-ari ko." She marched to the counter next to the refrigerator and snatched up the bundle of mail delivered while she was out of town. "Tingnan mo ang mga credit card bills na ito. It's all in my name. Kenny used my name to open accounts. Last week lang ang mga ito dumating. Ano pa kaya ang dadating ngayong linggo? Or sa susunod pa?" Kinuha naman niya ang ibang set ng mailing envelope. "Eto, mga cellular plan bills ito. There are almost two thousand pesos worth of calls on it. Nakapangalan ko pa ang account, but I don't even own a postpaid plan." Napapalunok naman si Russ sa mga sinasabi ni Gwen. "Kung pwede nga niya mabenta itong bahay eh, e di ibinenta na rin niya ito. Eh ikaw, wala ka bang planong ibenta ang bahay na to?" "I can't sell it. Kasali ito sa pinamana sakin ni daddy. I can live in it for as long as I wish, but if I die or decide I don't want to live here, mas mabuti pang e donate ko nalang ang bahay na ito sa charitable foundation ni mommy, pero hinding-hindi ko ito ipagbebenta o gawing collateral itong bahay." "What about your trust fund?" Ayaw man niyang ipakita kay Russ ang prustrasyon niya, pero mahahalata pa rin ito sa boses niya. "My grand inheritance? The bulk of my father's estate was placed in trust fund. So, in five years when I am thirty-three years old, I will be able to collect the interest, pero hindi ko maaring magalaw ang principal. When I turn forty, the trust fund will be disbanded and the money goes to charity. Naniniwala kasi si daddy na ang kayamanan ay ang magpapahina sa character mo." "How bad is it?" Russ asked gently. "How much debt did he run up?" "Hindi ko pa alam. My accountant is contacting credit bureaus. Our family attorney is investigating my liability. It will take a week or so to figure out how much damage Kenny has done." Kinuha naman niya ang groceries bag na pinamili sa kanya ni Russ. "I can't even buy groceries. Hindi ko nga alam kung pano kita mababayaran sa lahat ng ginawa mo para sakin. Kaya nga hindi na ako makaka afford ng private investigator." "Wag mo ng intindihin pa ang gasto, Gwen. Ako na ang bahala. Kailangan lang managot ni Kenny sa pinsala niya. Sisiguradohin kong mabubulok siya sa kulongan." Despite his well-reasoned logic, it still felt like charity. She'd rather have Russ angry with her than feeling pity. "Mabuting tao si Ranie. Magusgustohan mo rin siya bilang PI." "This is all just so humiliating." "Ganyan talaga ang buhay, Gwen. Ang isipin mo lang, na kung matapos ang unos, kasunod naman ang bahag-hari." Napangiti naman siya ng tipid kay Russ habang nilalagyan rin niya ng creamier ang kanyang kape. "By the way," he said. "I like the shirt." She looked down at herself and blushed. Nabili kasi niya ang kasalukuyang suot na t.shirt three years ago na, at talagang kupas na ito. Pink ang kulay nito at may printang "Take No Prisoners." Kung ano man ang ipinahiwatig sa t.shirt ay wala siyang clue. Tiyempo lang na ito ang isinuot niya sa pagtulog. Bigla namang hinawakan ni Russ ang kanyang kamay at pinisil ito. "Are you okay?" "No." "Kung gusto mong sumigaw, sige sigawan mo'ko. Feel free." "Ayokong sumigaw." "Kung ayaw mo, eh di ako ang sisigaw." Nang akmang sisigaw na sana si Russ ay agad niyang pinigilan ito. "Ang gusto ko lang naman ay ang makapag-asawa at magkaroon ng mga anak. Wala naman akong malaking bagay na hinihiling. Just a family." She waited for his comments, but he remained silent. "I miss my parents. Nasa Europe kasi sila ngayon. May sakit sa puso si mommy kaya ayoko siyang mag-alala. Si Daddy rin may history na sa atake kaya ayoko rin siyang mag-alala." "Kailan ang huling atake nito?" "Four months ago lang. Akala nga namin hindi na makakarecover si daddy pero lumaban pa rin siya. Deppressed daw ang rason sabi ng doctor. Hindi ko alam kung ang pagpapakasal kay Kenny ang sanhi ng depresyon niya. Kinabukasan kasi iyon mangyari matapos naming ipaalam kay Kenny na magpapakasal na kami." Pilit naman niyang kinontrol ang luhang nagbabadyang tumulo sa kanyang mga mata. "Pasensya ka na sa mga sentimento ko ha." "No worries. I'm listening." "Nagpakatanga kasi ako kay Kenny. Nagmamadali kasi akong makasal eh. Na para bang mauubosan na ako ng lalaki sa mundo." "You think na mauubosan ka ng lalaki?" he asked with a curious smile. Namula naman si Gwen. "Minsan." mahinang saad niya. "Bakit mo naman naisip yon?"tanong ni Russ. Bumaba siya sa kinaupoang stool at pumunta sa may bintana. "Gwen?" "Nakapag-asawa nga ako, pero minalas naman." "May woman instinct ka ba sa pagpapakasal mo kay Kenny?" His nearness startled her. He stood behind her, but she hadn't heard him move. When he placed a hand on her shoulder, she covered his hand with hers. "Akala ko ang pagmamahal ko kay Kenny ay sapat ng rason upang pakasalan siya." "Love doesn't work that way, sweetie. Hindi lang naman yon ang rason upang magpakasal ka sa isang lalaki." She turned her head so she could see him. Hayan na naman, natutunaw na naman siya sa mga titig ni Russ. "Eh ano pa ba ang posibleng rason, Russ?" "I don't know. Tinatanong ko rin yan sa sarili ko. Katulad nalang sa kung ano ang nagustohan ng mommy ko sa daddy ko? Pero ang importante na masaya sila, di ba?..Maybe you fall in love, then figure out the reasons later. And because you're in love, any reason you come up with is good enough." Tumunog ang doorbell. "It's Corrie. Sinabi ko na sa kanya ang nangyari. Ang sabi pa nga niya na may natuklasan daw ang kaibigan niyang reporter tungkol kay Kenny." Ayaw sana niyang buksan ang kaibigan dahil alam niyang attracted ito kay Russ. At isa pa, baka mag-isip din ito ng masama sa kanila. Pero kinailangan pa rin niyang buksan ito. Nang pagbuksan na niya si Corrie agad naman siyang sinalubong ng kaibigan ng mahigpit na yakap. "My dear, Gwen." She struggled against having the air squeezed out of her. When she managed to step away, she gasped for breath. Nanlaki naman ang mga mata ni Corrie nang makitang wala ng laman ang kanyang living room. "My goodness." tas tumingin ito kay Russ. "Eh ano naman ang papel mo fafa Russ, tagapagligtas ba ni Snowhite?" He exchanged an amused glance with Gwen. Napangiti lang naman ang huli. "Oo. Sinabi sakin ni Gwen na may sasabihin ka raw tungkol sa natuklasan ng kaibigan mong reporter kay Kenny." "Ah Oo, yong kaibigan kong yon, marami talagang mahahaganap na balita yon..Pwedeng maupo muna ako?" "Sure, doon tayo sa kusina." Gwen led the way. Curiosity about what the reporter could have learned about Kenny was killing her, but she feared the information might do worse damage. Tumabi si Russ sa pag upo ni Corrie. Binuklat naman ni Corrie ang dala-dala nitong newspaper. "I told Deserie she was out of her mind. Hanggang sa makausap kita, Gwen. At parang may katuturan din ang natuklasan niya." "Ano nga ang natuklasan niya, Corrie?" Sa wakas pinakita rin ni Corrie ang larawan na nasa pahayagan. Si Kenny ang nasa larawan. Nanlaki ang mga mata nito bagkus isa itong nakaw na pagkalitrato. Inalalayan ito ng mga pulis habang naka posas ito. "Wala namang sinabi sakin si Desirie. Pinakita lang niya sakin itong litrato. Tingnan niyo ang petsa, na publised ito tatlong taon na ang nakalipas. Heto tingnan rin ninyo ang pangalang nakasulat sa balita, Janus Ventura. Pero sinabihan ko na si Deserie na hindi ito si Kenny. Kamukha lang niya ito, di ba?" Napaisip naman si Gwen. Logic and reason told her to grasp at any explanation, take any excuse. Yet for better or for worse, she'd committed her life to this marriage. Umandar na naman kasi ang pagiging faithful niya, na gusto muna niyang makausap ang asawa upang makinig sa side nito. Pero tama na nga ang pagiging in denial, Gwen. Gumising ka na sa katotohanan. "Tama si Deserie." malungkot siyang napatitig sa larawan sa newspaper. "Si Kenny nga ito." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD