Chapter 8

2249 Words
Third Person POV Naging masaya ang araw ni Kyle sa buong maghapon, habang nagtatrabaho ito. Nasa conference room siya ngayon at nakikinig sa weekly report ng bawat manager ng iba't ibang team ng kanilang mall. Ngunit tila wala ito sa wisyo. Lumilipad kasi ang isip nito. Hindi kasi makapaniwala ito na nasabi na rin niya ang totoong nararamdaman kay Mira na matagal na niyang gusto. "Sir?" tawag pansin ng mga kasama nito sa kanya. Dinig naman ni Kyle ang sinasabi nila kaya sumagot din ito. "Yes? nasaan na nga tayo? Tapos na ba?" tanong nito sa kakatapus lang na mag-report. "Opo, sir, wala na po ba kayong tanong?" "Okay, that's all for today. Mr. Franco will collect all of your reports. But for now, I have to go." Nagmadali nang umalis si Kyle at iniwan na ang mga tauhan nitong nagtataka sa kinikilos nito. Ngayon lamang kasi nangyari na makita nilang lutang ito at tumatawa mag-isa habang nagsasalita ang bawat isa sa kanila sa harapan. Kinuha na lamang ng secretary nitong si Mr. Franco ang reports ng bawat isa. Ilang taon na rin nagtatrabaho kay Kyle. At ngayon niya lamang nakitang ganoon ka saya ang kanyang boss. At alam niyang dahil ito sa Fiancee nitong si Miss Arriane. Nagtungo si Kyle sa bilihan ng mga alahas upang kunin ang order nitong necklace para kay Mira. Nagpagawa kasi ito at siya mismo ang nag-design. Ibibigay niya ito kay Mira mamaya pagkasundo sa kanya. Matapos makuha ang alahas ay sunod nitong pinuntahan ang barbershop. Magpapa-gupit siya para mas gumandang lalake pa sa harap ni Mira. Excited na rin ito sa gaganaping party mamaya. Balak kasi nitong i-announce ang engagement nila. Hindi pa kasi sila nagkaroon ng engagement party dahil ayaw ng brat niyang bride. Kung siya lamang ang tatanungin ay ipangangalandakan niya ito sa lahat, gaya ng ginawa nito kanina sa University. Kahit di ito sigurado sa nararamdaman ng fiancee nito'y alam niyang may puwang na rin siya sa puso ni Mira. Samantala si Mira naman ng mga oras na iyon ay hindi rin mapakali sa loob ng kanyang condo. Balak sana niyang magtago na lang doon at hindi magpapakita kay Kyle. Ngunit nagbago ang isip nito. Kaya naman umuwi na lamang ito upang paghandaan ang party na pupuntahan nila mamaya. Nais kasi niyang matulala si Kyle sa gandang taglay niya. Kaya pinapunta pa nito ang personal make-up artist nila ng mommy niya upang siya'y ayusan. Nagpadala rin ito ng bagong gown mula sa A&A na naihanda na rin pala ng mommy Nicole niya. Hindi na rin nagtaka si Mira kung paanong nalaman ng parents niya na may dadaluhan siyang Party. Marahil si Kyle ang siyang nagsabi nito. Matapos ang mahabang preparasyon ay sa wakas tapos na rin itong ayusan, Sinuot ni Mira ang bagong design na inilabas ng A&A fashion na siya mismo ang nagdesinyo nito. Isa itong A-Line V-Nek Formal Evening Dress, beaded with crystals and sequence with satin fabric spaghetti strap. Simple make-up na aakma sa dadaluhang party. Naka pusod ang buhok nito with a little messy look dahil sa iilang buhok na nakalugay sa magkabilaan ng kanyang pisngi. "Wow! ang ganda-ganda n'yo po talaga Miss Arriane, gaya ni Lady A." Alam naman ni Mira na maganda siya. Pero hindi nito maiwasang puriin pa ang sarili habang nakaharap sa salamin. "I know, right, but thanks to you dahil lalo pa akong gumanda." Confident nitong sabi sa kausap. "I am sure, tutulo ang laway ni Mr. Kyle Zobelle pagnakita ka niya." Bumilis bigla ang t***k ng puso ni Mira pagkadinig palang ng pangalan ni Kyle. Parang excited na rin ito na makita siya. "Tapos na ba kayo? Wow! anak you look stunning." Puri ng mommy nito pagkapasok. Dadalo din sana sila ng asawang si Arturo sa party ngunit hindi na lamang tumuloy dahil sa biglang out of town ng asawa, ang daddy ni Mira. "Thanks mom, saan pa ba ako magmamana?" Pagmamalaki ding sagot ni Mira nang humarap sa mommy nitong kadarating lamang mula sa trabaho. "I think you better go downstairs. Kyle is already there waiting for you." Mira's POV My heart suddenly pounded when I heard Kyle's name. "Relax, Arriane." "Enjoy, anak," Mom said, then hugged me. Nakikita ko ang saya sa mukha ni mommy. I may not be deeply in love with Kyle, but seeing my mom's face with happiness is what matters to me. Kaya naman ngayong gabi, pipilitin kong kikilalanin si Kyle at buksan ang puso ko para sa kanya. I inhale deeply before I step down my feet downstairs. Napatayo agad ito pagkakita niya sa akin at lumapit sa dulo ng hagdan, waiting for me. Gusto ko na lang umatras nang biglang manginig ang tuhod ko. "Arriane this is not you, si Kyle lang 'yan at wala lang siya sa 'yo." Pagpapakalma ko sa sarili. Kaya naman tumayo ako ng tuwid at pinilit na marating ang dulo ng hagdan hanggang mapagtagumpayan ko ito nang walang naging aberya at taas noo pa rin. Hinawakan nito ang aking kamay at dinala sa kanyang labi't hinalikan. Nagwala na naman ang pasaway kong puso sa simpleng halik lamang nito. Tumikhim ako at pilit na inalis ang kamay sa kanya. Namamasa kasi ang mga palad ko kapag nati-tense ako. At naiinis akong may kakayahan itong guluhin ako lalo ng puso ko. "God, you're the definition of a goddess human being. And I'm so proud that you're mine. No one can take you away from me, Arriane." Bulong nito sa akin. Literal na nagsitayuan ang mga balakahibo ko sa katawan. Bakit ba ganito ang puso ko? Nagiging pasaway na rin yata. "Enjoy your night. Kyle, please take care of my unica hija, malalagot ka sa Tito mo at sa daddy mo." Bilin ni mommy mula sa itaas habang nakadungaw ito sa amin. "I will, Tita, aalis na po kami." "Bye, mom." Kumaway ako kay mommy bago hawakan ni Kyle ang kamay ko't dinala sa kotse nito sa labas. "Thanks," sabi ko nang pagbuksan ako nito ng pinto. Pagkapasok nito'y akala ko aalis na kami. Pero nagulat na lamang ako sa inilabas nitong maliit na kahon na parisukat ang hugis. "What is this? Kyle, you don't have to--- necklace?" Panabay naming sabi nang buksan niya ito. "Yes, it's a necklace, tamang-tama bagay ito sa suot mo." Kinuha niya ito at isinuot sa akin. Napalapit tuloy ang mukha nito't mas lalo namang kumabog ang puso ko. "Shocks, Arriane, relax, hindi ka niya hahalikan." Saway ko sa sarili. I can smell his expensive perfume that I have always smelled since then. I closed my eyes, dahil naiilang ako. "Kailan pa ako nailang sa lalakeng ito?" I have hated him since then, but why do I always feel like this? Especially when he comes close to me. "You will always be beautiful, before and after this evening. And I am so happy that finally, my dreams will come true." Sabi nito bago ko maramdaman ang labi nito sa akin. Hindi niya ito ginagalaw, kaya naman hinayaan ko na lang siya. Nakapikit kaming pareho habang magkadikit pa rin ang aming mga labi. Gusto ko siyang itulak pero ayaw kumilos ng mga kamay ko. Ilang minuto din kaming nasa ganoong posisyon nang sa wakas bitawan nito ang labi ko't idinampi niya ito sa aking noo, tungki ng ilong at sa magkabilang pisngi ko. "Masyado pang maaga para burahin ko ang lipstick mo, siguro mamaya kaya magtiis ka muna." Para akong sinampal sa kahihiyan sa sinabi nito sa akin. Bago ko na-realized na malayo na pala ang kanyang mukha at nagsimula na pala itong mag-drive. "Feeling mo naman, as if na gusto ko ang mga halik mo." Pagtataray ko pang sabi bago lumingon sa bintana sa tindi ng kahihiyan. "Alright then, you said so; I will just forget what happened." Hindi na lamang ako sumagot at hinayaan na lang siya, hanggang marating namin ang pupuntahan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at ipinulupot ang kamay ko sa braso niya. "Sorry, sa sinabi ko kanina. Ayaw ko lang masira ang make-up mo at baka hindi tayo matuloy dito kung hindi lang dampi ang ginawa kong halik kanina." Kapal naman nito, ano feeling niya dissapointed ako, dahil hindi torrid kiss ang ginawa? Sasagutin kuna sana ito nang salubungin kami ng kaibigan niya. Matagal ko na siyang nakikita pero never ko pa itong nakausap o nakilala man lang. "What a lovely couple, mabuti nalang at napapayag mo si Miss Arriane." Paunang bungad nito. Singtangkad lang niya si Kyle at guwapo rin. Pero sa akin, walang makakapantay sa daddy ko at kay Kuya Adam. "By the way, I want to introduce myself finally. Just call me Hubert, best buddy ng soon-to-be groom mo." Pakilala sa akin ni Hubert at makikipag beso sana ako nang pigilan ito ni Kyle. "Back off, dude; she's mine." "See that, Arriane? kaya never ako nagka-chance na magpakilala sa 'yo noon pa, dahil dito sa possesive kong kaibigan." Natatawang sabi ni Hubert sa akin. "I want to see grandpa, siya ang pinunta namin dito at hindi ikaw." Pag-iiba ni Kyle sa usapan. "Nasa loob siya, kanina ka pa nga hinahanap, pasok na tayo." Bago kami pumasok sa loob ay may ibinulong pa si Hubert kay Kyle. Hindi ko ito narinig at wala naman ako pakialam kung anu man 'yon? "So? What's the big deal? Si grandpa ang ipinunta ko dito at hindi sila. And besides, I want to introduce my lovely fiancee to grandpa and not to them." Nagtataka man ako kung ano ba ang ibig sabihin ni Kyle ay hindi kuna inusisa pa. Wala naman ako pakialam sa past niya. Gaya ng inaasahan ko, marami ngang iba't ibang kilala sa lipunan ang narito sa party. Ngayon ko lang nalamam na 80th birthday pala ito ni Don Renante Cuevaz. Ang may-ari ng airline na lagi naming sinasakyan nila daddy papuntang states. In fact, bumili pa si daddy ng private airplaine sa kanila na siyang lagi naming ginagamit kapag may gusto kaming puntahan. Meron din nito sila Kyle. "Granda, happy birthday po, pasensya na at ngayon lang ako nakadalaw." Pagbati ni Kyle sa matandang nilapitan namin na nakaupo sa gitna. Kung titingnan mo ito, halatang malakas pa lalo at napapaligiran ito ng magagandang babae. "Kyle, apo ko, malapit na ako magtampo. Mabuti na lang at may kasama kang magandang dilag." Tukoy nito sa akin. "Yes, by the way, grandpa. She is Arriane Mendez, the only daughter of Mr. Arturo Simon Mendez and Lady A of A&A fashion, and she is also my fiancee." Pakilala ni Kyle sa akin. "Happy birthday po lolo, sorry wala po akong dala, si Kyle po kasi biglaan kung magyaya." Nagbeso na lang ako kay Don Renante na labis naman niyang ikinatuwa. "She knows how to treat an older man like me, huwag ka ng mag-abala pa hija. Kaibigan ko ang lolo mo, sayang at hindi siya nakapunta, masyadong nag-eenjoy kasama ang lola mo." "Opo, sabi nga po ni daddy na umuwi na lang sila dito sa Pilipinas pero masaya daw po sila doon, having fun ni lola na parang mga bagong kasal." "And I heard, ginagaya na rin ito ng mommy at daddy mo, tama ba ako?" Muli nitong tanong. "Definitely, yes po, kaya nga lima po kaming magkakapatid." Sasagot na sana si grandpa nang may lumapit sa kanyang babae. "Apo ko, mabuti at dumating na kayo. Ipakikilala kita sa fiancee ni Kyle." Sabi nito and to be surprised nagulat ako nang mapagsino ito at sino ang kasama niya. "Mira? Wow! dito rin pala ang punta ninyo ni Zobelle?" It's Kuya Lloyd with supermodel Roxane, his girlfriend na apo pala ni Don Renante. "Kuya Lloyd? Hi," hahalik na sana si kuya Lloyd sa cheek ko nang pigilan ito ni Kyle at tuluyan akong hinila. "I think there's no need to do that Cervantes, nasa tabi mo lang si Roxane." Nagkatinginan kaming lahat sa ginawang iyon ni Kyle. Parang naging bastos kasi ang dating niya. Nagkatitigan ang dalawa at gayon din si Roxane na hindi mawala ang tingin sa akin. Naiilang ako kung paano niya akong titigan at tingnan. Hindi ko ma-explain. Kaya tumitig din ako sa kanya. Hindi ko siya kilala personally dahil laman lang siya ng magasine and soc-med, sila ni kuya Lloyd sa lantaran nilang pagpapahayag ng relasyon. "It's my birthday today, and I hope we're all happy. Can you give that to me? Mga apo ko?" Makahulugang sabi ng matanda. "Of course, grandpa, pasensya na po sa inasal ko. Please excuse us, paghahandaan ko muna ng makakain ang fiancee ko." Hinila na ako ni Kyle kaya hindi na ako nakapag paalam sa kanila. I feel the tension in his hands while holding me. Hindi na lamang ako nagkomento pa at sumunod na lamang sa kanya. Ipinaghila niya ako ng upuan bago ito umupo sa aking tabi. "Wine please." Tawag nito sa waiter na nagse-serve. Kumuha siya ng dalawa at ibinigay sa akin ang isa. Inisang lagok niya ito at kumuha pa muli ng isa. Nagtataka ako sa pag-iiba ng mode ni Kyle pagkakita pa lang niya kanila kuya Lloyd at Roxane. Kaya naman hindi ako nakatiis at nagtanong na lamang ako. Imposible naman na nagseselos siya kay Lloyd para sa akin kaya palagay ko'y may something sa kanilang tatlo. "Kyle," agaw atensyon ko sa tuloy-tuloy nitong pag-inom. Tumigil naman ito at napatitig sa akin. "Sorry, Arriane, nakaka-ilang shots na ako. Gutom ka na ba? What do you want---- "Anong meron sa inyo ni Lloyd at Roxane? I am not stupid kong sasabihin mong wala lang 'yon, dahil alam kong meron."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD