“Kyaaah! Go Lucas baby!”
“Galingan mo Alex!”
Oras ng PE namin pero halos kalahati ng estudyante ay nanonood sa game nila Kuya, syempre kasama na ko dun. Hihi. Minsan lang ‘to kaya sinusulit ko na noh!
Half court lang ang gamit nila dahil kailangan din namin ang kabilang court. Kailangan kasi naming i-shoot ang bola sa ring para magka-points kami sa subject. Syempre iba-iba ng position, sa court. Turn na ng section namin kaya kami na ang nakapila sa court. At syempre bilang loner, ako ang nasa huli. Ang galeng.
Halos wala na nga sa pila ang iba dahil abala sila—kami sa panonood.
Halos mapatili ako nang makita kung gaano ka-smooth na tumalon si Lucas sa ring at ipinasok ang bola. Ang galing talaga ng future bebe koo!
“Santiago!”
Mabilis akong napaharap sa teacher namin nang marinig ang pag-sigaw niya sa pangalan ko,
“S-sir?” He raised a brow at me.
“Manood ka nalang kaya? Mukhang nakakaabala pa kami sa’yo eh, nakakahiya naman.”
Nagtawanan ang mga estudyanteng nanonood samin kaya napayuko nalang ako sa hiya. Ako na pala kasi ang susunod na magsho-shoot. Pakshet. Sisihin niyo ‘yung lalaking ‘yun! Lagi nalang binibihag ang mga mata ko kaya walang ibang makita kundi siya!
Hindi ko mapigilang mapangiti sa naisip.
“Ano pang nginingiti-ngiti mo diyan?! Tira na!” halatang nauubusan na siya ng pasensya sakin kaya mabilis kong ibinato ang bola.
Amp. Hindi man lang pinaabot sa ring! Lumipat naman ako sa gilid para mag-shoot ulit sa ganung posisyon. Halos halikan ko na ang bola para lang hilinging pumasok siya sa ring at mukhang pinakinggan naman ako.
“Yes!” napasuntok ako sa hangin sa tuwa.
“Tss. Weirdo.” Mabilis kong ibinaba ang kamay ko nang marinig ang bulungan ng iba. Nakakahiya ka talaga kahit kelan Veronica!
Veronica
“Are you sure you want to enter the university too?” tanong ko sa kanila. Gabi na at binubulabog nila kong tatlo dito sa kwarto. Malapit na ang enrollment kaya kung ayaw nila, hangga’t maaga pa ay naniniguro na ko.
Hindi ako sigurado kung dun pa rin nag-aaral ang ilan sa mga ka-batch mates ko but I’m hoping na hindi pa sila lumilipat. I want them to pay for what they have done to me, two years ago. Hindi ko pa nakakalimutan kung paano nila ginawang miserable ang buhay ko noon. Ako naman si tanga, hinayaan lang sila sa mga kagaguhan nila. Minsan ang sarap din murahin ang sarili ko eh.
“We already talked about this, ‘di ba? Ready na nga ‘yung mga forms namin.” sagot ni Alice habang hawak ang phone at abala sa pagkain ng pizza. We’re all sitting on the floor except for Alexa and kay Alice na nakahiga at nakapatong ang mga paa sa kama ko.
I sighed. “Yeah whatever. Just forget what I’ve said.”
“Why’d you ask? Don’t tell me ayaw mo nang tumuloy?!” Suzy panicked.
“What a scam,” Alexa commented.
I almost rolled my eyes. “Tss. It’s not like that! Hindi tulad sa Korea ang mga students sa school na ‘yun. Most of the students there are--what do you call this.. plastic, arrogant, b***h—“
She cut me off. “Yeah I get it. Anong palagay mo samin santo? Hindi kayang makipagsabayan sa ka-echosan nila sa buhay? Sino bang nagturo sa’yong maging ganyan?”
Natigilan naman ako at dahan-dahang napatango. She has a point.
“Minsan na din kaming nag-aral dito sa pinas kaya kering-keri ko ang ugali nilang basura noh.” Sabat naman ni Alice na hindi inaalis ang tingin sa phone.
Lumingon ako kay Alexa. “How about you?”
Her brows furrowed. “What about me? I can take care of myself. Remember? I used to take down those guys who tried to—“
“Okay I get it, that’s enough.” I cut her immediately. “Basta kapag may nangyari sa inyo, hindi ko na sagot ‘yun ah.” I smirked and they glared at me in return.
***
The next morning.
Everyone is busy eating breakfast. Ang mga magulang ko ay ini-interview ang buhay nila Alice habang ako ay tahimik lang na kumakain sa isang tabi.
Malapit na akong matapos nang mapansin kong napatingin sa’kin si Dad.
“I know what you did yesterday to your brother.” He said that made everyone fell silent.
I glanced at Adrian. Sumbungero.
“What about it?” I asked and continued eating.
“I won’t tolerate your damn actions anymore Nica. I know both of you are not in good terms but still, respect each other.” He demanded while staring at us intently.
The side of my lips rose up and looked at Adrian.
Napatingin din siya sa’kin. “I don’t see any problem with that Dad. Besides, that word suits him well right? Asshole.” I teased and his face slowly darkened.
“Veronica.” Suway ni Mom.
Galit na hinampas ni Dad ang lamesa. “Enough!”
Lumipat ang tingin niya sa mga kaibigan ko. “Ito ba ang itinuro niyo sa anak ko?”
My brows furrowed. “Dad!” I hissed. “Kung meron ka mang dapat sisihin dito hindi sila ‘yun!” sabi ko sabay tingin ng masama kay Adrian.
“Let’s go girls.” Padabog akong tumayo at hinila paalis ‘yung tatlo. I can’t believe he just accused my friends for being what I am now pero hindi naisip ang ginawang kagaguhan ng magaling niyang anak sa’kin. Damn favoritism!
“He’s better off than asshole,” Alexa commented that made us laugh a little. Alam ko namang wala lang sa kanila ang sinabi ni Dad dahil unang-una, wala itong idea sa mga mabibigat na pinagdaanan namin sa Korea.
He doesn’t have any idea that the people he insulted played an important role in my life. Without their help, I wouldn’t be as strong as I am today.
Tutal wala naman kaming ibang gagawin sa bahay, nag-aya nalang ako na mag-shopping. Mabilis naman silang pumayag at pumasok sa kanya-kanyang room para mag-ayos. I was about to enter my room when a hand stopped me by grabbing my arm. Marahas kong binawi ang braso ko when I realized who it was.
The asshole.
“What the hell do you want?” iritado kong tanong.
“I want to talk to you.” Seryoso nitong sabi.
“What do you think you’re doing then? Telepathy?” I sarcastically said.
He breathed heavily and glared at me. “I’m fvcking serious here Veronica.”
“Well, sorry to ruin your mood but I don’t take things seriously,” I said with a playful smile. A thought suddenly hit me. “Oh. Ganun ka din ‘di ba? Playing someone’s feelings is your kind of entertainment. You and your piece of trash friends.”
Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya at pinagsarhan siya ng pinto. Pero bago pa man sumara ay binuksan ko ulit at tumingin ng masama sa kanya. “Don’t ever try talk to me again.”