Chapter 1

1387 Words
MIRA Bata pa lang ako'y sanay na akong nakukuha ang lahat ng gusto ko. Lalo na kay Daddy, dahil nag-iisa niya akong Prinsesa. Wala naman problema sa mga kapatid ko lalo na kay kuya Adam dahil siya naman ang baby ni mommy. Pero bilang isang nag-iisang anak na babae kaya palagi akong kasa-kasama ni mommy lalo na pag natatrabaho siya sa A&A. And just like her, I also liked drawings and sketching like she used to do since I was a kid. That is why I took up fine arts and soon became a fashion designer like her. Masaya ako habang lumalaki na maraming natututunan kay mommy. Kaya lang ang isa sa ayaw ko simula nang bata ako ay ang pagkikita-kita ng mga anak nilang magkakaibigan. Since mas nauna daw makapag asawa si Tito Kean kaya mas matanda sa amin ni Kuya Adam ang mga anak nila. Si Ate Keanna na mas bata lang ng ilang taon kay Mr. Epal at si Kyle Boyeth na panganay. Wala pa noon si Carl at mga anak ni Tita Trice at Tito Enzo kaya sila lang palagi ni Tita Catherine ang magkasama noon pa. At kasama din niya ang masungit na ubod ng epal na si Kyle. Palagi kasi siya pabida, kesyo matalino siya sa lahat lalo sa Math subject at ako ay hindi. Kaya noon pa man palagi na lang ako pinapaturuan ni mommy sa kanya hanggang mag highschool ako. Noon pa man, mapang asar na si Kyle. Well, wala naman siya masamang sinasabi pero naiinis ako kapag pinapamukha nito na matalino siya at ako'y hindi, ganda lang daw ang meron ako. Oo matalino talaga siya, kaya nga hanggang pag high school ko ay tinuturuan pa din niya ako. At kasama sa pagtuturo din niya ang pakiki-alam sa buhay ko. I remembered, may nagbigay sa akin noon ng love letter mula sa guy classmate ko. Second-year high school ako at that time, and he was in first-year college, I think. Syempre sumagot ako, so I also wrote a love letter, and you know what he did. Kyle took it from me, and then he read it out loud in front of our parents with a mix of teasing because he said I had written the wrong spelling. Alam ko nagbibiro lang siya kaya lang mula noon nainis na ako sa kanya na dala-dala ko hanggang ngayon. At hindi lang diyan natatapos ang inis ko sa kanya. Paano ba naman kasi kung maka asta siya akala mo kuya ko. Aba mas mahigpit pa siya kay Kuya Adam. Tinataboy niya lahat ng manliligaw ko. Kaya siguro wala nang nanligaw sa akin mula noon dahil siguro sa takot sa kanya. Kaya ngayon nga na nasa 4th year college na ako'y hanggang ngayon wala pa akong naging boyfriend and that's because of him. "What the...aaah. I hate him to the highest level, Callie." Isang buwan na ang lumipas mula nang malaman at ibalita sa amin ng aming mga magulang na ikakasal nga daw kami at hindi ko pa alam kung kailan. Sana huwag nang mangyari. "Sissy, na hacked na naman ba ng groom to be mo?" Napapailing na tanong ni Callie, ang kaibigan ko since high school. "Ano pa nga ba. Nakakainis na talaga siya Callie, bakit ba halos lahat na lang ng account ko pinakiki-alaman niya?" Yes, palagi niyang na ha-hack ang social media account ko simula pa noon at mas nadagdagan ito ngayon na alam niyang Fiancee na niya ako. "Sissy, don't you get it?... Simple because he's been in love with you since then." "That's not true; he's just pleased to annoy me." Napapa-iling kong sabi sabay itinago na lamang ang cellphone ko at gagawa na naman ng panibago. "I have to make a new one at sisiguraduhin ko na hindi na mabuksan nang Mr. Epal na 'yon." "Sissy, gusto ka lang niya kaya siya ganyan sa'yo, because he's jealous. Ayaw niya na may ibang lalakeng umaaligid sa'yo bukod sa mga kapatid mo." Paliwanag niya pa habang kumakain ng paborito namin na chips. "Callie, impossible. at kung totoo man 'yan, pwes wala akong gusto sa kanya at hinding-hindi____ "Who told you na may gusto ako sa'yo?" Natigil ako nang lingunin ang boses ng taong nakakainis kong pakinggan. "Uh, oh! I have to go, sissy bye, lovers." Paalam ng kaibigan ko bago kami iniwan na dalawa. "Hey, sama ako sa'yo." Aalis na sana ako nang hawakan ni Mr. Epal ang sling bag ko kaya nagkalat ang laman nito dahil sa pagkakahulog. "Look what you've done? Gosh." Nakakainis, umupo ako at isa-isang pinulot ang laman nito. Umupo rin naman siya upang tulungan ako pero may kasamang pang iinis naman. "Tsk, make-up. Kapag nakasal tayo, bawal kana maglagay ng kolorete sa mukha." He said seriously. Napatitig tuloy ako sa kanya. "Because you look prettier without putting anything on your face." Dugtong pa nitong sabi. Seryoso ba siya? Hindi ko tuloy mawala ang tingin sa kanya. Hindi naman siya nakatingin sa akin kaya nang lingunin ako nito'y mabilis akong tumayo at nagkunyaring walang paki. "Let's go, may kailangan tayong puntahan." Wala na naman akong magawa kung hindi ako susunod. Kaya pinakuha na lang niya sa driver ang kotse ko para maiuwi ito sa bahay. Habang nasa daan ay tahimik lamang ako at gano'n din siya. Hindi na rin naman ako nagtanong kung saan kami pupunta. "Bakit natahimik ka yata? Hindi mo ba itatanong kung saan kita dadalhin? " Tanong niya. "Bakit paalisin mo ba ako kung hindi ako sasama? " Sarkastiko kong sagot. "Nope!" Nakita mo magtatanong pa siya. Alam naman niya na hindi ako basta makaka alis, tatanongin pa ako. Pumasok ang sasakyan niya Zhotel, ang hotel na pag-aari nila. Siya na ngayon ang nag-mamanaged. Huminto ang sasakyan niya sa basement at infairness pinagbuksan naman niya ako ng pinto. "After you, my bratty bride." Hindi ko na pinansin ang pang-aasar nito sa akin dahil bumaba na nga ako, kung saan nagulat pa ako sa paghawak nito ng aking kamay habang papasok sa loob. "Let go of my hand." Inis kong bulong sa kanya, saka pino itong kinurot sa tagiliran. "Ouch! But still, I'm not going to let go of your hand, magpanggap ka naman ng sweet sa akin, ayaw ko mapahiya sa mga staff ko." Bulong nito sabay halik nito sa aking pisngi kaya bigla kong nabitawan ang tagiliran niya at napangiti na lang sa mga staff ng hotel na bumati sa amin. "Wow, ang sweet n'yo naman po Sir Kyle at Miss Arriane." Bati ng isa sa mga receptionist sa amin. "Of course, my bride was lovely and loving; kaya nga siya ang papakasalan ko." Sabi nito sa mga empleyado niya na halatang kilig na kilig. Naka ngisi lang ako ng pilit. Kung hindi lang nakakabit ang pangalan nila mommy at daddy ay baka kanina ko pa siya dito sinapak. Kahit masira ang mga kuko ko, I don't care. Nagpaalam kami na pangiti-ngiti pero pagpasok namin sa elevator ay saka ko siya tuluyan itinulak kaya muntik na siyang masobsob. "Sorry, napalakas yata." Bale wala kong sabi habang tinitingnan ang aking kuko. Wala ako nadinig sa kanya kaya nagtanong akong muli. "Kyle, ano bang ..." Nanlaki ang aking mga mata nang mabigla ako sa mukha nitong one-inch na lang ang layo sa face ko. Oh my G. Ano bang ginagawa niya? Both of his hands were at my sides, and our lips were about to meet. Pinigil ko ang aking hininga, hindi dahil bad breath ako, kundi baka ulitin na naman niya ang paghalik sa akin noong mga bata pa kami Yes, he stole my first kiss. That is why I'm so mad at him. "What now, my brat bride? Do you want to say something?" Tanong pa niya at mas nilapit pa ang mukha. Tumunog ang elevator kaya nakahinga ako ng maluwag nang lumayo ito sa akin. "Next time, sisiguraduhin ko na hindi na makakawala ang labi mo at sa akin, at alam mong hindi ako nagbibiro." Sabi nito saka naman ako hinila palabas ng elevator at pumasok sa penthouse niya. Pero wala namang kakaiba dito sa loob kaya inis ko na naman siyang binalingan ng tingin. "Anong gagawin natin dito Kyle?" Nandito lang naman kami sa loob ng penthouse niya na kaming dalawa lang. "I just thought we could talk about some private things, and this place is perfect for us."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD