After nung ka-echosan ni Sir pinayagan na niya kaming maglaro ng bola at saka siya umalis. Tuwang-tuwa naman sila lalo na ang boys dahil makakapag-basketball na sila. Ang iba sa kanila karamihan sa babae ay lumipat sa kabilang court kung saan naglalaro pa rin sila Kuya.
Balak ko din sana kaso baka magalit na naman sa’kin ang mga fans nila. Tss. Nakakainis.
Nakuntento nalang ako sa pagtanaw sa kanila mula dito sa bleachers na kinauupuan ko. Hindi ko magawang ilihis ang paningin ko kay Lucas habang pinapanood siyang mag-drible ng bola.
Ang galing talaga niyang tumira.
Sa kama din kaya?
Huh? Mabilis akong napailing sa kahalayang pumasok sa isip ko. Ang wild Veronica ha! Asa ka namang papatulan ka ng crush mo. Sa itsura mong ‘yan?
Bigla tuloy akong nalungkot sa katotohanang isinampal ko sa sarili ko. Bakit kasi sa panahon ngayon magaganda lang ang minamahal at pinapahalagahan?
Mabuti pa ikain ko nalang ‘to. Tumayo ako at sinulyapan sa huling pagkakataon ang mahal ko—charot! Crush lang mahirap umasa pag alam mong imposible.
Bumaba ako sa bleachers at nagsimulang maglakad palabas ng gym. Lumilihis lahat ng madadaanan ko na para bang may nakakahawa akong sakit. Hindi ko na inisip yung nakakahawang sakit, mas mabilis akong makakalabas sa ginagawa nila kaya ipagpatuloy niyo ‘yan!
“Watch out!” someone shouted pero hindi ko na pinansin dahil hindi naman ako ang kausap. Pero hindi nagtagal ay naramdaman kong may tumamang matigas na bagay sa likod ng ulo ko, muntik pa akong matalisod sa gulat. Napahawak ako sa parteng tinamaan at nilingon ang siraulong gumawa nun.
“Sorry!” hindi ko na namukhaan ang nagsalita na ‘yun dahil sunod-sunod na bola na ang lumipad papunta sa direksyon ko. Wala akong ibang nagawa kundi itaas ang mga braso ko at itinakip sa mukha ko.
“Tama na!” pagmamakaawa ko.
Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko habang iniinda ang mga tama ng bola sa katawan ko. Imbes na pakinggan ako ay malakas na tawanan ang narinig ko. Bigla akong tinamaan sa tuhod dahilan upang mapaupo ako habang pino-protekahan ang mukha gamit ang mga braso.
Bakit kailangan umabot sa ganito?
“”T-tama na please!” napahikbi ako sa sakit. Hindi lang pisikal kundi pati sa loob-loob ko.
Bakit hindi ko magawang lumaban? Ikinahihiya ko ang sarili ko. Ikinahihiya kong naging ganito ako kahina. Wala kang kwenta Veronica. Walang lugar ang mga katulad mong mabuhay sa ganitong klaseng mundo.
Adrian
“Akala ko hindi lang ako ang inaya mo.” Bungad ni Lucas at umupo sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin at hinayaan munang maka-order ng drinks sa bartender. Nakatitig lang ako sa hawak kong baso na may lamang alak at pinaikot ito sa kamay ko.
Iniisip ko ang magiging reaksyon niya sa sasabihin ko. Matagal na namin siyang kinalimutan, mula nang lumipad siya papuntang ibang bansa ay wala na kaming naging balita. Tapos pagbalik niya parang ibang tao ang nakita ko.
Natural gago ka eh.
“Ano bang meron? LQ kayo ng bebe mo?” pang-aasar niya pero wala ako sa mood na sakyan ang trip niya.
“We broke up.” I still can’t believe na nagawa kong gaguhin ang sarili kong kapatid dahil lang sa babae. Ngayong break na kami saka naman ako nagsisi. Pero may dulot namang maganda ‘di ba? She’s a lot different now compared to her old self. She became fearless unlike before na sobra kung i-bully.
Pero malaki naman ang naging kapalit.
“Kaya nagda-drama ka? Grabe, nakaka-bakla pala talaga ang love.” He held his chest dramatically and shook his head.
I sighed bago inisang lagok ang hawak ko at sinabi ang kanina pang tumatakbo sa isip ko.
“She’s back. My sister is back, bro.” Natigilan siya bigla. “She’s completely different now, way different.”
He stays quiet for a moment, still finding the right words to say.
“I tried to talk to her but obviously—“
He cut me. “She hates you, she hates all of us. Tss. What should you expect?” he sounds pissed at lumagok sa basong hawak.
Veronica
“Do you have a pair of size 8? It doesn’t fit my feet kasi.” Maarteng sabi ni Alice.
“Sure Ma’am. Just wait for a moment.” Paalam ng saleslady at umalis dala ang heels na sinukat niya.
“Sa’kin bagay ‘to.”
“Ako ang unang nakakuha.”
“And so? Wala sa paunahan ng kukuha ‘yan, nasa babagayan.” Napatingin ako sa dalawa na nagbabangayan dahil lang sa isang dress.
“Hep! Hep!” mabilis na pumagitna si Alice kila Alexa at Suzy.
“Hooray!” sagot naman ng abnormal na si Alexa. Pansin kong napapatingin na samin ang ibang saleslady kaya halos mapatampal na ako ng noo. Wala talagang pinipiling lugar ang kagaguhan nila.
She pouted nang batukan siya ni Alice. “Ulol ka. Damit lang ‘yan pinag-aawayan niyo pa? Oh eto pera bumili kayo ng boutique!”
I shook my head in disbelief. Remind me not to bring them to crowded places again.
“Oh my god! Nakikita niyo ba ang nakikita ko?” I heard Alice almost shriek that made me looked at them again. Abala din ako sa pagpili ng type kong outfit pero masyado silang maingay.
“Oo. May mata kasi kami eh.” Alexa replied with a meaningful smile on her lips while they are looking at one direction kaya napatingin na din ako.
I gasp. What the hell is he doing here? Of all places?!
“He’s so gwapo.”
“Indeed. I think I already found the father of my future kids.” Alexa giggled.
“Look at that bulge.” Suzy murmured.
I rolled my eyes and walk towards them. “Let’s go.” I tried to catch their attention pero parang wala silang narinig at nag-bulungan pa, mukhang may pina-plano.
“Okay who wants to bet?” tanong ni Alice.
“Ako!” sabi ni Alexa while raising her hand. “Oh. Look’s like he has a girlfriend.”
Muli kaming napalingon sa gawi ni Vince at nakitang may lumapit na babae sa kanya. I smirked when I recognize the girl that they are talking about.
“And so? Papatalo ka na?” panghahamon ni Suzy.
Pinaningkitan naman siya ng mata ni Alexa. “Excuse me? Are you challenging me, b***h?”
“Triggered ka? Lapitan mo na dali! Show us what you’ve got.” Suzy urged her more.
“Talaga! Para sa future ng magiging anak ko!” we watched her as she walk towards them. Hinila naman nila ‘kong dalawa palapit sa gawi nila. They pretended na namimili sila ng mga damit malapit sa kanila, puro panlalaki naman. While me, I remained standing near them but I made sure na hindi nila ako mahahalata. Habang kinakausap siya ni Alexa ay nakatitig lang ako sa mukha niya. Walang nagbago. Mukha pa ring tarantado.
“Oh. Omg I’m so sorry! I think I have mistaken you. You really look like someone I know kasi eh.”
Kabod kasi siyang hinila ni Alexa sa braso at sapilitang pinaharap sa kanya.
Halatang nagulat siya pero mabilis ding nakabawi at tumawa. “Ayos lang. Madalas talaga ‘kong pagkamalan na kung sino-sino. Ganun talaga siguro ‘pag gwapo.”
Napangiwi ako at umirap. Vince will always be Vince.
Alexa giggled. “Yeah. Kaya nga napagkamalan din kita eh. Kamukhang-kamukha mo kasi talaga siya.”
“Sino?”
“Yung future boyfriend ko.”
Someone cleared their throat to stop themselves from bursting into laugh.
I sighed in disbelief and shook my head.