Arriane
Gulat na gulat ako sa ibinulong ni Kyle sa akin lalo na at idinikit niya sa puwetan ko ang may matigas na bagay na hindi keri ng braincells ko kong ano. Of course, I knew what it is dahil sa mga kapatid ko na minsan naka brief lang lalo na si Gabriel, kung minsan pa nga'y bigla na lamang niya ihahagis sa mukha ko ang brief niyang kakatanggal lang para lang asarin ako. Ayos lang sa akin iyon kahit banas ako sa ginagawa niya but not with Kyle na kinaiiinisan ko.
Siniko ko siya sa tiyan at sinipa ko rin ang birdi niyang kanina pa dumidikit sa butt ko. Kaya kahit malakas ang tugtog ay dinig ng lahat ang daing nito.
"Pervert!" Sigaw ko sa kanya at naghiyawan ang mga tao sa dance floor na nakarinig sa sinabi ko, while si Calli at Tomi naman ay napapailing na natatawa sa amin. Nilayasan ko siya kahit namilipit pa rin ito sa sakit dahil sa aking ginawa.
"Arri, bakit mo naman sinipa? Look hindi na siya makakilos." Naawang turo sa kanya ni Callie kaya nilingon ko siya at nakaupo na nga ito.
"Oh, my G, sissy, did I crack his eggs...Beh, buti nga kanya, eh ang manyak niya kaya." Taas kilay ko pang dahilan. Napapailing lang si Calli at inutusan ang boyfriend na si Tomi na tulungan ito.
"It's up to you, Tomi if you want to help him, but I need to go sissy, bye." Humalik lang ako kay Callie saka nagmamadaling lumabas at tinungo ang kotse ko.
"Your dead Arri, I'm sure gaganti si Mr.Epal sa 'yo." Kausap ko sa aking sarili. Kinabahan talaga ako, at nabigla lang naman. Pero hindi kuna kasalanan 'yon.
I inhaled and then Exhaled before I started my engine, pero hindi ko pa man napapatakbo ang kotse ko nang makita ko si Kyle sa harapan.
"Get out there you, brat." Gigil nitong utos sa akin, sabay kalampag ng kotse ko sa harap. Hindi ako maka alis kasi ayaw ko naman na sagasaan siya, baka makulong pa ako pag nagkataon. Hindi rin naman ako p'wede umatras dahil may kotse sa likod.
"Gosh, Arri, ano gagawin mo? " Sobrang kabado na ako kaya tinawagan ko agad si Callie, pero hindi ito sumasagot, siguro nasa dance floor pa sila.
"Lumabas ka diyan Mira." Sigaw pa nito sa labas.
"Manigas ka! Umalis ka d'yan, kung ayaw mong masagasaan kita." Pagtataray ko pang sabi sa kanya. Kahit hindi ako nito nadidinig.
Hindi siya umalis sa harapan, kaya wala akong paki, mapapagod din naman siya at aalis din. So, hinayaan ko na lamang ito hanggang sa ipinakita nito ang hawak na matulis na bagay na sa palagay ko ay Phillip screw. Then yumuko ito saglit matapos ay saka siya tumayo at umalis sa harapan ng kotse ko. At dahil alam ko naman kung ano ginawa niya, so galit na galit na naman akong lumabas at sinilip ang tire kung binutas niya.
"Ahhh! I hate you. Did you know that my tires can only be bought abroad?" Sigaw ko sa pagmumukha nito. But he pulled me closer and grabbed my waist before he whispered again in my ear.
"We feel the same way, so don't you worry. But may kasalanan ka sa akin kaya pagbayaran mo ang ginawa mo sa______" Hindi pa nito natatapos ang sasabihin nang nagsisigaw ako at pinaghahampas siya sa mukha at sa dibdib nito.
"Ahh, walang hiya ka manyak, manyak ahhh, help, please, help me." Naagaw namin ang atensyon ng iba kaya may dalawang lalaking lumapit sa amin, mukha silang lasing kaya kinabahan din ako.
"Yes, Miss, you need help?" Sabi nila at hahawakan sana ako pero hinila agad ako ni Kyle kaya hinayaan ko na lamang ito at nagtago sa likuran niya.
"H'wag kayo makialam mga Pare, she's my Fiancee at nagkatampuhan lang kami." Sabi ni Kyle sa kanila, kaya tumango-tango lang ako nang sinilip ako ng dalawa.
"Totoo ba 'yun Miss? "
"Yes po, pasensya na___
"Pero, paano ba 'yan, type kana namin kaya sa amin ka nalang sumama, and let's do threesome..." Sinapak agad siya ni Kyle pagkarinig niya ng sinabi nito. Pero nasuntok din siya ng isang kasamaan niya kaya nagsisigaw ako at tumakbo sa loob upang maghanap ng tulong. Sumama naman agad ang malalaking bouncer, pero pagdating namin ay bulagta na ang dalawa.
"Miss, akala ko ba pinagtutulungan ang boyfriend mo ng dalawa, eh bakit bulagta naman sila?" Tanong nila sa akin. Nagkipit balikat lang ako sa kawalan ng masasabi.
"Ayos na mga kuya kayang-kaya, kayo na lang po ang bahala sa kanila, at iuuwi kuna itong pasaway kong girlfriend." Sabi ni Kyle saka ito nagmadaling pumasok sa loob ng kotse kong naka andar pa din upang patayin ito, Kinuha din niya ang bag ko sa loob bago ini-lock ang kotse ko saka ako hinila palapit sa sasakyan niya.
Sumunod na lamang ako at hindi na nagreklamo pa ng inutusan akong pumasok sa loob.
"Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo Mira__
"It's Arriane and not____Mira," pahina nang pahina kong sabi ng matalim ako nitong tiningnan. Kaya napatitig din ako sa mukha nito saka ko napansin ang dugo sa gilid ng kanyang labi.
"I'm sorry Kyle..." Sabi ko nang hawakan ng aking kamay ang gilid ng labi nito. Saka ko napagtanto ang ginawa nang isang dangkal na lamang pala ang lapit ng mukha ni Kyle sa akin kaya sa kaba ko ay napasandal ako upang mapalayo sa kanya. Pero ang pasaway inilapit na naman ang mukha.
"Kyle, sasapakin kita..." hindi ko na natatapos ang sasabihin nang hinawakan ng dalawa niyang kamay ang aking mukha saka nito tuluyang idinampi ang labi. Nanlalaki ang aking mga mata at pilit na nagpupumiglas pero masyado siyang malakas.
I feel his soft lips outside my mouth. He bit it, so I immediately opened it, and then his tongue went in and kissed me harder.
Nagpatuloy siya sa paghalik at pasipsip ng labi ko hanggang sa maramdaman ko na napahiga na pala ako kung saan dumagan ang kalahating katawan nito. I felt strange, so I closed my eyes and let it go until I finally realized I was imitating what he was doing.
Ilang minuto ang lumipas hanggang sa tuluyan na niyang binitawan ang mga labi ko. Kaya naman pareho kaming naghahabol ng hininga bago siya magsalita.
"Arriane, sa susunod hindi ko na pakakawalan ang labi mong iyan. Bawat pagpapasaway mo ay may katumbas na halik. Naintindihan mo?"
"But?" isang mabilisang halik na naman ang ginawad nito saka muli nagsalita.
"Yes, lang ang sagot na gusto ko madinig Arriane, p'wera na lang kung gusto mo talaga ng mga halik ko, pagbibigyan kita___
"Oo na, nakakarami kana ahh." Sabi ko nalang saka ito itunulak. Kaya banas man ako'y hindi na lamang ako nagsalita dahil alam kung gagawin niya talaga ang sinabi nito.
Pina andar niya ang sasakyan at hinatid ako sa bahay. Sa buong durasyon ng b'yahe namin ay hindi na ako nagsalita pa hanggang makarating kami. Bababa na sana ako nang pigilan ako nito upang pagbuksan ako. Gentleman din pala ang Mr. Epal na ito.
"Thanks." sabi ko lang at tinalikuran siya.
"Good night, my bride; I hope you dream of my kisses."