"Mommy, secret marriage lang naman ang kasal namin ni Kyle. Pero bakit kailangan pang magsuot ng bonggang gown?" Nagdadabog na tanong ni Mira sa mommy niya habang abala sa paghahanap ng gown na maisusuot ng kanyang unica hija. "Kailangan pa rin anak. Believe me, naintindihan kita. Ganyan na ganyan din ako nang unang ikasal kami ng daddy ninyo. Pero pinaghandaan pa rin ng daddy mo ang kasal namin. Kahit masama ang loob ko noon sa kanya at least maganda ako habang naglalakad papuntang altar." Sagot ng mommy ni Mira sa kanyang anak habang nakasimangot itong nakaupo sa loob ng boutique. Punong abala ang mommy niya pati na rin ng mommy ni Kyle dahil sa biglaang pagbabago ng petsa ng kanilang kasal. Hindi pa nito natatapos ang ginagawang gown para sa anak. "Anak, please mag-cooperate ka naman.

