Chapter 7

2258 Words
Third Person Pov Gulat na gulat si Mira sa ginawang iyon sa kanya ni Kyle. Hindi niya lubos maisip na mahal pala siya nito kahit noon pang mga bata pa sila na walang ginawa kundi asarin lamang siya nito. Hindi rin siya makapaniwala na ang aroganteng si Kyle na kilala niya'y nagtapat ng pag-ibig sa kanya sa harap ng maraming tao at hinalikan pa siya nito. Nanlalaking mga mata ang siyang naging reaksyon ni Mira nang hawakan ni Kyle ang mukha nito gamit ang dalawang kamay at walang sabi-sabi siyang hinalikan. Kitang-kita din nito ang nakapikit nitong mata habang marahan ang labi nitong gumagalaw sa nakasara nitong bibig. Nakikita din niya at dinig ang hiyawan ng mga tao sa paligid pati na rin ng kaibigan nitong pumapalakpak habang kilig na kilig sa natunghayan. Ilang minuto din ang lumipas bago pinakawalan ni Kyle ang labi ni Mira. Speechless at kumukurap-kurap pa ang mata ni Mira nang tuluyang nilubayan ni Kyle. "Thank you, imbitado kayong lahat sa kasal namin." Sabi pa ni Kyle sa mga estudyanteng nasa paligid habang nakataas ang kanyang kamay. Saka siya nito binalingan ng tingin na salubong na ang kilay. Alam na ni Kyle na galit na sa kanya ang brat niyang bride. Kaya naisipan na niyang umalis, kahit ang totoo'y gusto pa sana niyang makasama ang kasintahan. "See you later, I'll pick you up at seven pm. May pupuntahan tayong party." 'Yon lang ang sabi nito sa tulalang si Mira saka niya ito iniwan habang kumakaway pa rin ang kamay sa ibang estudyanteng naroon. Nang makaalis si Kyle ay isa-isang nagsilapit sa kanya ang mga school mates at classmates nito sa ibang subject upang batiin siya. Ayaw naman niya maging bastos kaya nagpasalamat na lang siya. "My gosh sissy, sabi ko na. I told you matagal nang in-love sa'yo si Kyle." Tumitiling hirit ng kaibigan nitong si Callie. Speechless si Mira at hindi malaman ang sasabihin at ire-react sa kaibigan nito. Sa halip naglakad na lang ito ng tulala papunta sa classrom at hinayaan ang kaibigan. Bago sumunod si Callie ay nagpaalam na rin muna ito sa boyfriend niyang si Tomi saka patakbong hinabol si Mira na tulala pa din. Samantala habang nasa loob ng sasakyan niya si Kyle ay hindi na mapuknat ang ngiti nito sa labi. Papunta na siya ngayon sa Zmalls para mag-weekly check. Hands on kasi siya sa mapa-hotel man o sa mall. Siya ang Ceo at President pa din ang daddy niyang si Kean. Ang mommy Cathy naman niya'y tumutulong din sa pagpapatakbo dahil dati na raw ito nagtrabaho noon sa hotel bilang manager. Habang ang kapatid nitong si Keanna ay sa pagpupulis ang nakahiligan at ang bunso nilang kapatid ay nag-aaral pa. Naisipan tawagan ni Kyle ang kaibigan nito upang ipaalam ang magandang balita. Gamit ang bluetooth earphone sa kanyang tenga. "Dude, I did it. And we will be there this evening. See you." Nakangiting pinatay ni Kyle ang tawag at mabilis pinatakbo ang sasakyan papunta sa mall. Mira's POV "My gosh, sissy, I am so happy for you. Sana nagpustahan na lang tayo, panalo na siguro ako." Di matapos-tapos na kilig ni Callie simula pa kanina. Lunch break na nga't lahat. "Please, Callie, I don't want to talk about it. It's so embarrassing. Si Lloyd ang gusto ko." "Lloyd na naman, sis mag-move on kana sa kanya. Meron na siyang supermodel girlfriend s***h josawa na niya." "Josawa...?" "Grr, Josawa stands for Jowa at asawa. Meaning live in na sila at top trending 'yan sa Socmed." Di makapaniwala pa nitong sabi. "Ahh, basta siya pa rin ang nag-iisang crush ko at wala nang iba." I want to convince myself. Kahit ang totoo, hindi na rin ako sigurado kung ano ba dapat kong maramdaman. "What about Kyle? Alalahanin mo kung anong ginawa ni Kyle kanina. At hindi naman siguro lingid sa'yo kung ano siya dito sa campus noon?" Marami na rin naman ako naririnig dati pa. Pero hindi ako interesado, ngayon lang. "Ano nga ba siya dati?" Kunyari ay balewalang tanong ko habang kumakain. "Seryoso ka?" "Of course, and ano ba siya dito sa campus? Playboy na papalit-palit ng girls?" Dugtong ko pa sa sinabi bago tumingin sa kaibigan ko. "Sissy, I think kilalanin mo na ang magiging asawa mo." Napapa-iling na sabi pa ng kaibigan ko. Natatawa ako sa reaksyon niya. Noon pa man kasi alam kong buto na siya kay Kyle. Natigil kami mag-usap ni Callie nang may biglang sumingit sa usapan namin. Sino pa ba kundi ang L-sisters na Luna and Lira. "Why? What do you need?" Pagtataray agad ni Callie sa dalawa. Walang pakialan ang mga itong umupo sa tabi namin habang dala ang lunch nila sa tray. "Can we sit here? Ito lang kasi ang vaccant chairs, ayos lang ba?" It's Lira. "Nagpa-alam ka pa. E, umupo na nga kayo diba?" Pagtataray pa ng kaibigan ko sa kanila. "Hayaan mo na Callie, tapos na rin naman tayo." Ayaw ko na lang ng gulo, at saka tapos na rin kami. "Kahit na, nag-uusap pa tayo." Mainit talaga ang dugo niya sa kanila. Lalo na kay Luna dahil sa pang-aakit nito kay Tomi. "Hayaan mo na." Hinila ko ang kamay ni Callie at tatayo na sana nang magsalita si Lira. Mas Bata si Luna kaysa kay Lira na suma-sampong taon na sa college. "My goodness sis, I can't imagine how Kyle pleasure you. Ano kaya kung yayain natin siya ng Threesome. Okay lang naman siguro sa fiancee niya. Hindi ba Arriane? " Suma Lira asked me. Akala siguro nito affected ako. Well, kanila na si Kyle. So, I looked at them confidently with a goddess, Arriane Miracle Mendez smile and look. "Sure, you two can have him as much as you want. I don't care, either. Did you get it? So, can we go now?" Kala n'yo aatrasan ko kayo? Hindi pa pinapanganak ang sisindak sa akin. 'Yung bwesit na Kyle lang naman ang nakakagawa sa akin 'non, dahil sa ginagawa niyang panghahalik sa akin. I smirked with the matching flip of my hair in front of them bago namin sila tinalikuran ulit ni Callie. Pero ang L-sisters humirit na naman. "You're so yabang Arriane, porke ba tatay mo si Mr. Arturo Mendez na dating President ng University at mommy mo si Lady A may karapatan ka nang magyabang." Parang nagpantig ang tenga ko sa nadinig. Kaya imbes na paalis na kami'y nilingon naming muli sila ni Callie. "Sis, let them, huwag mo nang pansinin." Pigil sa akin ng kaibigan ko. But liked I always said. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay nadadamay ang pangalan ng parents ko. Oo at mga sikat sila, pero hindi namin ginagamit iyon na magkakapatid para sumikat at magpasikat lang. Nakapamamewang ko silang hinarap sabay taas ng kilay kong lumapit sa kanila at sinipat ang mukha ng L-sisters na ito. "Yes, I have the right to brag. Because everything about me was hundred percent true. __ E, sa inyo, alin diyan ang totoo? Boobs perhaps, tsk, tsk, I don't think so. How about your Jaw line...Nose lift? What else...ahhh, fake eyelashes. Salamat na lang kay Doc." Nakangisi kong sabi. Nagtawanan ang ibang taong nakarinig sa sinabi ko. I know I said too much. Pero sila naman ang nauna. Lira stood up and arrange the clothes she was wearing, kung saan labas na ang kalahati ng dibdib nito. "Excuse me, for your information, Arriane. Totoo ang mga boobs namin. Why don't you ask Kyle? Well at least malaki ang hinaharap namin, kaya enjoy na enjoy sa amin si Kyle. How about you? I think kailangan mo din ng salamat Doc, hindi ba Luna?" Alam ko naman na may kulang sa akin. Pero at least hindi ako retokada na gaya nitong si Lira. Sasagot sana ang kaibigan ko pero pinigil ko lang. Alam naman din niyang kayang-kaya ko, kahit magsama pa sila. "Yeah, para mag-enjoy sa 'yo ang fiance mo." Sang-ayon din na sabi ni Luna. I chuckled and put a smirk on my face. "Hindi ko na kailangan pang gawin 'yon. You heard him. He said he loves me." Pagmamalaki ko pang sabi. Pero ayaw niya talagang magpatalo. "What? Love? And naniwala ka naman? Akala ko ba kababata ka niya? Sa bagay wala ka nga palang gusto sa kanya. Because you're busy chasing Lloyd Cervantes." Bakit naman nasama sa usapan ang nanahimik na si Lloyd my loves.? "Wala na kayong pakialam. Please both of you get lost before I used my powers to kick you out of this school. Let's go Callie." Hinila ko ang kamay ni Callie at tatalikuran na sana sila. Pero ang walang hiya ayaw talaga ako tantanan. "You, brat b***h, hindi pa kami tapos." Sabay hila ni Lira sa buhok ko. Kaya naging dahilan pagkakabalik ko sa kanila. "Hey, bitawan mo ang kaibigan ko." Sigaw din ni Callie sabay sabunot din nito kay Lira ng buhok. At gano'n din ang ginawa ni Luna sa hair ni Callie. "You will pay for this, suma, ahh." Hinila ko rin ang buhok nito ng malakas kaya sumubsob ang malaki niyang boobs na puro silicon naman ang laman sa mesa. "Kahit maliit ang boobs ko at least original at maganda ako. E, ikaw? Bruha ka." Sabi ko pa at sinabunutan pa siya. Alam kong ganoon din ang ginawa ni Callie kay Luna. Walang nais tumulong sa amin. Hanggang dumating si Tomi kasama ang mga barkada niya at inawat ang girlfriend niya. Walang pangahas na tumulong sa akin, dahil natatakot silang hawakan ako, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. "Sis!" tawag ni Callie sa akin at lalapitan na sana ako nang may naglakas loob na humila sa akin. "What is going on here, Mira? Please stop it." It was Lloyd. At pinilit akong mapaalis sa ibabaw ng bruhang si Lira. "b***h, akala mo hindi kita papatulan. Hindi ako natatakot na ma-kick out dito, pero sisiguraduhin ko na ma-eexpel kayo para tuluyan ka ng hindi maka-graduate." Sigaw ko pa bago tuluyang makaalis sa ibabaw nito nang buhatin ako ni Lloyd. "Gosh, my nose, kapapa-ayos ko lang nito." Sigaw nito habang hawak ang ilong na hindi naman dumugo pero kung makapag-react. "Huwag kang kampanti Arriane kay Kyle.Yes he said he loves you. But are that sure na ikaw lang sinabihan niya?" Hindi ako nakasagot from what she said. "May unang minahal si Kyle, he even planned to get married to that girl. Kaya huwag kang kampanti at magyabang. Saksi ako kung gaano minahal ni Kyle ang ex-girlfriend niya at alam 'yan ni Lloyd Cervantes. Let's go Lira." Tinalikuran kami ng dalawa at iika-ikang naglakad palabas ng cafeteria. "Are you okay Mira?" Nag-aalalang tanong ni Lloyd sa akin. Bakit ganito kung dati'y sobrang kikiligin na ako sa simpling hawak lang ni Lloyd sa akin. Ngayon ay parang wala na akong maramdaman. "Ayos lang... "Pare, i-uuwi kuna si Callie ikaw na bahala kay Arriane." Singit ni Tomi sa amin. "No worries, ako ng bahala, lalo na at wala ang kuya niya dito." Sagot nito kay Tomi. " Sis, mauna na kami." Paalam ni Callie sa akin, kumaway lang ako at tatawagan na lang siya mamaya. Nang makaalis ang dalawa'y nasa tabi ko pa rin si Lloyd. He cared for me like he always did, just like kuya Adam. "Dalhin kita sa clinic?" "Hindi na Lloyd, I mean Kuya Lloyd." Ayaw niya kasing hindi ko lalagyan ng kuya pagsinambit ko ang pangalan niya. "Akala ko kakalimutan mo na naman ang kuya. Come on, hatid na kita, ako ng bahala sa profesors mo." Napaka-sweet talaga ni Lloyd. Kaya gustong-gusto ko siya, noon pero ngayon parang hindi na ako sigurado. "Sige, sa condo na lang ako uuwi." Sagot ko before I give my genuine smile. Naglakad kami papunta sa kotse ko na siya niyang ginamit upang maihatid ako. Malapit lang naman ang condo ko kaya hinayaan ko na lang. Habang nasa daan ay tahimik lamang ako at nasa malalim na pag-iisip. Hindi kasi mawala sa akin ang huling sinabi ni Lira na unang babaeng minahal ni Kyle. "Huwag mo ng intindihin ang sinabi ni Lira, babygirl. I know Kyle loves you at wala na sa kanya si __. Just forget it, okay?" So, it's true, na may alam si Lloyd at kilala niya ang dating ex ni Kyle. "Kilala mo?" Tanong ko kay Lloyd na biglang natigil sa pangalan na sasambitin sana nito. "Yeah, but I don't have the right to tell you. Hayaan mong si Zobelle ang magsabi sa 'yo. And besisdes past na 'yon." "Ayos lang. Sige na, dito na lang ako. Thank you sa paghatid, pero kaya ko ng mag-isa baka ma chismiz pa tayo mahirap na makarating sa girlfriend mo." I said nang nai-park nito ang sasakyan. He stops the engined bago kami lumabas at iabot ang susi sa akin. "Roxane won't be jealous because she knows how much I love her very well. Birthday ng lolo niya mamaya, sama ka, para maipakilala kita sa kanya." "Sorry, Kyle invited me to a party too." Pagtanggi ko. Kahit naman siguro kaming dalawa lang, hindi pa rin ako sasama. "O, I see, next time na lang siguro. So paano aalis na ako. May presentation pa ako mamaya sa school. Ako na rin ang bahalang magsabi sa nangyari." "Salamat Kuya Lloyd." Kumaway ako hanggang tuluyan itong makalayo. "Goodbye, Lloyd, my first love." Tanggap kuna na hanggang kapatid lang ang turing sa akin ni Lloyd. Nasaktan ako noon nang malaman kong may girlfriend na siya. Pero bakit gano'n? Parang may kung anong tumusok sa puso ko na malaman na may unang babaeng minahal si Kyle, akala ko kasi, ako lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD