Mabibigat ang hakbang ko habang papasok ng bahay. Nakakuyom ang magkabilang kamay at pilit na pinapakalma ang sarili. Mabilis akong umakyat sa hagdan at dumiretso sa kwarto ni Kuya, habang papalapit ako ay mas lalong umuusbong ang galit sa loob ko. Pabalibag kong binuksan ang pinto ng kwarto niya at naabutan siyang nasa harap na naman ng computer. Lumapit ako sa kanya at marahas na tinanggal ang headset sa ulo niya. “Fvck. Ano bang kailangan mo?!” iritado niyang tanong. Imbes na sagutin ang sinampal ko siya ng malakas sa pisngi na nasundan ng marami pang beses. “Nica--aray! Stop it!” Hindi ako tumitigil kahit na nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko. Sinasalag niya ang bawat hampas ko hanggang sa mahuli niya ang magkabila kong kamay at masama akong tiningnan. “A

