Chapter 1

1441 Words
Chapter One 7pm "Chalene pumasok ka sa English Class natin. Anu ka ba?" Hinabol siya ni Paulo nung malaman nitong mag cucuting classes nanaman siya upang makita lang si kevin Epal naman tong si Paulo eh! "Ano ba? Wala naman gagawin sa English class." Inirapan niya ito at patuloy na naglakad papunta sa MainGate ng Campus nila. 9PM pa kase ang uwian niya pero mag cucuting siya upang sumabay kay Kevin pauwi. Gusto niya na kaseng malaman kung saan ito nakatira. Hinawakan nito ang kanyang kamay ng mahigpit kaya napatigil siya sa kanyang paglalakad "Pwede ba paulo hindi kita tatay kaya wag mo akong pigilan. Mag papalipat naman ako ng section next week dahil gusto kong maging pang umaga" Lalong kumunot ang nuo ni Paulo May sasabihin pa sana si Paulo ng makita niya si Kevin na tahimik na naglalakad palabas ng Gate. Saglit itong tumingin sa kanilang kamay ni Paulo at napasimangot ito at nag iwas ng tingin Agad na binawi ni Chacha ang kanyang kamay kay Paulo at tumakbo palapit kay Kevin "S..Sweetheart saglit!" Tumakbo siya at nahabol naman niya ito Si Paulo walang nagawa kundi bumalik nalang sa classroom Hindi siya pinansin ni Kevin at tahimik lang itong naglakad palabas ng Campus hangang sa lumiko ito sa unang kalye na medyo madilim at isang Street Light lang ang nakabukas. "Sabay na tayo uwi sweetheart ang sakit kase ng ulo ko--" "Palagi ka nalang nag cucuting classes?" Nakasimangot nitong sita sakanya Napatigil siya sa paglalakad. Ngayon lang kasi siya kinausap ni Kevin. Bumilis ang t***k ng kanyang puso at may munting kiliti sa kanyang kalooban ang dulot ng boses nito Nuon kasi para lang siyang hangin na hindi nito nakikita. Nuon parang hindi siya ng eexist sa mundo nito Pero ngayon kinausap na siya nito!!!! "N..Nagsasalita ka pala sweetheart---" "Stop following me. Mag aral kang mabuti para naman hindi sayang ang pagpapa-aral sayo ng parents mo" Nanlaki ng kanyang mata dahil ang haba ng sinabi ni Kevin Oh M Geee. Ngayon niya lang ako kinausap! Im Gonna record this! Nakangiti siya at kinuha niya ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag at agad niyang pinindot ang record button ng kanyang cellphone Napakunot naman lalo ang nuo ni Kevin Ngumiti siya ng matamis at itinutok kay Kevin ang kanyang cellphone "M..mag salita ka nga uli sweetheart? Irerecord ko please?" Huminga ng malalim si Kevin "Stop following me. I don't like you" seryosong sabi nito bago ito tumalikod at nagmadaling lumakad palayo sakanya Parang huminto ang mundo ni Chacha sa bawat salitang binitawan ni Kevin. Nawala unti unti ang kanyang magandang ngiti. Natulala siya sa mukha nito Pakiramdam niya namanhid ang kanyang buong mukha. Yumuko siya at pinindot niya ng button upang humito ang recording. Namalayan nalang ni Chacha na Tumutulo ang kanyang luha sa Kanyang cellphone. Agad niyang pinunasan ang kanyang luha. Napatingala siya sa langit ng biglang kumulog ng malakas Pati langit nalulungkot Naramdaman nalang ni Chacha na unti unti nang pumapatak ang ulan Napaupo ng dahan dahan si chacha dahil sa labis na kalungkutan. Niyakap niya ang kanyang Bag. At yumuko. Umiyak siya ng umiyak sa kanyang Bag. Iiyak ko lang to kevin.. Tapos mamahalin padin kita Habang umiiyak siya nakarinig siya ng Yabag. At maya maya pa huminto ito sa kanyang harapan. Napatingala siya dahil biglang nawala ang ulan. Nanlaki ang kanyang mata dahil si Kevin pala ang nakatayo sa kanyang harapan. At higit sa lahat pinapayungan siya nito! Napatulala siya dahil seryoso itong nakatingin sakanya "Ihahatid na kita" Nanlaki lalo ang kanyang mata dahil sa sinabi ni Kevin. Napatayo siya at para bang nawala agad lahat ng lungkot na kanyang nararamdaman Ngumiti siya ng husto "S..Sure ka?" Napabuntong hininga ito at tumango lalong tumamis ang kanyang ngiti "Y..Yes!" Sa Sobrang saya niya bigla niya itong niyakap ng mahigpit. Maliit siyang babae kaya nasa dibdib lang nito ang kanyang mukha Ang bango ng sweetheart ko nagulat si Kevin sa kanyang ginawa pero hindi naman ito umangal "Lets go.." Yun lang ang sinabi nito kaya napakalas siya sa pagkakayakap kay kevin Ngumiti siya ng matamis "Lets go sweetheart!" Magkasabay silang naglakad pauwi sa kanilang bahay. Napapangiti siya dahil pakiramdam niya mag kasintahan na sila ni Kevin. Sabay kasi silang nag lalakad sa ilalim ng iisang payong so romantic Binagalan niya ang kanyang lakad upang namnamin ang moment na ito Napapakagat labi pa siya dahil naaamoy niya ang mabangong perfume ni Kevin ang bango bango hihi Medyo malapit lang ang bahay nila Chacha sa Campus kaya mabilis silang nakarating. She wished na sana mas malayo pa ang bahay nila mahina lang ang ulan kaya hindi sila gaano nabasa. Tumigil sila sa harap ng kanilang bahay "S...sweetheart salamat sa paghatid sakin ha? Sobrang saya ko talaga---" Tumalikod na ito at lumakad palayo sakanya. Hindi na nito pinakingan ang kanyang sasabihin Napangiti nalang pinagmasdan ni Chacha si Kevin habang papalayo ito "Ingat ka sweetheart!" Sigaw niya habang kumakaway kaway siya kahit nakatalikod ito alam niyang narinig siya nito Sungit talaga. Nang hindi na niya matanaw si Kevin pumasok na siya sa bahay nila Napangiwi siya dahil nakasimangot ang kanyang Mommy "Nag cutting classes ka na naman no?" "Aww Ang sakit po kase ng ulo ko. Ouch talaga" Umarte siya na parang masakit ang ulo niya "Pukpukin kaya kita nitong sandok na hawak ko? Mag aral ka naman mabuti nak!" Napayuko siya sa sinabi ng kanyang mommy "N..Nag aaral naman po akong mabuti infact ako nga ang pinakamataas sa mga exams--" "Stop lying! tumawag dito ang prof mo ikaw daw ang pinakamababang score! Palagi ka pang nag cucuting classes!" Napakamot siya sa kanyang ulo. Naku po si Ser Panot talaga oh sumbongero! Sakto naman kakarating lang ng kanyang kuya Larry tinupi nito ang sariling payong at nag mano sa kamay ng kanyang Mommy. Naku Hindi pala ako nakapag Bless kay mommy! "Oh Mommy bakit mukhang pinapagalitan mo nanaman tong si Chacha?" "Hay nako bantayan mo nga yang kapatid mo! Akala ata nagtatae ako ng pera pang bayad sa tuition niyo.! Tumawag ang prof niya siya daw ang pinakamababang grades at baka ibagsak daw siya kapag hindi siya nakahabol tapos nag cutting nanaman yan ngayon" Nangiti ang kuya larry niya at mahinang binatukan siya "Hoy bata ka sabi ko sayo mag aral kang mabuti diba?" Sinimangutan niya lang ng kuya larry niya "Mommy sa tingin ko kailangan ni Chacha ng tutor. para makapasa sa susunod nilang exam." "Wala kong pambayad sa tutor niyan! Wala na nga akong budget para sa kuryente natin tapos dadagdag ka pa Charlene. Ano ka ba namang bata ka?" Napayuko lang siya Haay naku "Mommy relax. May kaibigan ako sobrang talino. Papaturuan ko si Charlene sakanya at sigurado kong makikinig si Charlene sakanya. At higit sa lahat libre pa" Napatingin siya sa Kuya Larry niya at parang kumislap ang kanyang mata sa Idea ni kuya larry niya "Sino naman?" Tanong ng Mommy niya Please kuya si Kevin nalang ahaha Mahina siyang napadasal "Si Kevin Ma.. Scholar yun mula nuon kaya sobrang talino nun" "Ah yung crush nitong si Charlene? Nako baka lalong hindi makapag aral to---" "Hindi po mommy! Makikinig ako sakanya promise!" tinaas niya pa ang kanyang kamay na parang nanunumpa Natawa ang kuya Larry niya at ginulo nito ang buhok niya "Tip ko lang sayo little sis.. Hindi ka type ni Kevin dahil tamad kang mag aral. Try mong mag aral ng mabuti baka sakali magustuhan ka non" "Hoy larry tigilan mo nga yan! bata pa ang kapatid mo. Sige na pumapayag nako paturuan mo tong kapatid mo para matuto naman" Napangiti sila ng kuya niya. "Okay Mom!" Umirap sa hangin ang kanilang mommy "Osiya sige na magpalit na kayo ng damit at kakain na tayo ng hapunan. Parating na din ng daddy niyo" Tumalikod na ang mommy nila at bumalik sa kitchen Nag High Five naman sila ng kuya niya "Sana pumayag siya kuya! Love you kuya kong pogi wahaha" "May kapalit yon haha" "Ano naman?" "Ibigay mo sakin number ni Hazel" "Osige. Ha?! Anong sabi mo?!" Nanlaki ang mata ni Chacha sa sinabi ng Kuya niya "Ibigay mo number ni hazel sakin. Yung kaibigan mo na makapal yung salamin na parang nerd" "Wow. Sige kuya!" Kinilig si Chacha para kay hazel siguradong matutuwa ito Ibinigay niya agad sa kuya niya ang cellphone number ni hazel "Sana lang pumayag si kevin. Mahirap papayagin yun eh" Napangisi ito Napasimangot siya "User ka kuya! Pagkatapos mong kunin number ni Hazel bigla mong sasabihin yan? Gawin mo lahat para pumayag si kevin kundi sisiraan kita kay hazel" Isang demonyitang ngiti ang iniwan niya kay kuya Larry niya. "Grrr Bruha talaga tong kapatid ko" Napapailing nalang ang kuya niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD