“What are these?” “Kwek-kwek, fishball, kikiam at turon.” Nakangiti kong sabi habang siya ay halata ang pagtataka sa mukha habang nakaturo sa mga pagkaing niluluto nung tindero sa kawali. “Are you sure this is food?” natawa naman ako sa pagka-inosente niya. “Masarap ‘yan! Eto tikman mo.” Nagtusok ako sa stick ng isang kwek-kwek at itinapat sa bibi niya. Lumayo naman ang mukha niya. “Tikman mo lang. Favorite ko ‘yan.” Halos malukot ang mukha niya sa pandidiri at tumingin sakin. Tumango naman ako habang nakataas pa rin ang kamay. “Sige na please?” nag-puppy eyes pa ako para hindi niya ako tanggihan. Huminga muna siya ng malalim bago isinubo ng dahan-dahan ang kwek-kwek. HInintay ko ang magiging reaksyon niya. “Masarap?” “P-pwede na.” Napangiti naman ak

