Chapter 4

1704 Words
Hindi na mawala sa isipan ni Kyle ang halik na pinagsaluhan nila ng kanyang soon to be bride na si Arriane. Hanggang kinabukasan na kasama nito ang kaibigan habang naglu-lunch meeting sila. "Dude nakikinig ka ba?" Turan sa kanya ng kaibigan nitong si Hubert. "Sorry, what are you saying?" Hinging paumanhin nito sa kaibigan. "Dude, you're crazy in love again." Komento pa sa kanya ng kaibigan na pinabulaanan naman nito kaagad. "Hell no! And to whom? Sa brat kong bride? Never in my imagination na ma-in love sa immature at brat na Mira na iyon." Depensa nito kaagad sa kaibigan. Napapa-iling lang ang kaibigan nito dahil wala naman siyang binanggit na pangalan at kung sino ito. Pero hindi na inusisa pa ni Hubert ang kaibigan at tumango na lamang ito bilang sang-ayon. "Okay, I get it, but then, what makes you smile? Kanina ka pa kasi tumatawa na mag-isa, kahit Business Proposal ang pinag-uusapan natin." Kanina pa kasi nag-eexplain si Hubert sa bubuksan nilang negosyo kung saan silang dalawa ang magiging may-ari. "Nothing, may nangyari lang kagabi na sobrang nakakatawa, kaya hanggang ngayon naiisip ko pa rin." Dahilan nito. Pero duda ang kaibigan sa sinabi niya dahil namumula kasi ang mukha nito kaya parang sa palagay niya'y babae ang nasa isip nito at alam niya kung sino. "Care to share?" pang-uusisa pa ni Hubert kay Kyle. "It's nothing dude, where are we?" Iniba na lamang ni Kyle ang usapan nila ng kaibigan, dahil alam niyang hindi siya basta titigilan nito. Samantala, sa kabilang banda, nang gabing iyon mula nang maihatid ni Kyle si Mira sa bahay nila ay hindi na rin nawala ang inis nito sa sarili. Sinisisi kasi nito ang sarili kung bakit siya pumikit at hinayaang halikan siya ni Boyet at ang mas malala pa ay nagustuhan niya ang ginawa ng binata sa kanya. Kaya nang gabing iyon ay hindi siya nakatulog ng mahimbing. Kaya naman nang magising ito kinabukasan ay nangingitim na mata ang tumambad sa kanya nang makita ang sarili sa salamin. "No, this can't be, mommy!" Halos magtitili na lumabas si Mira mula sa kanyang k'warto upang tawagin lamang ang kanyang mga magulang. Nabulabog lahat ang mga kapatid niya dahil sa palahaw niyang iyon. Akala kasi nila ay kung ano nang nangyari. "What happened Mira?" Tanong ng kuya Adam nito na nakabihis na ng pang-ibaba at halatang bagong ligo. Gayon din si Gab na naka-boxer lang na lumabas. "Ano ba 'yon ate Mira? Ang aga-aga." Nakukunsuming tanong sa kanya ni Gab at gayon din ang kambal. Magkakatabi lang kasi ang mga k'warto nila. May nangyari kasi noon kay Mira kaya kabilin-bilinan sa kanila ng mommy at daddy nila na palaging bantayan ang nag iisang babae nila na si Mira. Kaya kahit mas matanda sa kanila si Mira'y labis nila itong pinahahalagaan. Lalo na kapag sumigaw na ito'y nabubulabog na silang lahat. "Nasaan si mommy at daddy?" Hysterical na tanong nito sa mga kapatid. Sanay na siyang makita ang katawan ng mga kapatid nito kaya bale-wala na lang sa kanya ang katawan ng sinong lalake. Gayon rin ng daddy nila na kahit may edad na ay maganda pa rin ang pangangatawan. "Ano ba naman Mira? I'm sure pimple na naman ang irereklamo mo kay mommy." Napapakamot sa ulo na turan ni Gab sa ate niya. Minsan niya lang tawagin ito ng ate dahil para kay Gab parang mas matanda pa siya mag-isip kay Mira lalo pa at matangkad din ito. Napapakamot na bumalik sa sariling k'warto ang kambal bago nagkumento sa ate nila. "Don't worry ate your still a goddess, kahit malaki at nangingitim ang eye bags mo." Turan ng dalawa sa kanya at bumalik sa k'warto ang mga ito upang ipagpatuloy ang pagtulog. Gayon din ang kuya Adam nito na napapailing lang na pumasok sa k'warto. "Oh, my G, ano ang gagawin ko? mommy!" Tinalikuran ni Mira si Gab upang hanapin ang mga magulang nito. Na naroon lang pala sa veranda na sweet na sweet na nagkakape. "Mom, Dad narito lang po pala kayo." Lumapit ito sa daddy niya at kumandong dito, nakasanayan na niya itong gawin simula pagkabata. Lagi kasi siyang bini-baby ng daddy Art niya. "What's wrong Princess." Tanong ni daddy Art sa anak nitong si Mira na akala mo bata. "Dad, look, ang pangit kuna, ngayon lang ako nagka-eyebags ng ganito and because of that jerk..." Hindi nito natuloy ang sasabihin dahil alangan naman na sabihin nito ang dahilan kung bakit siya nagkaroon nito. "Who's jerk anak? si Kyle ba? O my gosh Mister, baka magkaka apo na tayo." Exaggerated na turan ng mommy nito sa asawang si Arturo. "Heller, mom, Ew, si Kyle? yak!" Diring-diri na sabi nito. Bigla siyang may naalala kaya tumayo si Mira sa harap ng mga magulang niya. "Dad, nasaan po ang cellphone ninyo?" Nagtataka naman si Arturo pero mukhang may ideya na siya, kaya lang ayaw niyang pangunahan ang anak nito. "Heto, bakit anak? " Sabay abot ng daddy niya sa cellphone na nasa kanyang bulsa. Kinalikot ito ni Mira kaya hindi niya nakita na pasimpling nagtinginan ang mga magulang nito. Alam na kasi nila ang tinutukoy ng kanilang anak. "Here, dad at mommy, see this?" sabay turo nito sa lalaking may kahalikang babae. "Who's this guy?" "Dad, si Kyle po 'yan. I went to the bar yesterday with Callie, and guess who was there? It's Kyle flirting and making out with a girl, dad." Nakapamewang na sumbong ni Mira sa kanyang mga magulang. Pero tila nagtataka siya bakit wala silang reaksyon. "Mom, gusto n'yo pa po ba ako ipakasal sa Kyle na iyon? ngayon pa nga lang nagluluko na siya mom, dad?" Naiiyak na sabi ni Mira. Nagpakawala ng buntong hininga si mommy Nicole niya at may sinenyas sa daddy nito. Kinalikot naman agad ni daddy Art ang cellphone at maya-maya'y may ipinakita din ito sa kanya. Nakasimangot naman itong kinuha ni Mira at pinindot ang play button. Nanlalaking mata naman itong pinanood ni Mira ang video. Ito 'yong oras na nagsasayaw siya ng Twirk it like Miley habang may lalaking nakadikit sa kanyang likuran. "Paanong...? Ahhh, that Mr. Epal. I can't believe this, yari siya sa akin nakakainis." Nagdadabog na sabi ni Mira nang umalis sa tapat ng mga magulang niya. Natatawa naman ang mommy at daddy nito sa anak nila. Hindi na lamang nila pinansin at pinagpatuloy ang pagkakape. Matapos mag walk-out si Mira ay dali-dali naman niyang tinawagan si Kyle na ka meeting pa rin si Hubert ng mga oras na iyon. Nag-ring ang phone ni Kyle at alam na nito kung sino ito dahil may naka-set na ibang ringtone sa cellphone nito na tanging sa bride to be lang niya. Kaya kahit busy ito sa kanyang ginagawa ay hangga't maari ay tinitigil ito ni Kyle upang sagutin lamang. Alam niya kasi na puros reklamo lang ang madidinig nito sa kanya. Hindi rin maintindihan ni Kyle kung bakit siya natutuwa sa tuwing ini-inis niya si Mira. "Yes, my brat..." hindi pa man natapos ni Kyle ang nais sanang sabihin kay Mira nang mailayo nito sa tenga ang kanyang cellphone. Para kasing katabi niya lang si Mira dahil sa lakas ng sigaw nito sa kanya. conversation Mira: Hoy Mr. Epal ang kapal ng mukha na ipakita sa mommy at daddy ko ang video ng pagsasayaw ko. E, ikaw nga ito may kahalikan. Kyle: No, mali ka ng iniisip, hindi ako ang unang humalik. That girl makes the first move. Mira: I don't care, gagawa ako ng paraan para ma-realized ni mommy at daaddy na hindi dapat tayo ikasal. Sasagot pa sana si Kyle ng binabaan na siya ni Mira ng telepono. Hindi nakaramdam ng inis si Kyle sa sinabi ni Mira sa kanya, bagkus sumaya pa ang puso niya. "Dude, may meeting pa ako with some clients, please focus." Napapailing na komento ng kaibigan nitong si Hubert. Habang si Mira naman ng mga oras na iyon ay may isa pang malaking problema. Arriane's POV "That jerk, nakakainis siya." Sabi ko habang nakaharap sa salamin sa loob ng banyo. Paano na ako mapapansin ni Lloyd nito? Baka lalo niya akong hindi magustuhan pag nakita na nangingitim ang mata ko. I don't like pa naman to put too much makeup on my face. Because I believe that wearing makeup makes you uglier when you are naturally pretty, just like me. Sunday ngayon kaya kailangan kong magpa-facial, hindi para sa epal na 'yon kundi para sa sarili ko. So after one hour in the comfort room, tapos na rin ako. Well, actually mabilis na nga 'yon. Usually, I've spent two or one and a half hours sa loob ng banyo. Kung minsan nga kakatukin na lang ako ni mommy dahil akala nila napano na ako. Which is nakakatulog pala ako sa bathtub ng hindi ko namamalayan kaya mas lalo akong tumatagal. Pagbaba ko, naabutan ko si Gab at Ellah sa dining, nagkukulitan. Hay, it's very obvious na in love ang kapatid ko sa kababata niya. Kaya kapag inaasar niya ako, may panglaban na ako sa kanya ngayon. Tinatakot ko kasi siya na sasabihin ko kay Ellah ang totoo, poor Gab. Ano kaya ang p'wede kong gamitin pang blackmail sa Mr. Epal na 'yon para hindi matuloy ang kasal namin? "Bye guys, kanila Callie na ako kakain." Paalam ko sa mga kapatid ko. Hindi kuna inistorbo si mommy at daddy dahil pag ganoon sila kalambing sa umaga pa lang ay... nevermind na nga lang. So pumunta ako ng garage para sumakay sa paborito kong kotse, pero hindi ko ito makita. Nag-panic ako syempre, mahal kaya 'yon, special gift sa akin ni mommy at daddy last year. So I was about to call my siblings nang maalala ko ang nangyari kagabi. Gosh, bakit ko ba nakalimutan na naiwan pala sa bar ang kotse ko dahil sa kagagawan ni Kyle. So wala akong choice kundi tawagan na naman siya. "Hello!" I was about to say something pero inunahan na ako. "Alam ko na po, I'm on my way." Sabi lang nito at pinutol na ang linya. " Aba! Kapal ng mukha," binabaan ba naman ako ng telepono. And then after a couple of minutes may bumusina na nga sa labas, at tunog pa lang ng kotse niya nakakainis na, just like him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD