Pumasok si Gwen sa opisina ng K.A Development Incorporated, ang kompanyang pagmamay-ari ng kanyang nawawalang asawa. Marami ng ikwenento si Kenny tungkol sa business niya gaya ng mag develop sila ng mga sudvisions, at marami na rin daw na nakakontrata sa kanila sa mga itatayo pang gusali. Ngayon na nakatungtong na siya sa opisina nito, gusto naman niyang ma meet ang mga pinagkatiwalaang empleyado nito. Noon kasi palagi nalang siyang pinangakohan ni Kenny na papuntahin sa opisina nito, pero hindi naman matuloy-tuloy dahil busy pa raw ito. Pero ngayon, heto na nga siya nakatayo sa magarang opisina nito. At sa nakikita niya, puno ang dingding nito ng mga decorated framed photographs ng mga subdivision na kuha sa pamamagitan ng aerial shots. May brass nameplate rin na nakapatong sa ibabaw ng

