"Boss Romano, anong gagawin natin sa lalakeng ito?" Tanong ni Jay, ang kanang kamay ni Romano. Romano Guiller Jr. Ang nag-iisang tagapagmana ni Romano Guiller Senior. Ang totoong ama ni Kyle. Si Kyle ngayon na akalang patay na ay nawalan lang ng alaala dahil sa matinding pagkakabagok nito nang bumagsak sa mabatong bahagi ng tubig dagat. Nailigtas naman ng kanyang amang si Romano Senior ang anak na si Kyle. Ngunit ng magising ito matapos ang dalawang araw ay walang maalala si Kyle. Kaya nakaisip ang tatay niyang si Romano ng paraan para tuluyan niyang makasama ang anak na si Kyle. Kumuha ang tatay ni Kyle ng ibang katawan na kahawig halos ng katawan ng anak. Lahat ng pagkakakilanlan ni Kyle ay inilagay niya sa taong iyon. At hinayaang nagpalutang-lutang sa dagat. Kaya nang matagpuan nila

