Matapos halikan ni Kyle si Mira ay inihatid na rin niya ito pauwi. Sa buong durasyon ng kanilang b'yahe pauwi'y hindi na nag-usap pa ang dalawa. Hindi na rin nagsalita si Mira o sagutin man lang ang pagtatapat sa kanya ng pag-ibig ni Kyle. Nakauwi na nga ito't dumaan ang magdamag ay hindi mawaglit sa isipan ni Mira ang pangyayaring iyon. Ramdam niya kung gaano ka sinsero si Kyle habang sinasambit ang mga katagang iyon. Bumilis din ang t***k ng kanyang puso at nakaramdam ng saya. Ayaw man aminin ni Mira ang pagbabagong ito sa kanyang nararamdaman kay Kyle ay may hinala na rin ito kung ano ang kanyang nadarama. Saktong Christmas vacation kaya wala nang pasok si Mira. Ang buong akala nito'y sa rest house sila pupunta gaya ng nakasanayan nila taon-taon. Pero heto siya't ikakasal ng hindi man

