"Bakit tayo huminto dito?" tanong ni Gwen kay Russ nang ihinto nito ang kotse. Itinuro naman nito ang tapat na gusali. "Ranie's office." "Narinig mo naman ang sinabi ni detective Guinto, di ba? Posibleng nakalabas na si Kenny sa bansa at baka na transfer na rin ang pera ko sa ibang account. So ano pa ba ang silbi ng private investigator?" "Kung pera lang ang kinuha niya sayo, hindi nakapagtataka yon, pero pati furniture sa bahay mo Gwen, hindi rin nito pinatawad." Inisip naman ni Gwen ang sinabi ni Russ. "Kung maglilipat bahay nga kailangan ng isang malaking sasakyan, how much more sa mga furniture ko . Paano kaya niya ang mga iyon naikarga?" "Siguro nagrenta ito ng dumptruck." "I didn't consider that." tas una ng bumaba si Gwen sa kotse ni Russ. Iginiya naman siya ni Russ paakyat s

