Mira Masarap na simoy ng hangin at lagaspas ng tubig na nagmumula sa dalampasigan ang siyang nagpagising sa akin sa mahimbing na tulog. Parang kay tagal ko nang hindi nakatulog ng ganito kahimbing. Unti-unti kong binuksan ang mga mata at isang maaliwalas na silid ang siyang nabungaran ko. Malawak na kama. Manipis na kurtina na siyang tinatangay ng malakas at sariwang hangin mula sa bintana. Kaya napagtanto kong hindi ito ang kwarto ko. Doon pa lamang ako napabalikwas ng bangon at nanlalaking matang inalala ang nangyari. Kinapa ko at tiningnan ang sarili. Bukod sa punit kong damit sa braso ay wala namang nagbago sa kasuotan ko. Wala din akong naramdamang kakaiba kaya nasisigurado kong hindi ako tuluyang nagahasa ni Lloyd. Kinilabutan ako nang maalala ang ginawa niya sa akin kagabi. Mabu

