Mira
"Are you out of your mind?! Anong klaseng pag-uusap ba ang gusto mo at kailangan dito pa penthouse mo?" Sabi ko sa kanya habang naka taas kilay ko itong hinarap. Gosh nakakainis talaga siya.
"Aalis na ako, pwede tayo mag usap sa bahay at hindi na kailangan dito." I frowned and then turned my back to him.
"Uuwi na ako, wala tayong dapat pag-usapan." Pagtataray ko pang sabi, saka tinungo ang pinto para maka labas na ako, but unfortunately. hindi ko ito mabuksan.
"Hey, open this door or else__
"Or else what? ___" Pang-aasar nitong ulit sa sinabi ko. Kaya nakapamewang ko siyang hinarap muli at nag-iisip ng maari kong sasabihin na magpapatalo sa kanya.
"Isusumbong kita kay Daddy at kay Tito Kean." Pero mali yata ako nang sinabi dahil tumawa ito nang tumawa nang pagkalakas-lakas na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.
"What's funny? Are you crazy, Mr. Epal?" He knows very well how to annoy me. Kaya sa inis ko, kinuha ko ang takong ko at ibinato sa kanya kung saan tinamaan siya sa noo.
"Ouch, did you throw your shoe at me?" Galit nitong tanong habang hawak ang sapatos ko at noo niya. Oh, my G, nagalit ko 'yata siya. What should I do?" Think Arri." Kausap ko sa aking sarili habang iniikot ang paningin sa kabuoan ng penthouse niya kung saan ako pwede magtago at tumakbo.
He stood up and walked towards me with a frown on his face. Kaya lumayo ako sa pinto nang palapit na ito sa akin.
"Have you forgotten what I told you earlier...that the next time you hit me, what will I do again?" My Gosh, baka tototohanin ang sinabi niya. Bakit ba hindi ko naisip na seryoso pala siya sa pagkakasabi niyon sa akin kanina. But of course, I am Arriane Mendez, the goddess, and no one can beat me except him. Gosh, you're in trouble Arri.
"Do you know what, miss brat? Who do you think ordered me to bring you here?... Of course, they called me to get you here." Sabi pa nito nang mas makalayo ako sa kanya. Nasa mesa na ako ngayon at nasa kabila naman siya. Para tuloy kaming bata na naglalaro.
"Who? Si daddy? Bakit ka naman niya uutusan na ikulong ako dito?...Liar!" Sabi ko habang hawak na ng isang kamay ko ang isang takong ko at handa nang ibato sa kanya sa oras na halikan niya akong muli.
"For Your information, miss brat, you are not my type, even if you undress in front of me. It's just like I'm seeing a child without clothes on. Have you considered yourself a woman? Small boobs, immature, and...
" And what? " Sumusobra na siya ah, ako bata? Oo hindi kalakihan ang dibdib ko pero para sabihan niya akong bata. Natahimik siya at hindi na tinuloy ang sinabi nito. Nakikita niya kasi ang inis sa aking mukha na para bang naiiyak na ako.
"I-I'm sorry, Mira, I didn't mean to offend you...
"But you already did, Kyle. What did I expect coming from you? Dapat masanay na ako sa pang mamaliit mo sa akin simula pa noong mga bata pa tayo. Pati ba namang ngayon Kyle? You hate me that much, don't you? P'wes patas lang tayo dahil kinasusuklaman kita, ang buong pagkatao mo at ikaw mismo. Makita nga lang kita kumukulo na ang dugo ko sa'yo. Hindi ko alam bakit naisip ni mommy at daddy na ipakasal ako sa kagaya mong arogante at mayabang." Pinunasan ko ang aking mga luha na hindi na mapigilan sa pagpatak.
"Mira, look, I'm sorry...
"Uuwi na ako at gusto kong buksan mo ang pinto." Mariin kong utos sa kanya. Kaya naman kinuha ang susi nito sa bulsa at pinindot saka ko nadinig ang tunog nito hudyat na nabuksan na, saka ako mabilis na lumabas.
Dire-diretso akong bumaba at walang pakialam kahit na naka paa lang akong lumabas sa main entrance kung saan may mga taxi na naka abang.
Nagulat ang mga kapatid ko pagkakita sa akin na walang sapin sa paa. Pero wala akong nadinig sa kanila. Alam kasi nila na galit ako pag hindi sila binabati.
Nagkulong ako sa kwarto at umiyak sa inis at galit na nararamdaman ko sa kanya. Kailangan kong makaisip ng paraan para hindi matuloy ang kasal namin at kailangan magawa ko ito sa lalong madaling panahon.
So I decided to call Callie and tell her everything that happened between Kyle and me. At sabi niya kailangan daw namin mag relax, kaya inaya niya akong magkita kami sa bar na lagi naming pinupuntahan. Wala naman pasok bukas kaya bakit hindi. Naligo ako at nagpaganda ng bongga. Nagsuot ng sexy na damit pero may suot akong manipis na blazer para hindi makita nila mommy at daddy pati ng mga kapatid ko ang likod ko. Pagbaba ko tamang-tama dinner na. Ang kambal at si Arries lang ang nandito sa hapag kasama si mommy at daddy.
"So, how was your date with Kyle?" Tanong ni mom nang makalapit ako sa mesa. Kaya imbes na sabihin ko ang nakakainis na ginawa ni Kyle. Sa halip nakaisip ako ng paraan para payagan nila akong umalis without curfew.
"Ayos lang, infact aalis po kami ngayon, so Mom, Dad, I have to go, bye. " Hindi ko na hinayaan pa silang sumagot at humalik na lamang sa kanila at kumaway lang sa mga kapatid ko saka nagmamadaling lumabas.
Nag-drive ako papunta sa bar kung saan kami magkikita ni Callie. Sakto 7:20 Pm na nang marating ko ang lugar.
"Sissy kararating ko lang, nasaan ka?"
"Nandito na, hintayin ka namin dito." Sagot nito saka ibinaba ang tawag.
"Namin?" Tsk, kasama na naman ang boyfriend niya, at ako wala.
Pagkapasok ko'y hinanap agad ng mata ko si Callie at sakto nakita ko silang naghahalikan ni Tomi ang boyfriend niya since first year college kami.
"Hi guys I'm here, maawa naman kayo sa single." Pagpapatigil ko sa ginagawa nila kaya natigil naman ang mga ito.
"Sissy, you're so gorgeous." Medyo lasing na sigaw ni Callie. Umupo ako sa tabi niya saka tinanong si Tomi na napapailing,
"Toms, kanina pa ba kayo dito?" Masyadong malakas ang music kaya kailangan kong sumigaw.
"Yeah, since you called earlier." Sagot nito.
"Bakit mo siya hinayaan na uminom at malasing?" Tanong ko pa pero si Callie ang siyang sumagot.
"Hey, sissy, I am not drunk, dahil malinaw kong nakikita si Kyle, ayon oh." Sabay turo ng nguso nito kaya napatingin ako sa direksyon nito at totoo nga, saktong nagkasalubong din ang aming mata mata.
"So what? It's up to him to look for a woman, and so am I."
"Ha, ha, yeah right look at him." Turo naman ni Tomi kay Mr. Epal. Kaya napatingin din ako at ew, may kahalikan din siyang ibang babae. Kaya nakaisip ako ng paraan, malay mo umobra.
"I have an idea." Kinuha ko ang cellphone ko sa maliit na bag na dala ko saka pa simpli siyang kinuhanan ng picture.
"Perfect, I'll make sure dad and mom see this." Kinalikot ko agad ang phone ko at ini-send ko ito sa email ni daddy para safe kahit ma-hack niya pa ang phone ko. Sumaya ako pagka-send ko ng email at pa indak-indak sa sunod na tugtog.
"Hmm, I know what you did, kayo talagang mga girls." Napapa iling na komento ni Tomi kaya sabay kaming nagtawanan ni Callie saka siya inaya sa dance floor. Ang ganda kasi ng tugtog mapapa twirk ka talaga.
"Sissy, let's dance. Toms kami muna ha." Tinaggal ko muna ang blazer na nakaharang sa sexy kung likod saka hinila si Callie na ganoon din ang ginawa. Umakyat kami sa may mataas na dance floor saka sabay kaming nag twirk na ala twirk it like Miley. Naka dress akong maiksi at backless ito kaya kita ang hubog ng aking butt. 'Yan talaga ang asset ko sa katawan kahit maliit ang boobs ko ay malaki naman ang p'wet ko. Game na game lang si Tomi na lumapit sa amin at sumayaw din sa likod ni Callie. Kaya ang saya-saya namin kahit wala akong partner ay ayos lang. Hanggang sa maramdaman ko ang katawan ng isang guy sa aking likuran. Hindi ko ito tiningnan at hinayaan lang siyang hawakan ako sa baywang. Basta hindi niya lang ako hahawakan sa maseselan kong katawan ay ayos na sa akin 'yon. Enjoy na enjoy akong sumasayaw pero napansin kong umalis sa aking tabi sila Callie at Tomi kaya napapa indak pa rin akong nakatingin sa kanila. May sinasabi sila at sinesenyas pero hindi ko ito maintindihan kaya hinayaan ko lang sila at nagpatuloy sa pagsasayaw, Pero pansin kong ako na lamang ang nandito sa dance floor at lahat sila nagsilayuan na rin at panaka-naka ang tingin sa likod ko. Kaya tiningnan ko kung anong meron ba sa likod ko at mukha ni Mr. Epal ang nakita ko. Nanlilisik ang kanyang mga mata pero maya-maya'y bigla nitong ipinulupot ang braso sa aking baywang at inilapit ang labi sa akin at bumulong.
"I made a mistake in what I said earlier because tonight you look fabulous and hot, Arriane."