I’m officially his girlfriend. Ang sarap ulit-ulitin sa isip ko. Hihihi. Kahit isang linggo na kaming mag-jowa nanginginig pa rin ang kalamnan ko sa tuwing iniisip kong boyfriend ko na siya. Alam kong naririndi na kayo sa tuwing kinikilig ako pero masisisi niyo ba ‘ko? Naging jowa ko lang naman ang crush ko! Iinggitin ko lang kayo sa mga sweet moments na naganap sa amin. Hatid sundo niya ako sa bahay, lagi din kaming magkasabay mag-lunch sa cafeteria, kapag nakita niyang hindi ako kumportable sa masasamang tingin na natatanggap namin sa mga estudyante ay susubuan niya ako ng pagkain sa harap nila—oha! Kaya minsan nag-iinarte nalang ako para subuan niya ako sa harap nilang lahat. Hihi. At hindi lang ‘yun, always pa kaming magka-holding hands! Buti na lang hindi pasmado ang k

