"Surprise!" Biglang sabi ni Corrine mula sa likuran niya.
Nang mapalingon si Gwen sa gawi ng kaibigan niya bigla naman siyang nakaramdam ng tensyon. Kasama kasi nito ang isa sa pinakasikat na society reporter sa bansa na si Desirie Holman na malapit rin nitong kaibigan.
Nasa tabi lang ni Gwen si Kenny na bigla namang nabilaukan. Agad-agad namang kumuha ng picture nila ang kasamang photographer ni Desirie. Napapikit naman si Gwen pag flash ng camera. Si Kenny naman ay sunod-sunod na napaubo.
Gwen thrust a hand toward the photographer. "Please! No more photographs. Please."
"Pero regalo ko yan sayo, mydear. Para naman maging front page ang wedding niyo." katwiran pa ni Corrine. "Di ba, Des?"
"Of course, this wedding event is worthy of an entire column. Oh my! Mga kilalang tao sa lipunan ang mga invited guests niyo. Kaya bigatin talaga itong wedding ninyo." sang-ayon pa ng reporter. "And by the way, your gown is exquisite, Gwen. Sino ba ang designer ng gown mo?"
"Hindi masyadong kilala ang designer ng gown ko."
Bumulong naman sa kanya si Kenny. "Get rid of that idiot right now!"
Napalingon agad si Gwen sa namumulang mukha ni Kenny. Halata talagang iritado ang kanyang bagong asawa.
The wedding ceremony in Sweet Pines Chapel had been accomplished without a hitch. At makikita mo talaga sa mga mukha ng mga bisita nila na masaya sila para sa bagong kasal. Maliban nalang sa bestman ng asawa nito na nakabusangot ang mukha throughout the ceremony. Now everyone gathered at the reception where Alicia Del Valle and her daughters had arranged a sit-down reception dinner worthy of royalty. Everyone except Russ, dahil bigla nalang itong naglaho.
Despite Russel's pecularities, the evening reception had unfolded with watercolored loveliness of a sweet dream. The tables were laid with snowy cloths and draped with garlands of silk roses. Kinilig naman si Gwen nang magsimula na silang mag toast ni Kenny sa champagne. Pagkatapos ay hiniwa nila ang cake at sinubuan nila ang isa't isa. Sumayaw rin sila sa dancefloor habang nakatitig ang mga mata nila.
Now Corrine had turned the dream into a nightmare by bringing in a reporter. To make matters worse, Desirie Holman and her photographer acted like a magnet, drawing the wedding guests near. Yan kasi ang ikinakatakot niya, binalaan na kasi siya ni Kenny na dapat walang medya na dumalo.
Hindi nga niya maintindihan eh, kung bakit ayaw na ayaw nito ang mga medya.
"Stop taking photographs right now!"
Agad namang napalingon sa kanya si Desirie. Ibinaba rin ng kasamang photographer nito ang hawak na camera, at nakita niyang nagbulong-bulongan ang mga bisita nila. Some appeared offended by her outburst, but most looked surprised.
"Excuse me." Kenny leapt off his chair, at nagpaalam ito na pumunta sa men's room.
"I'm really sorry, mydear." Corrine hurried to Gwen's side. "Hindi ko intensyon na galitin si Kenny. Pero ano itong nagawa ko?"
"Pasensya na Ms. Holman, nakakahiya naman sa inyo. I had no idea Kenny would.." Gwen stared helplessly in the direction her husband had gone. "I believe my husband has a phobia."
"Kasalanan ko rin ito, Desirie." ani Corrine sa kaibigang reporter. "Sinabihan na kasi ako ni Gwen na huwag mag imbita ng mga reporter."
"Hindi ko rin akalain na may phobia pala ang asawa mo sa mga reporter." saad ni Desirie kay Gwen. "But its all right."
The photographer turned his camera over in his hands. "Siguro ayaw niya sa flash Ms. Desirie, baka makaalala ito ng mga flashbacks." walang kagatol-gatol na komento ng bading na photographer.
Bigla namang sumulpot ang daddy ni Russel. Ang tindig nito ay para talagang isang military. He glared down his nose at the photographer. Napahalukipkip naman ang photographer sa pinakitang aura ng daddy ni Russel.
"Is there a problem, Mrs. Andales?"
It took a few seconds for Gwen to realize na siya pala ang kinakausap ng ama ni Russ. Napalingon naman siya sa mga bisita, at nakita niya ang awa sa mga mukha nito. For sure malalathala sa pahayagan ang gabi na iyon. She forced a smile to assure her guests all was well. "Uh no, sir. No problem."
Nakita ni Gwen na lumapit si Desirie sa ama ni Russ. "General Del Valle! Sir, it is a pleasure to finally meet you." anang reporter at nakipagkamay ito sa ama ni Russ. "Desirie Holman, sir, from TV cinco."
Hinila naman ni Corrine si Gwen papalayo sa presidential table. "I'm so sorry, mydear. Gusto ko lang naman na mabigyan ka ng regalo na mailagay mo sa iyong scrapbook. Mapapatawad mo pa kaya ako?"
"Wala ka namang kasalanan sa nangyari. I'm sure tinatawanan lang ni Kenny ang lahat ng ito." tiningnan niya ulit ang ama ni Russ at nakita niyang sumilay sa mga labi nito ang ngiti habang kausap pa rin si Desirie.
The smile reminded her of Russ , who, in height and build resembled his father. Nasaan na kaya si Russ? Huling nakita niya ito sa chapel. Hindi na kasi sila nagkausap ulit pagkatapos ng confrontation nila sa kanyang suite.
"Gwen?" Corrine's voice was low with concern.
Iwinaksi naman niya sa isipan si Russ. "I don't think anybody approves of Kenny. Tingnan mo ang mga bisita, nagbubulongan sila sa isa't isa."
"Don't be silly, mydear. Concerned lang siguro sila sayo, that's all."
Feeling pity for me, more likely, Gwen thought. She really hated being the target of pity. Nakakahiya kasi sa mga magulang niya na parehong kilala sa sosyalidad. Baka isipin pa ng ama niya na isang pagkakamali talaga ang pagpapakasal niya kay Kenny. "Maaga pa ba ngayon para sa aming wedding night ni Kenny?" tanong niya kay Corrine sa halip.
"That's a marvelous idea. Ipapahanap ko nalang si Kenny para masiguro natin kung okay lang ba siya." nakangiting wika ng kaibigan. "Nagpapalamig lang siguro yon, Gwen."
Nang magpaalam sandali si Corrine, Gwen looked around the hall for any sign of Russ, and she hated herself for wanting one glimpse of him, for wanting to hear his good-humored voice one more time.
She lowered her gaze to her wedding ring, she was now Mrs. Andales until death do them part. From this day forward only her husband deserved her love, attention or concern.
Russel Del Valle was nothing but a memory.
*****