Chapter 3

1743 Words
"Parang magkakasakit yata ako." sabi ni Gwen. She gazed helplessly at Corinne. Lumuhod naman ang kaibigan niya para ayusin ang laylayan ng kanyang trahe de boda tas napapasimangot ito sa kanya. "Don't you dare." "I shouldn't be getting married. It's a mistake." aniya pa at tinitigan ang nakasabit na orasan sa dingding. In one hour she and Kenny would exchange their vows in the Sweet Pines Chapel. "Oo mahal ko si Kenny, pero hindi ko pa siya lubos na kilala. At bilang magiging asawa niya, what do I have to offer? I don't even know any jokes!" Napaangat ngayon si Corrine at hinarap si Gwen. "You're the nicest girl I know." tas malapad itong napangisi sa kanya. "Baliw ka nga minsan, pero ikaw rin ang pinakatotoong tao na nakilala ko." Napapahingos naman si Gwen. "Hindi ako baliw noh." Samantalang napalingon-lingon si Corrine sa organisadong mga gamit ni Gwen. "At ikaw lang ang nakilala kong tao na pinaka organisado sa lahat ng bagay. You could single-handedly organize an entire country." "Kaya ba nasabi mo na minsan baliw ako?" "Hehe..in a nice way." napapatawa lang ang kaibigan niyang si Corrine. "Chin up mydear, you're the most gorgeous bride. Wedding jitters lang yang nararamdaman mo. Ganon din naman ako eh, nong ikinasal kami ng hubby ko." Tipid naman siyang napangiti sa kaibigan. Naging magkaibigan sila ni Corrine nong nag sponsor siya ng isang children's foundation. Nasa NGO kasi nagtatrabaho si Corrine at naging malapit sila nito dahil masayahing tao ang babae at super matulungin sa kapwa tao. Di namalayan ni Gwen na napahawak na naman siya sa kanyang engagement ring. "Nalilito na ako sa nararamdaman ko ngayon kay Kenny, kung talaga bang mahal ko siya." Napakrus tuloy ng braso si Corrine. "Kung tutuosin nga, ang bilis niyo ngang magpapakasal eh. Oo alam kong secret crush mo siya nong high school pa. Pero por dios por santo Gwen, nong Valentines day lang kayo nagkakilala." "Ano ka ba Cor, hindi naman ganon kadali. Seven months ago na kaya." Depensa pa ni Gwen. "Twenty-eight na ako at gusto ko ng magkaanak. Ayaw ko nang sayangin ang oras ko sa long engagement." "Hindi mo ba hihingin ang opinyon ko o payo?" "Assurance nalang ang hihingin ko sayo, friend." "All right. Kenny is good-looking at syempre mayaman na katulad ninyo. Charming, funny, and smart. Kaya nga hindi agad ako nakapaniwala na ayaw sa kanya ang daddy mo." "Really?" Corrine chuckled. "Basta ako boto ako kay Kenny para sayo." Gwen peered closely at Corrine's face. "Oh please, mydear." she held up a hand, ayaw din kasi ng mga magulang niya kay Corrine dahil masyado daw itong taklesa. "Do not get me started on your parents. We'll both be sorry. Balik tayo kay Kenny dahil siya ang paksa natin." Napapailing na lamang si Gwen. "Bumuo kayo agad ng baby ni Kenny ha, para may tumawag na rin sakin na tita." "Ikaw talaga, Corinne." "Mydear, just forget these silly jitters." Corrine said and lifted her chin. "Unless epo-postpone mo ang wedding today? Hindi nga ako makapaniwala eh, na parang secret lang itong kasal niyo. Kilala kaya sa business industry ang pamilya mo at ang mapapangasawa mo." Napakibit-balikat lang si Gwen. "May mga imbitado naman, pero yong mga importanteng tao lang." Her short list of guest included those people who had been close to her parents. Yan nga ang pinagtalunan nila ni Kenny eh, ayaw na kasi nitong may invited guests pa. Gusto nito malapit na kaibigan at pamilya lang. Dahil ayaw nitong ipahayag sa media ang kanilang pagpapakasal. Kaya nga ang mapapangasawa niya ang pumili sa lugar kung saan pagdadaosan ang kasal nila. "Ayaw ni Kenny ng publicity eh. Ayaw ko rin naman. Besides, considering my age, a huge wedding seems rather--" "Hep, hep, hep...alalahanin mong thirty-one ako nong nag-asawa ako." Gwen hid a smile by lowering her face. "The wedding itself doesn't bother me at all." aniya pa at naglakas-loob siyang aminin sa kaibigan ang totoong sanhi sa pagkabahala niya. "It's the other man." Napasinghap naman si Corrine sa narinig nito mula kay Gwen. "I don't mean it that way! Si ano kasi eh..si Russel kasi na bestfriend ni Kenny ang naging companion ko sa mga nakalipas na araw. He's been...wonderful." Napanganga at napatango-tango lang naman si Corrine. "We've gone hiking and horseback riding. Hindi ko alam kung ilang tennis game na ba ang nalaro namin. Nag swimming kami, nag picnic, at nakapanood rin kami ng sine. Nong una, nag-aalinlangan akong tanggapin ang pre-wedding vacation na ito, but now I'm glad I did. I've never had so much fun in my life." "Hindi pa? sigurado ka?" untag pa ng kaibigan niyang si Corrine. "Oh, no! Wag kang mag-isip ng masama. Gentleman lang talaga siya. He's Kenny's bestfriend, after all. Makikita mo rin siya sa wedding, and sure you'll agree, na napakagentleman niya." "Na attract ka ba kay bestfriend?" Mabilis naman siyang napapailing. "Hindi noh. Puro kalokohan lang ang pumasok sa isip non. Humingi nga ng sorry yong mom niya nong una dahil masyado kasi itong presko. We haven't talked about anything personal naman. Wala rin kaming seryoso na napapag-usapan, puro biro lang kasi ito. Imagine, yong bunso niyang kapatid at saka yong mom niya ay hindi rin niya sinasanto sa kalokohan niya." "Pero nagustohan mo pa rin siya?" "No!" mariing pagtanggi niya. "It's just that..around Russ, I feel, I feel--" "Pretty? Special?" "Yes," halos bulong na sabi niya. "Kaya nga nagi-guilty ako. Ano na ang gagawin ko? Parang ayaw ko ng magpakasal kay Kenny." Napahalakhak lang si Corrine at pinaharap siya sa salamin. "Late breaking news mydear, but believe me, you are both pretty and special." Gwen stared wide-eyed at the vision in the mirror. Appliques of white roses and twining leaves overlaid the sleeveless, fitted bodice. Her hair was upswept into a French twist held by combs festooned with tiny rose buds, and a single strand of pearls encircled her neck. "See, ang ganda-ganda mo na oh." pahayag pa ni Corrine. "Mas lalong ma i-inlove sayo si Kenny." Gwen wondered if Russ saw her this way when he stared so intently at her. Sana lang, Kenny saw her this way too. "Wag ka ng mag-alala kung na attract ka man ng ibang lalaki. Normal lang naman na humanga tayo coz we're humans. At normal lang na humanga tayo sa isang super hot na fafa." Napakunot-noo naman siya kay Corrine habang nakatingin siya sa repleksyon ng salamin. Hanggang sa may biglang kumatok na nagpalingon sa kanilang dalawa. Gwen steadied herself with a deep breath. "Baka nandito na ang sundo natin. Halikana handa na ako." Sa paghakbang nila sa may pinto, napatigil naman si Corrine. "Sigurado ka na ba, huh? Meron ka pang time na mag back out." "Corrine, ang pagpapakasal ko kay Kenny ay isang tamang desisyon." "Eh di mabuti kung ganon." ani Corrine tas lumabas na sila sa naturang suite. Hands in his pockets, his tuxedo jacket hanging open, Russel Del Valle stood in the doorway. "Hi." agad na bati nito sa kanyang kaibigan. "You must be Mrs. Herrera." Napatingin naman si Corrine kay Gwen. Tas napapatuwid ito ng tayo, stomach in at breast out kumbaga. "And you must be Russel." Hinalikan ni Russ ang kamay ni Corrine. Kilig na kilig naman ang kanyang kaibigan na parang teenager. "I'm sorry hindi ako nakadalo sa rehearsal kahapon. Eh di sana mas nagkakilala pa tayo." saad pa ni Corrine na kung umasta ay daig pa ang dalaga. "Anong ginagawa mo rito, Russ?" tanong ni Gwen. "Di ba dapat magkasama kayo ni Kenny ngayon sa chapel?" "Ahm Gwen, pwede ba kitang makausap kahit sandali lang?" Naninibago siya kay Russel ngayon, mukha nga kasi itong seryoso. Hindi kaya ang sasabihin nito na magba-back out sa kasal si Kenny? Napalipat-lipat naman ng tingin sa kanila si Corrine. "Sige mauna na ako sa inyo." Pero bago pa makapagprotesta si Gwen ay tuloyan ng nakaalis ang kaibigan. Inilibot ni Russel ang paningin sa paligid hanggang sa bigla siyang hinila nito papasok sa kwarto. "Hindi ka dapat nandito." Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib, at isa pa hindi siya dapat mag-isip na napakagwapo nito ngayon sa suot nitong tuxedo. "Sigurado ka ba sa lahat ng ito, Gwen?" She focused on her restless feet, willing them to stay still. She didn't dare to look at Russ. Ang pakakasalan niya ay si Kenny, hindi ang playboy nitong bestfriend. "Sigurado sa ano?" Napapakamot naman ito sa kanyang batok. "Sa kasal. It's a major commitment, you know." "I know about commitments," malamig na sabi niya. "Is something wrong with Kenny?" Matalim namang napatitig sa kanya ang binata. "Hindi si Kenny ang nararapat sayo." Napasinghap si Gwen sa sinabi ni Russel. "At sinong nararapat, aber?" yong pag-aalinlangan niya kanina sa pagpapakasal kay Kenny ay bigla nalang naglaho. Dahil kung mapupunta lang naman siya sa katulad ni Russ na natatakot pumasok sa isang commitment ay di bale nalang. "Hindi kasi ikaw yong babaeng sinasabi sakin ni Ken. Siguro hindi nga siya ang lalaking para sayo." Bigla namang tumulo ang luha niya na hindi niya namalayan. She suddenly hated Russ for daring to speak what she felt. She especially hated him for being so attractive, and for making her uncertain about the man she loved. "Umalis ka na sa harapan ko, please." "Kung kasal na kayo wala ng atrasan, Gwen. Habang buhay mo na siyang makasama." ani Russ at hinawakan ang magkabilang balikat niya. "You're special. You deserve the best." "Mahal ko si Kenny, at mahal niya ako. Mas mabuti pang iwan mo nalang ako. Now, leave!" Madilim ang mukhang nakikita niya sa binata, idagdag pa ang pagsalubong ng mga kilay nito. "Guess I stepped out of the line." he said, then turned for the door. "Wag na nating pagtalunan to, please." pahabol niyang sabi. "You've been very kind to me this week and I appreciate it more than you know. Sana maging mabuting magkaibigan nalang tayo." He turned his head enough to see her over his shoulder. "Kind? Isa ka palang babaeng manhid, Gwen." Shaking his head, he left the room. Tinawag siya nito na manhid? Sa isang linggo nilang magkasama, yon lang ba ang masasabi nito sa kanya? Russel was definitely one of those predators she'd always been warned about. Kumuha siya ng tissue sa isang box at maingat na pinahiran ang kanyang mga mata. Nasira pa tuloy ang make-up niya. Hindi siya dapat umiyak. Hindi naman talaga siya iyakin. Tanging si Russel Del Valle lang naman yata ang lalaking nakapagpaiyak sa kanya. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD