Chapter 2

2206 Words
Wondering if she made the biggest mistake of her life, Gwen Lacsamana entered the hotel lobby. She twisted her engagement ring around her finger and wished Kenny had agreed to join her for this pre-wedding vacation. She hoped once that she and Kenny were already married. Mahal kasi niya ang lalaki noon pa, pero mamahalin rin kaya siya nito pag kasal na sila? "Ms. Gwen Lacsamana?" Ang biglang pagtawag ng baritonong boses ay ang nagpagulat kay Gwen. Agad naman siyang napalingon, at nakatitigan niya ang pares ng nakakahipnotismong mga mata. Kung ganon kaganda ang pares ng mga mata nito, ganon rin kaganda ang ngiting iginawad nito. Gwen forgot her nervousness about being in a strange place. She also forgot her loneliness. "Ikaw ba si Ms. Gwen Lacsamana?" nag-aalinlangang tanong ulit nito. Sinuri naman niya ang kabuuan ng lalaking kaharap. Mula ulo hanggang paa, at nakita niyang mukhang mamahalin ang kasuotan nito. "Oo, ako nga si Ms. Lacsamana." "Russel Del Valle." nakipagkamay ito sa kanya. Oh my! Ito pala yong bestfriend ni Kenny at klasmet ng mapapangasawa niya simula pa nong high school. At ito rin ang may-ari ng hotel kung saan siya mamalagi ng ilang araw. Sabi ni Kenny libre daw ang accomodation niya dito dahil isa daw ito sa binigay na regalo ng kanyang bestfriend. Pero ang hindi lang niya inasahan na ganon pala ka attractive ang bestfriend ng mapapangasawa niya. "Know what? Ken didn't describe you very well." Ganern? Ang sabi lang naman ni Kenny sa kanya na mukha raw siyang anghel dahil sa maamo niyang mukha. Ano naman kaya ang nakita ng lalaking ito sa kanya? Napansin niyang hindi pa pala siya binitawan ng lalaki mula sa pakikipagkamay nito at humirit pa itong halikan ang kamay niya. Halos tumindig naman ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa ginawa ng lalaki. Gusto na sana niyang bawiin ang kanyang kamay ngunit nagsalita ulit ito. "Ken never said you were so pretty." Eh hindi rin naman sinabi ni Kenny sakin na makalaglag t-back pala ang bestfriend nito. "Masaya akong nakilala ka, Gwen. Nasaan na ba ang luggage mo?" Pretty huh? Eh ikaw nga itong mukhang artista sa hollywood. Panandalian namang natulala si Gwen, na starstruck kasi siya sa lalaking kaharap. At doon pa lamang siya bumalik sa kanyang presensya nang ibigay sa kanya ng hotel staff ang luggage niya. Of course Russel Del Valle must be good looking and charming. He had a hotel and resort to run and his job required flattering the guests. "Heto na pala ang luggage ko." aniya pa at saka binawi na niya ang kamay. "S-sige, mag che-check in na ako. Nice meeting you." Napalingon-lingon naman siya sa paligid. "Alam mo, ito pa ang unang pagkakataon na hindi ko kasama magbakasyon ang parents ko." Russel c****d his head and gave her a curious look. She mentally replayed her words. What a silly thing to say. "I prefer big pictures to details myself." sabi ni Russel saka hinawakan ang siko niya at iginiya siya sa front desk. "Siya si Ms. Gwen Lacsamana, sweetie, bigyan mo siya ng first-class na suite." anito sa front desk. The young woman, whose name tag read Rosela, rolled here eyes and gave Russel an admonishing smile. May pagka hokage yata itong boss nila, may pa 'sweetie-sweetie' pa kasing nalalaman sa mga empleyado nito. Matapos e-encode ng front desk ang pangalan ni Gwen, bumati rin ito sa kanya sa wakas. "Welcome to D Valle Hotel and Resort, Ms. Lacsamana. All of us are looking forward to your wedding." tas binigyan na siya nito ng keycard, brochure ng hotel at isang folder. "Mom made the arrangement for your wedding. It's all in the folder. I'm sure she'll want to speak to you as soon as you're settled." "Mom?" tanong ni Gwen kay Russel. Nginisihan nito si Rosela at pa cute-cute naman na ngiti ang iginanti sa kanya ng dalagita. "Tsk, tsk, sweetie, you have to remember your professionalism." sabi nito sa babaeng front desk na parang kilig na kilig sa amo nito. "Pasensya na Gwen, trainee pa kasi namin siya." "Tumabi ka nga diyan, Rosela." singit nong isang babaeng kararating lang. "Russ darling, get lost. Don't pay any attention to him, Ms. Lacsamana. Palakero kasi itong anak ko at isip bata naman itong anak ko na si Rosela." "Mom!" saway ni Russel sa ina. Ever since Kenny had insisted that they hold their wedding and honeymoon at D Valle Hotel and Resort, Gwen had spoken many times to his Mom Alicia Del Valle, na akala pa naman niya na asawa ni Russel. Ang bata kasi ng boses nito kung pakikinggan sa kabilang linya. Now she realized she had misinterpreted the relationships. Russel and Rosela were siblings and Alicia was their mother. Nahiya tuloy siya sa sarili niya sa mga ina-assume niya. Hindi rin kasi ito nabanggit man lang ni Kenny sa kanya. Inabot na sa kanya ni Rosela ang isang card na pipirmahan niya. Bigla namang naalala niya ang payo sa kanya ng ama. "You deserve a pre-wedding vacation darling, para na rin makapag-isip ka. Ako at ang mom mo will be busy the entire week kaya hindi ka talaga namin masasamahan. Just have fun. Play your favorite sports. Soak in the hot spring. Because I want you to relaxed before your wedding." "Is there something wrong, Ms. Lacsamana?" tanong sa kanya ni Rosela. "Maayos lang po ba ang pagka spell ng pangalan niyo?" Gwen swallowed hard and signed the registration card. Russel picked up the keycard and nodded as he read the room number. "The view will make you think you've died and gone to heaven, Gwen. Halikana ipakita ko na sayo ang suite mo." Pinanlakihan naman ni Rosela ng mga mata ang kapatid nito. "Si Stephen na ang maghahatid kay Ms. Lacsamana sa room nito. Don't you have something to do, kuya?" Napatigil naman si Russel na parang nag-iisip at napapailing ito. "Nope. Only thing on my agenda this week is showing Gwen a good time." "You better watch out for the General, kuya." sagot naman ng kapatid nito. Na intriga naman si Gwen kung sino ang tinutukoy na General ni Rosela. "Sino si General?" "Makikilala mo rin siya. He's my dad." "Ang tawag niyo sa kanya ay General?" "Lahat naman kami ay tumatawag sa kanya ng General." tas napangisi ito sa kanya. "He even calls himself the General. Sa tuwing manalamin kasi ito, he salutes himself." She supposed every family had its eccentrics. Maliban nalang siguro sa pamilya niya, of course; her parents had been the epitome of social grace and exemplary decorum. Eccentricity had never been tolerated in her home. Sa wakas napahinto rin sila sa Room 308, at sa wakas bumitiw na rin si Russel sa pagkakahawak nito sa kamay niya. His release relieved her. Nakakakuryente kasi ang simpleng paghawak nito. "Napaka close family ties naman ninyo, imagine pamilya kayong nagtatrabaho dito sa Hotel and Resort niyo." Humahanga naman siya sa magandang disenyo ng Hotel. Pinagbuksan naman siya ng pintuan ni Russel papasok sa kwarto niya. "Hindi naman ako may-ari sa Hotel na to, ang parents ko lang. I only visit here when I get nostalgic for some abuse from Mom and the girls. May mga kapatid ka rin ba?" Napapailing naman si Gwen. "Ah ok. Kami pala ay apat na magkakapatid, ako ang pangatlo at nag-iisang anak na lalaki sa pamilya. Si Rosela ang bunso namin, nag-aaral pa siya sa college. Tumutulong lang siya dito sa hotel dahil summer naman. Makikilala mo rin ang dalawa ko pang kapatid na babae. Si Rihana ang panganay namin. Si Rhea naman ang pangalawa. Magaling na tennis player yon." Nang tuloyan nang makapasok si Gwen sa kanyang hotel suite, namangha naman siya sa ganda nito. "Ta-da! Welcome to D Valle Hotel luxury suite." masiglang pagbati ng binata sa kanya. At totoo nga ang sinabi ni Russel, hindi nga ito exaggerated sa sinabi nitong view. Natatanaw niya kasi mula sa bintana ng kanyang suite ang mala-berdeng bulubundokin sa labas. Ang ganda talaga pagmasdan ang mala-berdeng kalikasan. Ang cool sa mga mata, and so relaxing. "Alam mo bang may kwento ang kwarto na ito?" biglang sambit ni Russel. "Ano naman yon?" tinanong pa rin ni Gwen kahit hindi naman siya masyadong interesado. "Sa mismong kwarto na to, may namatay kasi na isang lalaki. He was shot eight times and left for dead. He died right there." at tinuro ni Russel ang kama. Gwen took a few steps closer to bed, habang nanginginig naman ang buong kalamnan niya sa sinabi ng binata. "D-dito siya namatay?" "Hindi noh, ibang kama yon. Syempre, pinalitan na yan ng bagong kama. Pero patuloy pa rin daw na nagpaparamdam ang lalaki sa kwartong ito." Nanlaki naman ang mga mata ni Gwen. "May multo dito? So ibig sabihin haunted ang room na ito?" Napahalakhak naman ng tawa si Russel. Linipat-lipat niya ang tingin sa kama at sa tumatawang binata. Nagbibiro lang ba ito? Kung hindi lang talaga ito gwapo, eh di kanina pa niyang pinagsusuntok ang pagmumukha nito. "Hindi ka nakakatawa, Mr. Del Valle." "Warm up lang naman yon, Ms. Lacsamana. Tawagin mo nalang akong Russ, masyado kasing mataas pag apelyido ko ang binabanggit mo." "May gana ka ring biruin ako ng tungkol sa mga multo, ano?" "Sinubokan ko lang kung matatakotin ka." May punto rin naman ito. Mag-isa lang siya ngayong nagbabakasyon sa estrangherong lugar, kaya dito masusubokan ang kanyang tapang. Hindi nalang niya namalayan na napangiti na rin siya. "The resort has history, pero hindi yong sinabi ko sayo, huh? Artista talaga ang orihinal na nagmamay-ari nito, nabili lang namin ito sa kanya." "Artista ang nagmamay-ari nito? Sinong artista?" His smiled dazzled her. "Mahilig ka pala sa artista." Namula siya. May ilang local celebrity rin kasi siyang hinahangaan. "Mga anak na niya ang nagbenta nito kay General, namatay na kasi ang tinutukoy ko sayong artista. Ayaw namang pamahalaan ito ng mga anak niya, kaya binenta nila ito." Russel moved across the room, at nagpaikot-ikot lang naman ito sa bed. Pinagmasdan lang niya ito at sinuri. Hmm..matangkad ito, may magandang pangangatawan na parang alaga ng gym. Bumakat rin kasi ang muscle nito sa suot niya. Fafalicious talaga kung maituturing. At higit sa lahat mas bata ito tingnan kaysa kay Kenny. Hinawakan naman niya ang kanyang engagement ring, bilang paalala na ikakasal na siya sa lalaking mahal niya. "In case you get bored here. Manood ka nalang ng TV, but I don't intend to let you bored for a minute." sabi nito tas iginiya siya nito sa isang mini-bar. Ipinakita rin nito ang loob ng banyo. Sa totoo lang, his good humor put her at ease. Kaya sinabi niya kay Russel na nagustohan talaga niya ang kasalukuyang kwarto na ookupahin niya. "Good. Stephen will be here in a minute with your luggage. Magbihis ka muna tas sabay na tayong mananghalian. Para ma e-tour na rin kita pagkatapos." Tama, kailangan nga niyang magbihis. Masyado kasing pormal ang suot niya, bagay yata dito ang sundress. "All right." "Okay, hihintayin nalang kita sa baba, Gwen." She nodded slowly and pressed a hand between her breasts. Ang lakas ng pintig ng puso niya nang tuloyan ng tumalikod sa kanya ang binata. Hinawakan niya ulit ang kanyang singsing bilang paalala sa napipinto niyang pag-iisang dibdib sa lalaking mahal niya. Na gi-guilty tuloy siya. Russel Del Valle had definitely been flirting. Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang bag dahil naisip niyang tawagan si Kenny. She must tell him that the resort vacation was a mistake. At ayaw na rin niya na dito sa Hotel gaganapin ang pag-iisang dibdib nila. Pakiusapan nalang siguro niya ang mapapangasawa na sa ibang lugar nalang. As she lifted the phone, she realized how silly she would sound. Surely Russel wouldn't betray his best friend by flirting with his fiancee. Hindi rin naman niya ipagpalit si Kenny kahit kanino man. Mahal na mahal kasi niya ang lalaki noon pa. Kaya nga kasal ang ginarantiya niya upang tuloyan ng mapasakanya si Kenny. Ipinasok niyang muli ang cell phone sa kanyang bag, at tumayo siya sa may bintana para pagmasdan ang nakapagandang tanawin sa labas. She really loved mountains. Kaya sakto na ring sa lugar na to siya nagbabakasyon. Napatawa na lamang siya sa sarili. All her life she'd been warned about men like Russel Del Valle. Too handsome, too charming, and far too interested in her money. "Sa pag-ibig, gamitin mo ang utak mo hindi ang puso mo." palaging paalala sa kanya ng ama. "Emotion causes nothing but trouble. Logic and reason are the criteria for a successful life." dagdag pa ng ama. Pero para sa kanya, Kenny Andales was the logical choice for her husband: he was a successful businessman. He had good manners, impeccable breeding and courage. Aprobado ito ng ina niya, pero hindi sa ama niya. Hindi niya alam kung bakit may pag-aalinlangan ang kanyang dad kay Kenny. Marahil ang gusto kasi nitong mapangasawa niya ay ang anak raw ng kababata nito na kainlaman hindi pa niya nakita. Mayaman daw ang angkan ng pamilya nito dahil nag mamay-ari ito ng mga hotel chains and Resort. Pero kung ang pag-uugali naman ay pareho kay Russel Del Valle na mukhang palakero at flirty ay huwag na lamang. Mas pipiliin pa rin niyang pakasalan si Kenny. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD